Kahapon, bandang alas tres ng hapon, inilipat na ang mga labi ni Councilor Edward dela Cruz sa Amphi Theater ng Malabon mula sa Floresco Heritage sa Longos, Malabon. Napagdesisyunan ito ng kanyang pamilya, kasama na ang aktres na si Angelika dela Cruz, para sa huling gabi ng lamay ay ma-accommodate ang lahat ng taong nagnanais na masilayan pa si Edward sa huling sandali.
Umaga ng Monday, June 7 nang mahagip si Edward ng isang truck sa may San Simon, Pampanga, at dead on arrival na ito nang umabot sa ospital sa Pampanga. He was 28 years old. (CLICK HERE for related story.)
Kahapon din, nang nasa Amphi Theater na ang lamay, ay nakausap nang live sa Startalk si Angelika. Nakasuot ito ng purple, gayundin ang karamihan ng taong nakikiramay sa kanila. Ni-request ng pamilya ang purple sa huling gabi ng lamay bilang pag-alala kay Edward. Purple kasi ang campaign color ng kapatid ni Angelika na nanalong konsehal sa Malabon.
Wala raw kutob si Angelika na mababawian na ng buhay ang kapatid pero nagkataong suot-suot niya ang campaign T-shirt ni Edward noong mismong araw ng pagkamatay nito.
"Yung sa pakiramdam na, di ba, sabi ng iba, kinakabahan sila, nagigising sila, wala akong ganon, e, wala talaga. Kaya it was really a shock when my dad called me nga and said that my brother had an accident and someone told him nga na dead na raw."
STRENGTH TO GO ON. Nakapag-taping pa si Angelika during the wake for her new primetime series na Pilyang Kerubin. Monday ng gabi ang simula ng burol pero kinaya niyang makapag-report sa set noong Wednesday and Friday.
"Wala akong choice, e. Kasi bago ang show. Pero, hindi ko alam kung anong klaseng performance ang naibigay ko. Wala akong nararamdaman, e."
Hanggang ngayon daw ay parang di pa nagsi-sink in sa kanya na wala na si Edward.
"Gano'n pala yun, 'no, kapag namatayan ka," sabi niya kay Startalk host Butch Francisco. "Kahit nakikita mo na siya sa coffin niya, hindi ka pa rin maniniwala."
Tila nagkapatong pa ang dinadala ni Angelika dahil ang nag-iisa niyang anak na si Gabriel or Gab ay nasa ospital naman.
"Taas-baba kasi ang fever niya kaya pinadala ko sa hospital para sigurado." Ang asawa niyang si Orion Casareo ang nagdala sa bata.
At the same time, halatang di rin maganda ang pakiramdam ni Angelika.
"Hindi ko lolokohin ang mga tao. Hindi ko lolokohin ang sarili ko, I'm not okay.
"Siyempre, nai-stress ako, e. So, emotionally, mentally, physically, I'm not okay. But I'm trying to be strong. I'm trying to be strong for my family, most especially my parents. My mom and my dad...
"Pinakamasakit sa kanila yung nangyari. Ako nga, masakit na sa akin, pero, hindi ko ma-imagine yung mga nararamdaman ng mga magulang ko...






You expressed my sentiments best :-D Thank you for being so articulate!
I think it's very inappropriate for the interviewee to ask Angelica about the post vacated by her late brother during the time na in mourning ang family. C'mon guys, give them a time to grieve!
But on the thought that she would want to be the replacement for the post, I'd say, ang mga artista sana mag isip muna sila if meron clang kakayahan to really do the job and service to the people. Hindi basta dahil kilala ka you just want to have a position. Hindi biro at hindi pag arte lang ang pagsisilbi sa bayan. Kaya nga siguro hindi na ganon ka sincere ang mga govt officials in terms of service, because they see politics as power and opportunity to be more visible. Huwag po nating gawing hype...kawawa nman ang Pilipinas.
==== basahing mabuti ang una niyang sinabi. Kung pagbibigyan.. hindi siya namimilit. Kung pwede at para sa akin.. pwede. Sana.
I dont know kung meron ng kaso ng kapareho ng kanila ni Angelika. Para sa akin, and I dont know about the law that much di tulad ng iba dito na nagkukunyaring alam nila lol! - pwede humalili si Angelika kasi di pa naman nakaupo ang kapatid niya. Kapapanumpa pa lang.
Let us wait and see kung ano ang mangyayari.
Importante Angelika, makayanan niyo ang dagok sa buhay niyo. Be strong. I admire your strength.
She just does not know any better I guess. :-C Dapat nga hindi pinublish ng Pep ito muna kasi nagmukhang eng eng si Angelika. :-C
R u serious? Ignoramus ako sa gnto topic kya xencya n ha.. Only n the phil?! Wow aylabit!!
dahil may mabakanteng position, the departed's party will be d one to nominate a person for councilorn ds case. it might b another member of the party or someone fr his family if the party is ok w/ that. and once a candidate lost the election he/she cannot replace the dead person's position dahil kung talo ka, talo ka talaga no ifs and buts. thats according to our law