Huling linggo na ngayon ng afternoon series na Gumapang Ka Sa Lusak na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Dito rin sa Kapuso drama na ito namuo ang anumang relasyon meron sila ngayon.
Kung marami ang nag-aabang kung ano ang kahihinatnan ng pag-iibigan ng mga characters nila sa serye, gayundin naman, at mas lalo pa siguro, kung hanggang saan aabot ang romantic relationship nina Dennis at Jennylyn.
Bungad na tanong sa kanila ng Startalk hosts na sina Joey de Leon, Lolit Solis at Ricky Lo nang mag-guest ang dalawa ng live kahapon, June 12, ay kung ano ba talaga ang estado na nila?
Ayon kay Dennis, "Magkaibigan, pero habang matagal na nagsasama, mas lalong lumalalim yun. So, mas malalim na pagkakaibigan yun."
Magpatuloy pa kaya ang namamagitan sa kanila ngayong patapos na ang Gumapang Ka Sa Lusak?
"Hindi naman po ibig sabihin na nagtatapos na ang show, tapos na rin ang lahat," sagot naman ni Jennlyn.
Dugtong pa niya, "Hindi lang naman sa amin ni Dennis, marami kaming naging kaibigan. Marami kaming naging medyo ka-close na hindi naman namin gaanong ka-close noon. Hindi naman ibig sabihin na tapos na, tapos nang lahat."
Sinag-ayunan ni Dennis na naging mas close nga sila ni Jennylyn.
"Close talaga. Hindi lang naman isang buwan ang pinagsamahan namin sa show, halos every day kaming magkasama. Siyempre, kapag kasama mo ang isang tao, mas marami kang natutuklasan sa kanya. Yung mga hindi mo naman alam dati, bigla na lang parang maa-amaze ka or mapa-fascinate ka."
DISCOVERIES. Ano ang mga natuklasan nila sa isa't isa?
"Sa araw-araw, ang dami, e!" nakangiting sabi ni Dennis. "Sobrang dami... Yung hindi ko alam na kapag importante sa kanya ang isang tao, gano'n siyang mag-alaga. Ipinapakita niya talaga na talagang special."
Hirit ni Lolit kay Dennis, nagkaka-'buckle-buckle' raw ito sa pagsasalita dahil hindi pa raw kasi magsabi ng totoo.
Natatawa namang sagot ng actor, "Hindi, gano'n po talaga, 'Nay. Mararamdaman mo ang presence niya, kasi ipinararamdaman niya sa 'yo na importante ka sa akin."
Tinanong naman ni Ricky si Jennylyn kung ano ang mga na-discover nito sa leading man.
"Talagang maalaga si Dennis. Sa mga eksena, lalo na kapag medyo mahirap ang eksena, tubig, tissue, upuan. Kailangan nakaalalay siya palagi."






mas maganda panoorin yung recent live startalk interview of dennis and jennylyn w/ joey de leon, ricky lo and lolit solis kasi pinapa-amin na nila ang tunay na status nung dalawa. binisto na nga nila in a humorous way. meron pa silang messages of support for each other ang denjen.
'BAGO natapos ang taping ng Gumapang Ka sa Lusak, marami ang nakapansin na medyo malamig na sa isa’t isa sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
May nagparating sa aming may selosan na raw sa kanila dahil sa closeness din nina Jennylyn at Rocco Nacino.
Nakapag-cover minsan ang Startalk sa taping ng Gumapang at napansin daw nilang hindi nagbabatian ang dalawa.
Nasa kotse lang daw si Dennis kapag walang take at hindi ito lumalapit kay Jennylyn.
Nang mag-guest sila sa Startalk nu’ng Sabado, mukhang okay naman silang dalawa at hindi tumanggi nang pinaghalik sila sa interbyung iyun. Pero ayaw nila sagutin ang isyung selosan kay Rocco.
Tinanong ko si Jennylyn sa napansin namin, napangiti lang ito at sinabi sa aming mabuting si Dennis na lang ang tanungin namin.'
O ayan, di pa nga tapos yung show....
ndi mo alm kung cno mga ckat., cguro kc ang ckat lang sau ung gusto mo., echoserang frog!!!!!!!!!!!
kc super bagay nmn tlga cla, at totoo tlga na love nila isat isa., ndi gimik.....
maglaba ka..
another project for them pls.