Bagamat nakasentro sa mag-amang Gabby at KC Concepcion ang karamihan ng usapan tungkol sa pelikulang I'll Be There ng Star Cinema, alam naman ng lahat na kasama rin dito ang award-winning actor na si Jericho Rosales.
Ang istorya ng I'll Be There ay nakasentro sa relasyon ng mag-ama (played by Gabby and KC) na nagkawalay nang matagal. Pero nilinaw naman agad ni Gabby na hindi hango sa totoong istorya nila ni KC ang kuwento ng unang pelikula nila together. Hindi naman kasi kaila na matagal nagkahiwalay sina Gabby at KC nang magdesisyon ang aktor na mamuhay sa U.S. sa loob ng 13 years.
Bukod kina Gabby at KC, nakaka-relate din sa kuwento ng pelikula ang isa pang bida rito na si Jericho.
Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Jericho kahapon, June 3, sa presscon ng I'll Be There, sinabi niyang, "Kasi ako, may similiarty rin ang buhay ko dun sa ano... May nagtanong nga, 'Ito bang pelikula na ito, fit na fit sa inyong dalawa, Gabby and KC?' I would say, ako, karamihan sa mga roles na ginampanan ko, marami dun na maihahalintulad ko sa sarili kong buhay. Dito sa film na ito, ganundin, marami rin. Marami rin akong experiences, especially sa tatay ko. Like simple things, opening up, talking about what happened in the past."
Hindi naman kasi ikinakaila ni Jericho na nagkaroon din sila ng conflict ng kanyang ama noon. Bata pa lang kasi siya nang magkahiwalay ang mga magulang niya. Pero ayon sa aktor, okay na raw sila ngayon ng tatay niya.
"We just tried to fix it. Usap lang kami. Very simple lang. Everything naman kasi...if you're open for forgiveness and love," sabi niya.
Kapag nakikita niya sina Gabby at KC habang nagsu-shooting sila, nakikita ba niya ang sarili sa mga ito bilang anak?
"Not really," sagot niya. "Ako, nakikita ko lang silang dalawa, medyo napapatanga lang ako. Napapanganga lang ako. Ang sweet nila, e. Wow, this is a good opportunity para sa kanilang dalawa para mag-bond. Hindi siguro sila nagkikita sa sobrang busy nila. At least, 'eto nakikita ko kapag magkasama sila, big bonus."
Hindi inililihim ni Jericho na may anak na siya mula sa isang dating karelasyon. Kuwento niya, he always finds time to be with his 8-year-old son and bond with him.
"My family and I, even if I'm busy, I make sure that I have time for them," banggit pa ng aktor.
May nakukuha rin daw siyang ilang bagay kay Gabby bilang ama na puwede niyang i-apply sa kanyang anak.
"Just be open, be honest and open to your kids. Parang ganun lang yun. You wanna be a good dad, recognize your Dad above and He will show you a lot of good things. Ako, if you want a good advice in general, just look above," saad niya.
SECOND TIME WITH KC. Kung tutuusin, second time na nina Jericho at KC na magkasama sa isang project. Una silang nagkasama sa Katy, The Musical two years ago. Na-link na rin sila before pero walang nangyari. Bakit nga ba?
"I wasn't ready that time and it never happened. Maybe, timing lang," sabi niya.
Posible rin ba na kaya hindi sila nagkakatagpo in a sense dahil kapag siya ang single, si KC naman ang hindi puwede?
"Maybe...maybe. Like KC and Piolo [Pascual] were dating before," ani Jericho.
Dahil sa "inosenteng" pagkakasabi na yun ni Jericho, sinundan namin ito ng tanong, hindi na ba sina KC at Piolo ngayon?
"I don't know. I don't know. I heard they were dating before. I don't know really. I go to the set. We text once in a while. Happy kami, di ba? Pero before, wala, e. Hindi pa ako okey noon to be in a relationship, e. Siyempre, when you know someone is dating this person, siyempre you won't go to that person na, di ba?" saad niya.
Could it be because siya naman ang may commitment sa iba?
"Yeah," mabilis naman sagot. "Maybe it's not meant to be. Parang nae-enjoy ko ang panahon na 'to na nagkakaroon kami ng opportunity na maging magkaibigan."
Hindi naman daw niya inakalang after Katy ay masusundan pala ng movie ang pagsasama nila ni KC.
"That's the reason why I got excited nang i-offer sa akin ang movie na ito," sabi ni Echo. "Hindi ko ine-expect na magkaka-work pa rin kami. I was hoping pa lang na makakatrabaho siya. Then they said it's a movie, so good."
EXCLUSIVELY DATING. Nali-link ngayon si Jericho sa TV personality na si Cesca Litton. Inamin na rin ng aktor na they are exclusively dating.
"Well, yeah, we are," sambit niya.
Ang ibig ba niyang sabihin sa "exclusively dating" ay mag-on na sila?
"You can put whatever you want, but I'm just exclusively dating one girl," sagot ni Echo. "But I don't wanna talk din about my relationship right now because I'm happy the way it is. I just don't wanna hurt other people."
May masasaktan ba?
"No, I wanna protect her family, of course. My family. Her family. My other beloved ano..." aniya.
Gaano na katagal ang "happiness" na meron siya ngayon?
"Matagal na!" natatawa niyang sabi, at saka niya idinagdag na wala pa naman daw one year.
Nang magkasunod-sunod na ang tanong sa kanya about his lovelife, bigla na itong umiwas. Bigla pa nga itong nagbiro at sinabing "Coffee, guys?" sa PEP at iba pang entertainment press na nag-i-interview sa kanya.
Pero hindi pa rin siya tinantanan ng mga tanong tungkol sa kanila ni Cesca. Sa palagay niya, magtatagal ba ang "happiness" na meron siya ngayon?
"I don't wanna say anything. Coffee?" nakangiti niyang sagot.
Ayon kay Jericho, more than two years din daw bago niya nagawang buksan muli ang kanyang puso after his much talked-about breakup with Heart Evangelista. Pero pagkatapos nito ay pilit niyang iniwasang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Cesca.
Hirit ni Echo, "No more, I don't want to talk anymore. I love you guys. I appreciate everything you do for me and my career. But 'eto, I'm really enjoying itong quiet lang, privacy."
Was he traumatized by his past relationship kaya mas gusto niyang gawing private ang relationship niya ngayon?
"To answer that, I would say I've learned from the past," sagot niya.
Mas peaceful ba ngayon ang relationship niya?
"Yeah, mas peaceful. This is the reason why I don't wanna talk about my relationship. This is not [about] you guys but the people involved," paliwanag ni Echo.
Ano ang meron sa present relationship niya na wala sa mga past niya?
"Peace and quiet!" natatawang sagot niya.