news

JC de Vera compares rumored ex-girlfriend Rhian Ramos to an "eraser"

by Rey Pumaloy posted on June 15, 2010  STATS: 92615 Views | 114 Comments

 

"Hindi ako titigil para mag-hello sa kanya. Pero hindi ako magsasalita ng masama laban sa kanya. Kumbaga, kung ano ang nangyari noon, parang huwag na lang tayong magpansinan, okey na ako doon," says JC de Vera about Rhian Ramos, his rumored ex-girlfriend.

Photo By: Noel Orsal

"NEVER KAMING NAGING CLOSE." Bagamat marami ang naniniwalang may kinalaman nga kay Rhian ang hindi pagpapansinan nila ni Mo, umiwas si JC na mag-comment tungkol dito.

"Ay, hindi. Hindi na ako ang sasagot no'n. Silang dalawa na ang dapat sumagot no'n," sabi niya.

Kahit kilala ni JC si Mo, hindi raw nagkaroon ng chance na nag-usap kahit no'ng panahong pareho pa silang nasa GMA-7.

Ani JC, "Never naman kaming naging close before sa GMA-7, hindi. Never kaming nagkuwentuhan, never kaming nag-usap. Pero casual lang. Alam niyang ako si JC at alam kong siya si Mo... Sa akin, okey lang, walang problema. 'Saka, hindi ko naman talaga siya pinapansin ever since. Ganun pa rin naman hanggang ngayon."

Hindi naman itinanggi ni JC na alam niya ang balitang magkaibigan sina Rhian at Mo, pero tumanggi siyang mag-comment sa balitang ang dalawa ang magkarelasyon ngayon.

"Ang sa akin, matagal ko nang alam 'yan, e, kaya hindi ko masyadong pinapatulan," saad niya.

Maituturing na isang rebelasyon ang mga nasabi ni JC tungkol kay Rhian, pero binigyang rason naman iyon ng batang aktor.

"Well, siguro wala ako sa lugar noon para magsalita," paliwanag niya. "Parang hindi pa composed sa utak ko kung ano ang puwede mong isagot, di ba? Pero ngayon, at least, okey na ako."


"REAL SCORE" WITH RHIAN. Ayaw umamin ni JC sa tanong ng PEP kung nasaktan siya sa mga nangyari sa kanila ni Rhian. Inamin lang nitong naapektuhan siya sa mga sunud-sunod na mga hindi magandang nangyari sa buhay niya bago siya umalis sa poder ng Kapuso network.

"Apektado ako kasi no'ng time na away nina Tita Annabelle [Rama, JC's manager] at ni Ma'am Wilma [Galvante, GMA-7 executive], doon ako naka-focus at nakasandal nong mga time na yun. Yung mga inaasahan ko, sila pa yung wala," sabi ni JC.

Nabalita noon ang pag-walkout ni JC sa birthday party ng isang staff ng seryeng nilalabasan noon ni Rhian sa Kapuso network. No'ng mga panahong iyon ay laman ng showbiz columns ang pagkakaroon diumano ng relasyon ng dalawa.

Nasa party rin ang writer na ito at mabilis na kumalat ang biglaang pag-alis ng aktor nang walang paalam. Iisa ang naturong rason ng pag-walkout diumano ni JC, yun ay ang selos na hindi na niya kayang pigilan dahil sa pagiging malapit ni Rhian at ng Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato. No'ng mga panahong iyon, kinagigiliwan si Akihiro dahil sa angkin nitong charm sa Celebrity Duets, kung saan isa siya sa mga naging celebrity contestant.

Magkasabay raw na dumating sina Rhian at JC sa party, pero hindi nga lang pumasok ang young actor dahil production staff yun ng serye ng young actress. Nasa verandah lang ng bar si JC kausap ang ilang kakilalang staff ng production.

Hindi man diretsahang inamin ni JC, pero pahapyaw naman niyang pinatotohanan ang tungkol doon.

"Ako, wala na akong dapat ikuwento kasi kung anuman yung iniwan ko doon, nandoon na yun. Kung ano yung nakita ninyo doon, at least kayo na ang nakakita at hindi na sa akin nanggaling yun," sabi niya.

Marami rin ang nakisimpatiya kay JC sa naramdaman nito. Ilang beses na rin siyang na-interview ng press at kitang-kita sa mukha niya ang nag-uumapaw na pag-ibig para kay Rhian.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

114 Comments

  • 114  sakanalovelife

    07/23/2010 | 10:05 PM
    magaling syang umarte tlaga gaya nina JLC-COGIE DOMINGO-PATRICK GARCIA,.may star apil,but pipol wants humble at magandang ehemplo sa tao,.about kay jc at rhian?wala naman tlagang isyu at kung bakit pinipilit nyong may isyu,hinis naging mag jowa sina rhian at jc ok,,hindi natuloy,,kase para kay rhian lahat ng makapareha nya trabaho lang at walang anupaman,,kase nga bata pa sya at wala sa plan nyang magbilang ng guys sa life nya,,mabuting tao naman sila ni jc at rhian kaya wag na ninyong pagsabungin ang dalawa,.wala silang paki sa isat isa,juts work proffesionally,,yun lang,.ok..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  earls88

    07/20/2010 | 05:18 AM
    si RHIAN RAMOS ang nagpabagsak sa kapuso network... nagsawa ang mga viewers sa GMA-7 dahil sa kanya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  ichigo510

