PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis pointed as the source of Nora Aunor's plan to sue Japan-based beauty clinic

Manay Lolit on former ward Gabby Concepcion: "It will never be the same."
by William R. Reyes
Published Jun 7, 2010
Talent manager and Startalk co-host Lolit Solis comments on report that she is the alleged source of Nora Aunor's plan to sue a Japanese beauty clinic. Manay Lolit also talks about former ward Gabby Concepcion and talent Alfred Vargas.

Nakatanggap kami kamakailan ng mensahe, pointing at talent manager and TV host Lolit Solis bilang source ng ulat at komento tungkol sa diumano'y balak na pagdedemanda ng kampo ni Nora Aunor sa isang malaking beauty clinic sa Japan.

Sa ginawang facial enhancement sa superstar, ayon pa sa hindi malinaw na ulat, ay aksidenteng na-comatose daw si Nora at kailangang i-puncture ang kanyang lalamunan upang siya'y makahinga. Dito raw naapektuhan ang kanyang vocal chords, kaya hindi raw nakapag-concert ang Superstar sa Canada noong Abril, as originally scheduled.

Natuloy ang concert last month, in time for her birthday (May 21), pero ni-lipsynch na lang ni Nora ang mga kanta. Na-interview rin si Nora matapos ang concert. Basag at malat ang tinig ni Guy, sanhi raw ng apektadong vocal chords.

May iba pang ulat na naglabasan tungkol sa isyu, pero ang tinutukoy sa fan sites ay mula kay Lolit na siya umanong source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COMPLICATED. Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lolit kamakailan sa live airing ng Startalk sa GMA-7 studio upang hingan ng pahayag tungkol sa nasabing ulat.

"I heard about that," simula ni Lolit. "I don't know na may napagkuwentuhan ako. Pero alam ko, yun nga daw ang talagang nangyari sa Japan, na narinig ko. Para daw i-save yata siya [Nora] dahil nagsusuka na siya. Yun ang parang ano...to save her."

Pero sigurado ang Startalk co-host na isang malaki at kumpikadong usapin ang kinakaharap ng Superstar, sakaling ituloy ng kampo nito ang paghahabla sa mga nasa likod ng ginawang operasyon.

"Kasi, di ba, ang idedemanda mo yung Japanese doctor?" tanong ni Lolit. "So, you have to go to Japan. Doon mo babantayan 'yan, di ba? Siguro, some people in America, sinabi sa kanya [Nora] na tsu-tsu-tsu...'kailangan mong magdemanda!'

"Pero yun, kung sa Amerika ka nakatira, okey. Pero when you live somewhere, parang dito, halimbawa, nakatira ka sa Quezon City, at may magdemanda sa 'yo sa Davao, imadyinin mo yun, di ba? Mahirap 'yon. Especially sa Japan, parang you don't have to question policemen and doctors, di ba? Parang yun ang narinig ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I sympathize [with Nora]," sabi rin ni Lolit at one point of our interview. "Iniisip ko, biruin mo, talaga namang gano'n ang buhay, di ba? In one lift of a finger, anong nangyayari?"

Sa mga ulat ay hindi nababanggit ang tungkol sa karugtong na komento o opinyon ni Lolit, na nagbibigay ng koneksiyon sa external operation na ginawa supposedly sa mukha ni Nora. Kasama rin dito ang ulat ng diumano'y pagkaka-"comatose" niya na dahilan ng pag-puncture daw sa lalamunan ng singer-aktres upang ito'y makahinga, na nakasira sa vocal chords nito.

Sabi nga ni Lolit, "Yung enhancement naman, okey lang 'yon. Pero yung complications? Dapat susunod ka sa doktor. Ano yata, right after ng operation, sinabihan siya na kung puwede, huwag na siyang uminom... Tapos, ang ginawa niya, uminom pa yata, or nagpuyat, or nagsigarilyo. Sana kung nagpa-undergo ka nga ng gano'n, at sinabihan ka ng doktor na huwag kang mag-ganito, 'wag mag-ganyan, sundin mo, di ba?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ALFRED VARGAS. Natalo sa nakaraang eleksiyon ang "manok" ni Lolit sa pagka-presidente, ang dating senador na si Manny Villar. Pero naniniwala si Manay Lolit sa sinasabing "katalagahan."

