Medyo late nang dumating si Jolo Revilla sa victory press conference ng kanyang mga magulang na si Senator Bong Revilla at newly-elected congresswoman ng Bacoor, Cavite na si Lani Mercado sa Imperial Palace Suites sa Quezon City kahapon, June 4.
Sa pag-welcome niya sa anak, sinabi ni Lani na si Jolo raw ang susi sa tagumpay ni Senator Bong. Si Jolo raw kasi ang naging masipag sa pangangampanya para sa ama sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
FOCUS ON CAREER. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Jolo, sinabi niya, "Of course, siyempre, tuwang-tuwa dahil si Papa, panalo, number one senator. At hindi lang yun. Kumbaga, siya ang may pinakamaraming boto sa history ng senators na nakuha. Second si Mama, panalo rin. Winner lahat. Pati si Mayor Strike Revilla [kanyang tiyo], winner rin, so, nagpapasalamat talaga tayo sa mamamayang Pilipino sa walang-sawang suporta at pagmamahal na ibinibigay nila sa atin. At siyempre, nagpapasalamat din tayo sa tiwalang ibinigay nila sa atin."
Bilang pinakamasigasig sa pangangampanya para sa kanyang papa, may hiniling ba siyang gift sakaling manalo ito?
"Hindi ako gano'n. Hindi ko na kailangang humingi ng kapalit. Basta tumutulong ako. All throughout, all the way, dahil gusto ko ang ginagawa ko, dahil mahal ko sila. Yun lang yun."
Wala pa naman daw siyang plano kung may posisyon siyang gustong hawakan.
"As of now, I would like to focus on my career first. Siyempre, kumbaga, ngayon nag-e-enjoy ako. Dati, nakaligtaan ko ang career ko. Ngayon, focus muna 'ko sa career ko. Sa pag-aaral din kahit paano. At saka, siyempre, tutok din sa anak ko."
Twelve units na lang daw siya sa kursong marketing management sa Asian Institute of Management sa Makati City.
OBVIOUS FEELINGS. Tila nakahanda na si Jolo at napangiti na lang nang ang topic ng interview ay napadako sa kanyang lovelife.
Una naming tinanong ay ang tungkol sa series of updates niya sa kanyang Facebook account kunsaan obvious na in love na naman siya ngayon.
"Actually," nakangiti niyang sagot, "kung anuman ang mga nakasulat dun, saloobin ko yun. Hindi ko dine-deny, di ba?"
So, in love nga siya ngayon?
"Humahanga lang... Basta ang masasabi ko lang, magkakaibigan kami at magkakabarkada kaming lahat. Friendship is all that we can offer right now. Kumbaga, barkada, e. Magkakasama kami palagi. Nandiyan ang Chiurigogobaschu, magkakasama kami palagi. At tuwing lumalabas kami, hindi lang naman kaming dalawa lang."
Ang Chiurigogobaschu ay ang barkadahan na binuo nina Kim Chiu, Erich Gonzalez, Empress Schuck at Kitkat. Pero sila raw ni Enchong Dee ay madalas din na nakakasama.
Ayon sa bali-balita, ang tinutukoy na babaeng "hinahangaan" ni Jolo ay si Melissa Ricks. So, nanliligaw na ba siya sa naging leading lady niya sa seryeng Agimat... Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla, Sr.?






Talagang walang ka-dala-dala those young female stars when it comes to having relationship with Jolo, Jake Cuenca, Dennis Trillo, John Llyod Cruz, among others.
Those guys are bunch of sobrang mahilig for different girls.
These girls naman are also sobrang mahilig to different guys.
Please have naman moral value in showbiz as naka-kahiya na kayong lahat.
At c Erich naimprove din lalo na yung pagdeliver niya ng mga lines I must say ang galing nila at bagay cla me chemistry.......yun lang....
inlove na naman buntis nanaman.
prang dinikit lang yung ulo nya sa kanyang katawan!