Nakatanggap kami kamakailan ng mensahe, pointing at talent manager and TV host Lolit Solis bilang source ng ulat at komento tungkol sa diumano'y balak na pagdedemanda ng kampo ni Nora Aunor sa isang malaking beauty clinic sa Japan.
Sa ginawang facial enhancement sa superstar, ayon pa sa hindi malinaw na ulat, ay aksidenteng na-comatose daw si Nora at kailangang i-puncture ang kanyang lalamunan upang siya'y makahinga. Dito raw naapektuhan ang kanyang vocal chords, kaya hindi raw nakapag-concert ang Superstar sa Canada noong Abril, as originally scheduled.
Natuloy ang concert last month, in time for her birthday (May 21), pero ni-lipsynch na lang ni Nora ang mga kanta. Na-interview rin si Nora matapos ang concert. Basag at malat ang tinig ni Guy, sanhi raw ng apektadong vocal chords.
May iba pang ulat na naglabasan tungkol sa isyu, pero ang tinutukoy sa fan sites ay mula kay Lolit na siya umanong source.
COMPLICATED. Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lolit kamakailan sa live airing ng Startalk sa GMA-7 studio upang hingan ng pahayag tungkol sa nasabing ulat.
"I heard about that," simula ni Lolit. "I don't know na may napagkuwentuhan ako. Pero alam ko, yun nga daw ang talagang nangyari sa Japan, na narinig ko. Para daw i-save yata siya [Nora] dahil nagsusuka na siya. Yun ang parang ano...to save her."
Pero sigurado ang Startalk co-host na isang malaki at kumpikadong usapin ang kinakaharap ng Superstar, sakaling ituloy ng kampo nito ang paghahabla sa mga nasa likod ng ginawang operasyon.
"Kasi, di ba, ang idedemanda mo yung Japanese doctor?" tanong ni Lolit. "So, you have to go to Japan. Doon mo babantayan 'yan, di ba? Siguro, some people in America, sinabi sa kanya [Nora] na tsu-tsu-tsu...'kailangan mong magdemanda!'
"Pero yun, kung sa Amerika ka nakatira, okey. Pero when you live somewhere, parang dito, halimbawa, nakatira ka sa Quezon City, at may magdemanda sa 'yo sa Davao, imadyinin mo yun, di ba? Mahirap 'yon. Especially sa Japan, parang you don't have to question policemen and doctors, di ba? Parang yun ang narinig ko.
"I sympathize [with Nora]," sabi rin ni Lolit at one point of our interview. "Iniisip ko, biruin mo, talaga namang gano'n ang buhay, di ba? In one lift of a finger, anong nangyayari?"
Sa mga ulat ay hindi nababanggit ang tungkol sa karugtong na komento o opinyon ni Lolit, na nagbibigay ng koneksiyon sa external operation na ginawa supposedly sa mukha ni Nora. Kasama rin dito ang ulat ng diumano'y pagkaka-"comatose" niya na dahilan ng pag-puncture daw sa lalamunan ng singer-aktres upang ito'y makahinga, na nakasira sa vocal chords nito.
Sabi nga ni Lolit, "Yung enhancement naman, okey lang 'yon. Pero yung complications? Dapat susunod ka sa doktor. Ano yata, right after ng operation, sinabihan siya na kung puwede, huwag na siyang uminom... Tapos, ang ginawa niya, uminom pa yata, or nagpuyat, or nagsigarilyo. Sana kung nagpa-undergo ka nga ng gano'n, at sinabihan ka ng doktor na huwag kang mag-ganito, 'wag mag-ganyan, sundin mo, di ba?"
ALFRED VARGAS. Natalo sa nakaraang eleksiyon ang "manok" ni Lolit sa pagka-presidente, ang dating senador na si Manny Villar. Pero naniniwala si Manay Lolit sa sinasabing "katalagahan."
"I believe in destiny," pagtukoy ni Lolit. "Lahat 'yan, destiny. Merong nakatakda sa 'yo."
Hindi pa rin naman nagbago ang paniniwala ng Startalk co-host sa kapasidad ng kanyang ibinotong kandidato.






Lolit Solis = non sense creature!
SABI NI AMY PERES SA TWITTER!
WAG DAW KAYONG MAPANGHUSGA! SINU BA KAYU?...
TAMA!....