Ipinalabas sa Startalk kahapon, June 5, ang panayam nila kay Baron Geisler noong May 5 sa Enpress Golden Screen Awards for Movies kunsaan presenter ang aktor.
Pinag-usapan sa panayam ang di pagsipot ni Baron sa mga hearing ng kasong isinampa sa kanya ni Yasmien Kurdi na acts of lasciviousness and unjust vexation. Ang ugat ng kaso ay ang pambabastos daw na ginawa ng aktor kay Yasmien noong Mayo 21, 2009 habang nagte-taping sila ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa ng GMA-7.
Ang sabi naman ni Baron ay pumunta daw siya sa mga hearing.
"Um-atend po ako," ang sabi niya noong May 5. "Hindi nga po siya natuloy. I mean, tuloy po siya, pero, wala nga lang po ang judge. I think nagkaroon siya ng emergency something."
Pero last Friday, June 3, may lumabas nang warrant of arrest para sa actor dahil daw sa hindi nito pagsipot ng dalawang beses sa ipinatawag na hearing ng Bocaue, Bulacan Municipal Trial Court. (CLICK HERE for related story.)
Tila kampante naman daw ang actor sa kahihinatnan ng kaso.
"Life goes on pa rin," ang naging pahayag niya.
FLIGHT IMPLIES GUILT. Sa panayam naman ng Startalk sa legal counsel ni Yasmien na si Atty. Ferdinand Topacio, pinabulaanan nitong nakapag-attend daw ng hearing si Baron.
Ayon kay Atty. Topacio, "Hindi po dumadalo si Ginoong Geisler sa kahit na anong hearing. Kaya nga po siguro, nagpasya na rin ang hukuman na siya ay ipaaresto. Sapagkat hindi po uusad ang paglilitis kung wala po siya. Ang dapat niyang gawin ay sumuko siya sa hukuman. At siya ay magpiyansa. Upang ma-lift ang warrant. Kung hindi, talagang dadakipin siya.
"Ang payo ko naman sa kanya, magpakita siya upang harapin itong akusasyon laban sa kanya sapagkat meron po tayong tinatawag sa batas na flight which means guilt. Ibig sabihin kung ikaw ay nagtatago, ayaw mong humarap sa hukuman, ibig sabihin ikaw ay may kasalanan."
YASMIEN SPEAKS FROM GUAM. Sa kasalukuyan ay nasa Guam si Yasmien at nagbabakasyon. Pero nagawa siyang makausap ng Startalk at hingan ng reaction tungkol sa warrant of arrest kay Baron.
Ayon sa aktres, "Sa totoo lang po, hindi ko pa po masyadong alam ang story kasi wala nga po akong balita rito, like yung mga tito ko pa lang po ang nakapanood kanina. Hindi ko pa po alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko pa rin po alam kung ano na ba ang status na nangyayari about the case.
"Nagulat din po ako, pero, maayos na rin po yun para malaman ng tao kung ano talaga ang problema niya at kasalanan niya, di ba? Sana po matapos na rin po ito para maayos na rin po ang lahat."
May pabuyang inilaan ang kampo ni Yasmien na P50,000 para sa kung sinumang makakapagsabi ng kinaroroonan ni Baron.
Ayon pa kay Atty. Topacio, "Kami ay nag-o-offer ng reward na P50,000 sa kung sinuman pong law enforcer officer na makakadakip kay Mr. Baron Geisler."






ano naman ang problema mo, ang laki ng inggit mo ke yas, gusto mo atang mabastos mabuti nga lumaban si yas sa mga bastos na katulad ni baron