Bagamat nakasentro sa mag-amang Gabby at KC Concepcion ang karamihan ng usapan tungkol sa pelikulang I'll Be There ng Star Cinema, alam naman ng lahat na kasama rin dito ang award-winning actor na si Jericho Rosales.
Ang istorya ng I'll Be There ay nakasentro sa relasyon ng mag-ama (played by Gabby and KC) na nagkawalay nang matagal. Pero nilinaw naman agad ni Gabby na hindi hango sa totoong istorya nila ni KC ang kuwento ng unang pelikula nila together. Hindi naman kasi kaila na matagal nagkahiwalay sina Gabby at KC nang magdesisyon ang aktor na mamuhay sa U.S. sa loob ng 13 years.
Bukod kina Gabby at KC, nakaka-relate din sa kuwento ng pelikula ang isa pang bida rito na si Jericho.
Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Jericho kahapon, June 3, sa presscon ng I'll Be There, sinabi niyang, "Kasi ako, may similiarty rin ang buhay ko dun sa ano... May nagtanong nga, 'Ito bang pelikula na ito, fit na fit sa inyong dalawa, Gabby and KC?' I would say, ako, karamihan sa mga roles na ginampanan ko, marami dun na maihahalintulad ko sa sarili kong buhay. Dito sa film na ito, ganundin, marami rin. Marami rin akong experiences, especially sa tatay ko. Like simple things, opening up, talking about what happened in the past."
Hindi naman kasi ikinakaila ni Jericho na nagkaroon din sila ng conflict ng kanyang ama noon. Bata pa lang kasi siya nang magkahiwalay ang mga magulang niya. Pero ayon sa aktor, okay na raw sila ngayon ng tatay niya.
"We just tried to fix it. Usap lang kami. Very simple lang. Everything naman kasi...if you're open for forgiveness and love," sabi niya.
Kapag nakikita niya sina Gabby at KC habang nagsu-shooting sila, nakikita ba niya ang sarili sa mga ito bilang anak?
"Not really," sagot niya. "Ako, nakikita ko lang silang dalawa, medyo napapatanga lang ako. Napapanganga lang ako. Ang sweet nila, e. Wow, this is a good opportunity para sa kanilang dalawa para mag-bond. Hindi siguro sila nagkikita sa sobrang busy nila. At least, 'eto nakikita ko kapag magkasama sila, big bonus."
Hindi inililihim ni Jericho na may anak na siya mula sa isang dating karelasyon. Kuwento niya, he always finds time to be with his 8-year-old son and bond with him.
"My family and I, even if I'm busy, I make sure that I have time for them," banggit pa ng aktor.
May nakukuha rin daw siyang ilang bagay kay Gabby bilang ama na puwede niyang i-apply sa kanyang anak.
"Just be open, be honest and open to your kids. Parang ganun lang yun. You wanna be a good dad, recognize your Dad above and He will show you a lot of good things. Ako, if you want a good advice in general, just look above," saad niya.
SECOND TIME WITH KC. Kung tutuusin, second time na nina Jericho at KC na magkasama sa isang project. Una silang nagkasama sa Katy, The Musical two years ago. Na-link na rin sila before pero walang nangyari. Bakit nga ba?
"I wasn't ready that time and it never happened. Maybe, timing lang," sabi niya.
Posible rin ba na kaya hindi sila nagkakatagpo in a sense dahil kapag siya ang single, si KC naman ang hindi puwede?






puro flop naman ang mga movie nito kaya siguop sumali sa movie ng mag-ama para makalasap naman ng hindi flop na movie.hehehe.lolz
good luck sa movie dahil nandun siya!
kahit ano pang sabihin ng iba dyan, para sa amin, he has proven himself and marami pa siyang kayang gawin.
merlion_25
June 4, 2010
18:30 PM baka 100 million kaagad ang first day gross ng movie na 'to. LOL.
Star Cinema padding, EXPECTED na yan esp. in this movie na walang kasiguraduhan ang appeal sa moviegoing public.
---------------------------------
inggit....halata o...
thebest1
June 4, 2010
15:40 PM bakit ba sinali sali pa ito sa movie ni gabby at kc wiz namang box office appeal itong si echo lolz palibhasa puro flop ang pelikula kaya sumali sa sure hit na movie.
...
ang nega mo inday ... para naman request ni Echo ang maisali - sabi nga nya na surprise sya na isinali sya and syempre tuwang tuwa sya. Magbasa bago mag nega - kapus!!!
Jericho seems to be a talented actor. He should focus on that and it's good for him to keep away from discussing his private life. After all, he's being promoted on his own merits as an actor, no longer as part of a loveteam.
Star Cinema padding, EXPECTED na yan esp. in this movie na walang kasiguraduhan ang appeal sa moviegoing public.