Robin Padilla reveals what's keeping him from entering into  relationship with Mariel Rodriguez

Rey Pumaloy
Monday, June 14, 2010 @ 02:01PM  |  135348 views

 

 

"Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto kong sabihin. Bibihira yun. Minsan, ang mata kasi hindi nagsisinungaling kaya hindi ko siya matingnan. Basta, kapag nagdapo yung mga mata namin, naku, alam nito, talo ako sa kanya!" says Robin Padilla about the "magic" of Mariel Rodriguez's eyes.

Photo By: Paul Mata













Bagamat identified na ngayon si Robin Padilla sa ABS-CBN, kung saan meron siyang mga ginagawang proyekto, ay nagpaunlak pa rin ang action star ng panayam sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi. Ipinalabas ang naturang interview ni Cristy Fermin kay Robin kahapon, June 13.

SET-UP WITH LIEZL. Maraming mga tanong ang Paparazzi co-host na sinagot naman ni Robin nang walang alinlangan, gaya na lamang ng sitwasyon nila ngayon ng kanyang dating asawang si Liezl Sycangco na naninirahan sa Australia. May kanya-kanya na ba silang buhay ni Liezl?

"Yung samahan namin ay mas masasabi kong mas lumalim," bungad ni Robin. "Kasi noong araw, konting kibot, nag-aaway kami. Tapos iba yung may relasyon kayo, e. Pero ngayon pag tungkol sa aming dalawa, comedy. Siya mismo ang nagsasabi.

"Nagkakaroon lang kami ng diskusyon ngayon pag sa mga bata. Kasi iba yung style ng pagpapalaki niya, iba ang style ng pagpapalaki ko. At iba rin ang style no'ng bata kung paano niya gustong lumaki."

"Divorce-Islamic" ang tawag ni Robin sa legal na hiwalayan nila ni Liezl.

Paano ang usapan nila ni Liezl pagdating sa hatian nila sa kani-kanilang mga anak? Kung ilan ang kay Liezl at kung ilan ang sa kanya?

"Hindi po gano'n ang aming set-up. Mga bata ang nagdedesisyon," paglilinaw ni Robin. "Si Queenie po, wala po sa akin. Eighteen na siya. Humingi na siya ng kalayaan niya."

QUEENIE'S SUITORS. Natatakot ba siya at nag-aartista na ang panganay niyang anak na si Queenie?

"Natatakot," pag-amin ng aktor. "Siyempre, ang pangarap namin sa mga anak namin ay makatapos ng pag-aaral. At sa pag-aartista, pagsubok 'yan, lalung-lalo na ako, na alam ko 'yan."

Ipinaalala ni Cristy ang minsang nasabi ni Robin sa isang interview na mag-ingat ang mga lalakeng umaaligid sa kanyang mga anak dahil galing na siya ng bilibid. Ito ba ay isang pagbabanta o pagkatakot sa anino ng nakaraan? 

"Kasama na rin 'yang lahat," sagot ni Robin. "Ang akin lang doon ay sa katotohanan. May pangarap ang mga bata. Kung manliligaw sila, sinabi ko naman na okey lang sa akin, wala namang problema. Ang sa akin, huwag n'yo lang sirain yung kinabukasan. Huwag n'yo lang eskandaluhin.

"Alam mo naman yung ibang kalalakihan ngayon, lumalaki na walang respeto sa mga babae. Baka naman mabalitaan ko na lang na may video yung anak ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na hindi tubig ang ibubuhos ko sa kanya, malulungkot ka nang tuluyan. Hehehe!" makahulugang sabi ng action star.

Nabanggit ang pangalan ng isang masugid na manliligaw ni Queenie na si PJ Valerio, na nabalitang kinausap ni Robin tungkol sa panliligaw nito sa kanyang panganay.

"Hindi, ang akin lang, hindi pananakot yun. Lahat ng ama ibibigay ang sarili para sa anak nila," paliwanag ni Robin.

MARIEL'S EYES. Hindi rin nakaligtas si Robin na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Mariel Rodriguez. Balibalita kasing tinamaan siya nang husto kay Mariel nang maging guest co-host siya sa Wowowee.

1  2  Next »

Related Articles

128 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name