Kapansin-pansin ang magandang pigura ngayon ng aktres na si Angelika dela Cruz. Kung hindi nga lang alam ng lahat na may asawa't anak na siya, mapagkakamalang dalaga pa ito.
Kaya naman hindi naiwasan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people na batiin si Angelika sa seksi niyang katawan nang makaharap namin siya sa presscon ng Pilyang Kerubin noong May 31. Kitang-kita sa mga ngiti ni Angelika ang pagiging proud dahil sa papuring natatanggap na parang hindi raw siya nagkaasawa at nagkaanak.
Sabi naman niya, nakuha niya ito sa pagda-diet, disiplina sa sarili, at pag-aalaga sa kanyang anak. "Pag naglalakad na ang anak mo, habol ka nang habol mapapagod ka," nakangiting sabi ni Angelika.
Maliban sa kanyang pamilya, ang isa pang maituturing na blessing kay Angelika ay ang maganda niyang figure.
"Three pounds na lang, tubig lang 'yan. Madali na lang tanggalin 'yan!" natatawa niyang sabi.
Ayon kay Angelika, dalawang taon pa raw ang lilipas bago nila sundan ng asawang si Orion Casareo ang baby nila na si Gabriel, na isang taon na ngayon.
"Sana nga kasi CS [caesarean] ako, e. Ang hirap magpapayat. No'ng bago ako magbuntis, 100 pounds ang timbang ko. Nong nanganak ako, 185 lbs ako. Sobrang diet lang ako. Ang weight ko ngayon, 103 lbs, at 3 lbs na lang. Yung 3 lbs na yun, kumakain lang ako nang kumakain kasi napupuyat ako sa taping. Noong kinasal kasi ako, mga 107 lbs, 108 lbs pa ako. After ng wedding, kusa na lang siyang nawala, hindi na ako nagda-diet," lahad ni Angelika.
Kaibigang matalik ni Angelika si Judy Ann Santos, na ang isisilang na sanggol sa asawang si Ryan Agoncillo ay isang lalake. Siyempre, masaya si Angelika para sa kaibigan. Nagkasama noon sina Angelika at Judy Ann sa ABS-CBN primetime series na Esperanza.
"Congratulations! Tinext ko lang siya. Kasi nag-States siya, di ba? Congratulations kay Ryan! Bonggang-bongga! Jackpot siya, nakalalake siya agad," masaya niyang bulalas.
NO RESTRICTIONS. Kabilang si Angelika sa mga aktres na kahit ilang beses na nag-ober da bakod sa magkalabang istasyon, nawala sa sirkulasyon at bumalik, ay patuloy pa ring tinatanggap ng pinaglilingkurang network gaya ng GMA-7.
Yun nga lang, marami ang nagtatanong kung hindi ba nagkakaroon ng isyu sa kanila ni Orion ang pagbabalik niya sa acting, samantalang maliit pa ang kanilang anak na si Gabby?
"Hindi," mabilis niyang tugon. "Second soap ko na ito [Pilyang Kerubin] after kong manganak. Yung Kaya Kong Abutin ang Langit, medyo malaki pa nga ako doon, e. Medyo mataba pa ako doon.
"Wala namang restrictions sa asawa ko. I mean, kung ano yung ginagawa ko dati, puwede ko pa ring gawin yun ngayon. Wala naman. Mabait naman yun, e. Wala naman akong problema doon," pagtukoy pa ni Angelika sa kanyang mister.
Wala rin daw isyu kung balikan ni Angelika ang dating roles at characters na ginagawa niya noong wala pa siyang asawa, gaya ng pakikipag-kissing scene sa mga nakakasamang leading men sa TV projects niya.
"May kissing scene ako," banggit niya sa PEP. "Dalawa ang partner ko dito sa Pilyang Kerubin, si Raymart [Santiago] at si Paolo [Contis]. May kissing scenes ako sa kanila."






napanood ko sya sa claudine..pareho sila magaling ni cluad
good to know na sa pilyang kerubin sya
sana bigyan sya more interrestign and good projects from GMA. sayang talent nya eh
Magpahinga naman kayo. Sabagay sayang ang payola. LOL.
Pilyang Kerubin - EXCITING!