Lani Mercado steps away from showbiz to focus on political career

Rose Garcia
Saturday, June 05, 2010 @ 07:08PM  |  63 views

 

"Para wala rin namang masabi ang constituents ko, trabaho muna talaga, kasi yun din naman ang ipinangako ko sa kanila. Sila muna ang pag-uukulan ko ng pansin," said the newly-elected representative of the 2nd District of Cavite.

 

Photo By: Noel Orsal













Total victory talaga para sa pamilya Revilla ang naging resulta ng nakaraang May 10 elections.  Hindi lang nanalo si Bong Revilla sa Senado, siya daw ang nakakuha ng pinakamataas na boto in election history. Sa official canvass ng Comelec, Senator Bong has already garnered nearly 19.5 million votes. 

Ang asawa naman niyang si Lani Mercado ay ang bagong halal na congresswoman ng 2nd District of Cavite, at ang kapatid na si Strike Bautista ay muling nahalal bilang Mayor ng Bacoor.

Kahapon, June 4, ay humarap ang mag-asawang Bong at Lani sa entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa Imperial Palace Suites sa Quezon City. Kasama sa victory press conference ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, isa sa mga nag-endorso sa mag-asawa noong kampanya.

BREAK FROM SHOWBIZ. Ngayong nahalal na si Lani, sinabi niyang ipapahinga niya muna ang kanyang showbiz career.

"Wala muna. Focus muna 'ko sa bagong trabaho ko," nakangiting sabi niya. "Para wala rin namang masabi ang constituents ko, trabaho muna talaga, kasi yun din naman ang ipinangako ko sa kanila. Sila muna ang pag-uukulan ko ng pansin."

Balita niya'y meron na nga raw na-turn down na project ang manager niyang si Lolit Solis.

May planong mag-enroll sa kursong Public Administration si Lani habang nasa Kongreso.

"Batikan ang mga kasama ko," sabi niya. "Basta ang ipinangako ko sa entablado, ang pag-uukulan ko ng pansin yung una, ang municipal hospital namin sa Bacoor na ginagawa. Gagawan natin ng paraan na maging district hospital ito para national government na ang tutulong sa amin.

"Popondohan ko ang mga major hospital. Nandiyan ang mga scholarships na ipinangako ko sa mga constituents ko at yung construction of new school, dun muna."

Isa rin sa main goal ni Lani ay ang maipasa ang pagiging siyudad ng Bacoor.

FAMILY FIRST, FOR NOW. Habang di pa raw siya pormal na nauupo sa Kongreso, talagang ang pamilya niya raw ang pinaglalaanan niya ng panahon.

"Ngayong hindi pa nagsisimula, quality ang ibinibigay ko sa mga bata. Kasi, once I start working in Congress, hindi ko pa alam kung ano ang magiging sistema. Pero nandiyan pa rin naman ang bago umalis, naka-monitor sa mga bata.

"But once I have work in the Congress, gano'n pa rin. Kahit kapag taping naman, nate-text at natatawagan pa rin ako ng mga bata. Huwag lang during session."

Father's Day na sa June 20. Pareho nang busy sa kani-kanilang tungkulin bilang mga public servant sina Bong at Lani, pero may plano ba silang i-celebrate ang natatanging araw na ito?

"Parang walang bakasyon si Senator. Baka wala siya sa Father's Day. Wala pa akong alam. Hindi pa namin napa-finalize lahat ng plans. Pero ako kasi... June 19, mag-a-attend ako ng wedding ni Tuesday Vargas sa Boracay.

1  2  3  Next »

Related Articles

28 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name