"I believe in destiny," pagtukoy ni Lolit. "Lahat 'yan, destiny. Merong nakatakda sa 'yo."

Hindi pa rin naman nagbago ang paniniwala ng Startalk co-host sa kapasidad ng kanyang ibinotong kandidato.

"Orange ako, forever. Villar! Congressman pa lang siya, " banggit pa ni Solis sa kayang political color (na siyang kulay ng partido ni Manny Villar).

Pero as a talent manager, Lolit has a winner in three of her wards sa nakaraang May 10 elections: Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., na nanguna sa pagka-senador; ang misis nitong si Lani Mercado, nanalong Mayor ng Bacoor, Cavite; at ang first-time na tumakbong councilor ng Quezon City (2nd District) na si Alfred Vargas.

Tungkol kay Alfred ay maraming nakakatuwang anekdota si Manay Lolit. Kahit konsehal na ang alaga ay naikuwento pa rin ni Lolit ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo, luka-luka nga ako, natatawa ako," bungad niya. "Nung una pa lang siya [Alfred] sa akin, we were talking on the phone. I don't know kung he was complaining or something... Di ba, galing siya sa Ateneo? Parang that time, siguro that time, parang naloloka pa lang siya dun sa... Katatapos niya pa lang gawin yung ano niya...yung kanyang magazine na boldie-boldie."

Minsa'y nag-pose nang sexy si Alfred para sa isang glossy coffee-table book. That was middle of the decade, noong nagsisimula pa lang siyang makilala nang lubusan sa ilalim ng pagma-manage ni Lolit.

"Ako, ang pagka-bakla ko talaga, ang advice ko sa kanya, 'Hoy, masuwerte ka pag pinagkakaguluhan ka ng mga bading! Kasi, pagka-ano...ma-insecure ka pag walang bading na nagkagusto sa 'yo...tsu-tsu! Tapos, pagka ano... dapat malambing ka sa mga bading!'

"'Day, the following morning," natatawa si Lolit, "meron siyang ibinigay sa aking regalo, na galing sa mother niya, thanking me na, 'Thank you for giving...mga moral advice kay [Alfred].'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-isip daw tuloy si Lolit tungkol sa nilalaman ng greeting na kalakip ng regalo mula sa nanay ng alagang aktor.

"Isip ko, ano kaya ito? Sarcastic o ano? From his [Alfred's] mama. O, nalaman ng mom niya yung sinabi ko? My God, talagang in-advice-an ko ang anak niya tungkol sa bakla!" at natawa uli si Lolit sa na-recall na pangyayari noon.

INDIE FILM. Habang hinihintay ang panunumpa bilang bagong halal na konsehal, nakatapos si Alfred ng isang indie movie project, Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, para sa gaganaping Cinemalaya 2010 sa direksiyon ni Mario O'Hara.

"Ang taba pa niya, ha! He's like that because of the campaign, tumaba siya," komento ni Lolit.

Paano siya napapayag na gumawa ang alagang aktor ng isang non-mainstream feature?

"Mahilig siya," sagot ni Lolit.

Kahit mababa ang singil na talent fee?

"Well, yun siguro ang maganda, when you're not...yung parang wala kang financial burden, di ba? Or hindi ka breadwinner or something. Kasi ang nangyayari, you can take your time. Puwede mong gawin kung gusto mo yun. So, yun ang maganda kay Alfred," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano naman ang komisyon ni Lolit bilang manager?

"Ay, pagkagano'n, wala!" natatawa niyang sagot. "Barya-barya na 'yon, ano! 'Tsaka, hindi...basta naman maligaya siya."

Bukod kina Alfred, Bong, at Lani, ang iba pang mga alaga ni Manay Lolit ay Lorna Tolentino, Amy Austria, Benjie Paras, Gladys Reyes, Pauleen Luna, Paolo Contis, Mark Herras, Yasmien Kurdi, at ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

GABBY & KC CONCEPCION. Patunay ni Lolit na wala na siyang kagalit, at nag-mellow na nga raw siya as a person, ay ang ginawang pakikipagbati niya sa dating alagang aktor na si Gabby Concepcion. Pero hanggang pakikipagbati na nga lang ang magagawa niya at hindi sa anupaman.

"It will never be the same. Imposible na. Bakit ko pa ipipilit? 'Wag na lang," ang mga katagang nasambit ng kilalang talent manager at Startalk co-host.

