Masayang nagbabalik ang two-time Cinemalaya Independent Film Festival Best Actress winner (for Endo in 2007 and Sanglaan in 2009) na si Ina Feleo sa GMA-7 via the new primetime series na Pilyang Kerubin. Gaganap siya bilang si Lailani, ina ni Charity (Barbie Forteza).
Kung matatandaan, ang unang TV show ni Ina ay ang GMA-7 afternoon drama na Kahit Kailan (2002). Gumanap siya rito bilang isang deaf mute.
Huling napanood si Ina sa mga TV drama ng ABS-CBN gaya Kung Fu Kids, Ligaw Na Bulaklak, at Habang May Buhay. Sa bakuran naman ng TV5 ay nakasama siya sa Hush Hush.
Sa pelikula naman, bukod sa Endo at Sanglaan, napasama rin si Ina sa Birhen ng Manaog, Gulong, Ang Ibig Sabihin ng Ok Lang, Miss You Like Crazy, at Working Girls.
MOTHER ROLE. Inamin ni Ina na matagal bago siya nahilig sa pag-arte dahil naka-focus siya sa ibang mga bagay noon.
"I was only 15 or 16 years old that time," banggit ni Ina. "That [Kahit Kailan] was my very first show on television. That time pa naman, hindi ako gano'n kainteresado sa acting, though both my parents [Laurice Guillen and the late Johnny Delgado] are encouraging me to get into it.
"Yung interest ko kasi before was in other things like ice skating. Yun ang pinakagusto ko noon. Pero nag-iiba pala talaga ang mga hilig mo as you get older, di ba?
"Now," patuloy niya, "acting na ang gusto kong gawin ngayon. And I'm getting very good roles in both movies and television. I'm into serious and light roles. Wala naman akong pinipili because it's all work and I really want to try out different roles."
Kaya nga isang malaking paghamon kay Ina ang gumanap nilang mother ni Barbie sa Pilyang Kerubin.
Kuwento niya, "When they offered the role to me, akala ko mas maliit na bata pa ang magiging anak ko. Yun pala, si Barbie mismo. She's 12 years old and I'm only in my 20s. So in reality, hindi puwedeng mangyari talaga.
"Kinausap nga ako ng mom ko and she asked me if okay lang ba for me to accept mother roles. Kasi nga, baka pag sinimulan ko na 'yan, parati na lang mother roles na ang ibigay sa akin.
"But the people of Pilyang Kerubin told me na hindi naman daw basta mother lang ang role ko sa show. Magiging complex ang character ko as the story unfolds. 'Tsaka aalagaan naman daw nila ako sa pagbalik ko sa GMA-7. Like si Direk Andoy Ranay, matagal ko na siyang kilala and I've worked with him sa Ligaw na Bulaklak before kaya nandoon ang trust ko sa kanila."
Natuwa raw si Ina sa mga nakunang eksena na nila ni Barbie. Nagulat nga raw siya na malawak na ang kaalaman ni Barbie sa pag-arte.
"Para na siyang matanda kung umarte," sabi ni Ina tungkol sa kanyang co-star. "I mean, sa length of stay pa lang niya sa showbiz, hindi naman gano'n katagal pa, pero when she acts, it's as if she's been acting all her life.
"Hindi ako nahirapan sa kanya kasi nakukuha niya kaagad ang mood ng eksena namin. And she makes eye contact with the actors she's working with. Hindi siya nawawala sa concentration niya. I've worked with other actors na kaedad ni Barbie and lots of them, hindi maka-focus.
"Si Barbie, alam na niya ang mga gagawin niya. She is taught very well and she's applying it sa kanyang trabaho. Sa edad niya, you can really tell how passionate she is sa kanyang pinasok na trabaho."
FATHER'S DAY WITHOUT HER DAD. Sa nalalapit na Father's Day (June 20), hindi mapigilan ni Ina na maging emotional dahil ito ang unang pagkakataon na ise-celebrate nila ito na wala ang kanyang ama na si Johnny Delgado. Sumakabilang-buhay si Johnny noong November 19, 2009 dahil sa sakit na cancer.
Inaalala ni Ina ang past Father's Day celebrations nila noong nabubuhay pa ang kanyang ama.
"Every Father's Day, lalabas kami talaga. It's either we watch a movie or we just have dinner sa restaurant na hindi pa namin nasusubukan. If we all have time talaga, we go out of town.
"And there's the usual kuwentuhan, tapos biruan. Si Daddy kasi, siya yung pinaka-joker sa amin. Marami siyang alam na jokes and we would really laugh. Yun ang nami-miss na namin sa kanya ngayon. We miss his laugh and we miss his jokes.
"Even nga wala na si Daddy, kapag lalabas kami ni Mom and my Ate [Anna Feleo], we would always buy tickets for four, or we would get a table for four people. Parating kasama pa rin si Daddy sa mga lakad naming mag-iina.
"Hindi madaling kalimutan si Dad kasi nga, he has always been there para sa aming lahat. Good or bad times, nandiyan siya and ayaw naming isipin na he's gone for good. I know that he's just there guiding us in everything we do," saad ni Ina.
Ang isa pang pinakanami-miss ni Ina sa kanyang yumaong ama ay ang pagiging kritiko nito.
"My Dad is my worst critic. He really says what he wants to me. At minsan, brutal talaga siya magbigay ng kanyang mga sasabihin sa akin when he gets to see my acting in this TV show or in this movie. Kasi nga, he wants us to learn from what is lacking sa ginagawa namin.
"I learned so much my Dad and sometimes nga I feel that he is still guiding me sa mga ginagawa namin. Like ito ngang Pilyang Kerubin, it came at a perfect time and it's all about angels and heaven. So, parang sign nga that Dad is in a good place now and pakiramdam ko, siya ang naglapit sa akin sa project na ito.
"Kaya I like to thank my Dad, wherever he is, I know that he's happy for us. We are all doing good and we miss will forever miss him," pagtatapos ni Ina.
