Lolit Solis tells why June for her is a "month of sadness"

William R. Reyes
Sunday, June 06, 2010 @ 12:08PM  |  29830 views

 

June is the month when two of her closest friends, action superstar Rudy Fernandez and fellow star builder Douglas Quijano, passed away, and it is also the month when her name became inextricably linked to the words "Manila," "filmfest," and "scam."

 

Photo By: Noel Orsal













Parehong gugunitain ngayong Hunyo ang death anniversaries ng dalawang taong naging malapit sa talent manager at TV host na si Lolit Solis:  sina Rudy Fernandez at Douglas Quijano. 

Kahapon, June 5, binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lolit sa GMA-7 studio, kung saan isinasahimpapawid nang live ang Startalk, at sa panayam ay nabanggit niya ang tungkol kina Daboy (palayaw ni Rudy) at Douglas.

SAD MEMORIES. "Alam mo, ang June is a very sad month for me," bungad ng naging "nanay-nanayan" ng kilalang action star at industry leader, at malapit na kaibigan ng kapwa talent manager at star builder.  "June 7 [2008] namatay si Rudy. June 13 [2009] naman, si Douglas..."

May dagdag pang dahilan kung bakit month of sadness para sa kanya ang Hunyo. "June din ang aking scam," aniya, referring to the infamous 1994 Manila Film Festival scandal, kunsaan ang mga alaga ni Lolit ang nagawaran ng acting awards imbes na ang mga tunay na nanalo. Inamin niya sa korte na minanipula niya ang mga resulta at sinentensiyahan siya sa ilalim ng probationary law.

"Siguro destiny talaga... parang inano lahat sa isang buwan..." naisip ni Lolit. "Thursday [June 11, 2009], nagkausap kami ni Douglas.  Saturday [June 13], patay na siya.  Si Daboy naman, nang pinuntahan ko ang bahay niya ng Friday [June 6, 2008], akala ko masu-survive pa niya.  Pero medyo kinakabahan na ako dahil iba na ang hitsura niya.  Then the following day [June 7], patay na siya.

"At alam mo ba kung bakit hindi na ako nag-aalaga ng bago?" dugtong ni Lolit, "kasi, before he died, nag-usap kami ni Douglas..."

TITO DOUG'S LAST WORDS. Ganito raw ang mga huling sinabi sa kanya ni Tito Dougs (ang tawag kay Quijano ng mga talents at malalapit na kaibigan):

"Alam mo, it's about time for us [na] mag-semi-retirement. Kasi, kaya tayo nagkakaganito... ang health natin... kasi, masyado tayong involved.  Especially you [Lolit], masyado kang confrontational..."

Dahil masyado daw silang involved sa mga talents nila, "you absorb their problems."

Nang mamatay si Douglas, ang maraming talents na mina-manage nito ay napunta sa iba't ibang managers, except kay Lolit.

"Kahit na nga isa, hindi ako nag-manage ng talent ni Douglas, kasi pinag-usapan na namin, e," sabi niya.

"LUKA-LUKA." A year after Douglas died, malinaw pa rin sa alaala niya ang masaya nilang kuwentuhan.

"Yung last talk namin, tawanan kami nang tawanan," Lolit shares.  "Alam mo kasi, that time, ang hot na issue yung [kay] Vicki Belo..."

Nag-i-speculate daw sila kung nakunan din ng sex video ang kilalang dermatologist to the stars.

"Sabi ni Douglas, nagbibiro pa kami, 'Naku, ha, dapat ma-video rin natin si  Mother Lily, para makagawa ng eksena!'" at natawa uli si Lolit.  "Luka-luka talaga 'yang Douglas.  Tawanan kami nang tawanan.  Thursday afternoon 'yon..."

1  2  Next »

Related Articles

41 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name