Nabanggit ni Lolit ang tungkol kay Gabby lalo't visible ngayon ang aktor, na may pelikula pang ginawa, yung I'll Be There, kasama ang anak na si KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pakikipagbati naman daw ni Lolit kay Gabby ay naganap pa noong isang taon, nang mamatay ang daddy (Rolly Concepcion) ng aktor. That was on September 23, 2009, na memorable din ang petsa dahil 'yon ang supposedly 25th year ng nasaksihan at nang malaon ay napawalang-bisang church wedding nina Gabby at Sharon Cuneta.

Sa kasalukuyan, may animo "fanfare" sa pagsasamang Gabby at KC sa pelikula; may suporta din si Sharon sa promo ng movie dahil nakatakdang mag-guest ang mag-ama sa celebrity talk show na Sharon ng ABS-CBN.

Lolit, however, would hear none of it. Nagkuwento lang siya ng tungkol sa personal na pakikipag-ayos sa dating nakagalit na actor-talent.

"Nagkita na kami last year nung namatay yung father niya," banggit niya.

Personal nga raw siyang nag-condole kay Gabby when the actor's dad passed away. "When I heard about it, o nung nabasa ko, pinuntahan ko siya doon [sa wake]," sabi ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man tahasang tinukoy ni Lolit, naipahiwatig niyang nag-reach out siya at "touched" naman si Gabby sa naging gesture niya.

Kapwa na raw naka-move on sina Lolit at Gabby mula nang magulo ang manager-talent relationship, sanhi ng infamous Manila Film Festival scam na nangyari noong June 1994.

"Oo," paniniyak ni Lolit. "Ibig sabihin, I'm very happy for him. Kasi magaganda yung mga projects niya."

"LOLA" LOLIT. Sila ni KC, wala mang malalim na naging pagsasamahan, ay maayos din ang naging turingan sa isa't isa lalo ngayong kilalang singer-actress na rin ang unica hija nina Sharon at Gabby.

"Ay, pagka uma-attend ako ng...kagaya yung sa Swatch. Tapos, tatawagin niya ako, 'Tita Lolit!' Sasabihin ko, 'No, KC...' pagbibida pa ni Lolit.

At sasagot daw si KC ng, "Ay, oo nga pala, Lola Lolit!"

Natutuwa si Lolit sa dalaga ng dati niyang alagang aktor na si Gabby.

"'Di ba, ang tawag ko pa nga sa kanya noon, 'Batang mangkuku...?'" sabi ni Lolit. Si KC ang tinatagurian niyang "batang mangkuku..." o "batang mangkukulam" sa mga kinu-quote na write-ups on her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit nga ba naging "batang mangkuku...' si KC?

"Kasi nga, pag siya na ang concern, talagang natataranta na si Gabby," paliwanag ni Lolit.

Iyon daw ay dahil sa sobrang pagmamahal ni Gabby bilang ama sa unang anak.

"Gano'n nga siguro pag una mong anak," opinyon ni Lolit. "Di ba, isinama niya pa nga si KC sa Hong Kong? Na silang dalawa lang?"

Incidentally, puro babae ang naging anak ni Gabby sa iba't ibang nakarelasyon, bukod kay Sharon Cuneta, tulad nina Grace Ibuna at Jenny Syquia.

Naiulat din na may mga greeting cards si Gabby for KC, na ipinadadala sa anak nang nasa U.S. siya nang kung ilang taon, at hindi 'yon natatanggap ni KC. Bumabalik kay Gabby ang unsent cards at itinago pa rin 'yon ng aktor para ibigay later on kay KC.

No wonder, naging malapit pa rin si KC sa ama, kahit maliit pa siya nang magkahiwalay ang mga magulang. At nagpapakita ng totoong affection si Gabby sa anak nila ng megastar na si Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo, siguro, because, di ba, iba pag first child?" sabi uli ni Lolit. "Ang maganda pa kay Gabby, ina-appreciate niya yung ginawa ni Sharon para kay KC. O, di ba, maganda?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager and Startalk co-host Lolit Solis comments on report that she is the alleged source of Nora Aunor's plan to sue a Japanese beauty clinic. Manay Lolit also talks about former ward Gabby Concepcion and talent Alfred Vargas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results