Kakaiba rin itong Star Magic talent na si Nico Antonio. Ayon sa kanya, huminto na raw siya sa pagse-celebrate ng birthday niya pagkatuntong niya ng 18 years old.
"Parang I just want to feel na parang 18 pa rin ako. It's just a number pero pag iniisip mo yung edad mo, parang naba-bother ka kasi ano, 27 tapos 28, tapos you will reach eventually 50, mga ganun..."
So every birthday na raw since his 18th, wala na raw siyang party kundi, "I just spend it like working out, going out with my family, eating out, dining out, ganun lang," at gano'n nga ang ginawa nila noong 27th birthday niya last May 24.
UNDERWEAR MODEL. Isa si Nico sa mga celebrity models na mapi-feature sa Uncut fashion show ng Bench sa Araneta Coliseum on July 2. Rarampa raw siyang naka-underwear lamang.
Gaano ka-daring ang kaya niyang isuot?
"Depende ho sa mga taga-Bench, kung ano ang ipapasuot nila sa akin.
Kahit naka-thong?
"Kung ibibigay po nila. Kaya lang I have to redo something about my body, kasi I'm kinda hairy... Ang pangit ho tingnan, e," natatawa niyang sinabi.
Isa sa paghahandang ginagawa niya para sa event ay boxing. Sparring partner niya rito ang katropa niya sa VOIZboys na si Tom Rodriguez, na rarampa rin sa fashion show.
"Tapos we did a taping sa Us Girls." Sa naturang show ng Studio 23, ipinamalas daw ng VOIZboys, na binubuo rin nina Guji Lorenzana at Jay-R Siaboc, how they keep fit using a new exercise combining yoga, Pilates and ballet.
ANOTHER GAY ROLE. Isa pang project ni Nico ay ang upcoming sitcom ng ABS-CBN na M3 (Malay Mo, Ma-develop) with Aga Muhlach and Ai Ai delas Alas. Ang papel niya rito ay isang closet gay.
Pangalawang beses na itong pagganap niya ng gay. Una ay sa indie movie na Ang Laro ng Buhay ni Juan.
Bakit nalilinya siya sa gay roles?
"Hindi ko ho alam pero yun ho yung 'binibigay sa akin, e... Pero ako, bilang aktor... your job is to portray whatever role is given to you."
Sabi rin niya, "Well, except for exposing my body parts... iyon, na parang dapat wala kang inhibitions kasi aktor ka nga, e..."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
21 the_hunk
20 wisdomteeth
19 brvillarama
18 jhn
17 certified_orig1
pero di pangit ang pagkiss parehong lalaki. ano un para gayahin?
16 Mikey_Liling
15 kewl
14 star_king
13 Einstein_1
12 rustanthony2186
11 meangenesnoopy
10 pakiss_muna
well sinubukan muna sya baka after s aprojects nya mawala din sya kaagad
9 Ampalaya_bitter
8 coolitz4coolitz4ever
7 meangenesnoopy
6 rmel_kapuso
5 paminchever4u
4 paminchever4u
3 Stellathestar
2 eniforever
more comments