    07/16/2010 | 11:00 PM
    me itsura nga si jc, pero kung ididikit mo sya kina JLC, luis, dind-dong, richard, sam at piolo.. milya-milya ang layo niya. kasi bansot sya ka height lang ata niya si ogie A.
    and for rhian she's really beautiful, no doubt! i've seen her one time sa mall,,grabe ang ganda niya. whether she's flirt or playgirl, still like her. and for those people saying bad things about her.. i have a question for you, how well do you know rhian?
    iyang ba mga comment niyo base lang sa napapanood niyo sa mga talkshows.. tsk! tsk! tingin nga kayo sa salamin, kung wla kayo bahid dungis. kung meron, then itikom niyo mga bibig niyo. di naman pala kayo malinis at kagandahan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  pusotisipmo

    07/13/2010 | 02:40 PM
    for rhian till now,,wala syang plan magbilang ng jowa ok,,alam ni rhian kalakaran sa showbiz,.yun lang,,iton si mo ang kala mo naman,,sinong maayos na lalake,si jc -nakailan kana iho,inga ka baka makabuntis ka jan,,let god give to u the ryt lady na maayos at makadyos,,.long way to go,bata kapa jc,,magaling kang actor just work proffesionaly at focus,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  pusotisipmo

    07/13/2010 | 02:37 PM
    malakas ang apil ni jc,,pang leadng man tlaga,magaling pang umarte,.gaya ni COGIE DOMINGO,PATRICK GARCIA,.dami na nyang naging gf,im sure yung AIFA,nagalaw nay yun,wahaha,,at si michelle,,hehehe,,,.hummmm,,..si rhian-sus,,pashowbiz at parang d natuloy ang sa kanila e,.ayaw din ni rhian kase mag ka jowa now,,si mo ang feeling naman,,kala mo sinong sikat at gwapo,,wala naman sa plan ni rhian ang magka jowa gaya ni mo ,mahilig sa mga bata gaya ni KRISTIN HERMOSA,JANET MCBRIDE,,sus,,wag kang pauuto jan rhian,,kay jc-just work at be focus sa work,sana din matapos mo ng colege mo at matagpuan m ang tamang babae na masasabing lingkod din ng dyos,para iisa ang direction nyo sa tama lang,,gudluck,,i fairness,interesting ang PAPARAZZI...threat sa THE BUZZ.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  batongbakal

    06/22/2010 | 05:21 PM
    Doon sa sinabing tatlong shows niya sa TV5, may nanood ba naman? Ibig kong sabihin, bukod sa kanya at mga kamag-anak ng lahat ng kasali sa shows na iyon, kumusta naman ratings?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  yeozha

    06/22/2010 | 01:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  shel09

    06/22/2010 | 12:04 PM
    sayang ka jc....un lang!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  nice1

    06/19/2010 | 12:28 AM
    ay naku JC kawawa ka nmn! baket ka pa kc lumipat ng channel 5 ala k tuloy career. Ok nmn yung career mo s 7 kahit di ka marunong umarte eh binibigyan k nila ng magandan role
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  rehamreema

    06/18/2010 | 11:16 PM
    sorry ka na lang jc, rhian is one the most promising star, i like her sa stairway to heaven, hindi ka lang siguro type ni rhian, naging malapit lang kayo coz of lalola, at sinakyan lang ni rhian for publicity sake! move on!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  mldtakmixx

    06/18/2010 | 03:52 AM
    ERASER KAMO..HAHAHA KALA KO NAMAN ERASER KC SING PUTI NG ERASER AT SING LAPAD AT HUGIS NG ERASER HAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  pisces

    06/18/2010 | 02:33 AM
    84
    puckerlips143
    June 17, 2010
    04:50 AM

    bakit biglang nawala yung bagong article ni JC dahil ba madami ang nagwapuhan sa kanya doon sa gagawin nyang tv special sa tv5??? nakaktuwa ka talaga pep..hahahayyyy kahit saan ka pumunta dyan sa pinas laging me pulitika haiisst.
    gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;gt;puckerlips143, hindi nawala yung bagong article ni Jc re tv special, check mo sya sa bandang baba ng pep homepage under television andun sya di nawawala, infairness super gwapo ni Jc dun hehehe.....
    whatever nega i like him as an actor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  sarilingopinyon

    06/17/2010 | 02:10 PM
    wether he admit it or not, halatang nain-love at still in love talaga siya kay rhian! the usual case of MAHAL KITA, MAHAL MO SIYA, MAHAL NIYA AY IBA! bahala na kayong maglagay ng mga characters.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  mr90210

    06/17/2010 | 08:56 AM
    tanong lang po, saang grupo ba kabilang si JC, sa ampalaya anonymous o sa Lord of SHREK??? si Rhian ang carrer my patutunguhan pa ito kayang unggoy na to???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  marchioness

    06/17/2010 | 08:19 AM
    Can't you do anything right? You really know how to put yourself down. A man sour-graping is just so pathetic. TV5, you better think where you are going with your talents as you seem to be getting those that the other channels can do without and with good reason.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  batongbakal

    06/17/2010 | 07:53 AM
    72 till to death

    Oo nga ano? Korek ka dyan. Sobrang nega ang dating ni John Myers at parang di na siya naka-recover. Oo, madali namang sabihing 'no comment' o tulad ng sabi ng isa na 'wah na nating pag-usapan.'

    Pag nakita ko si JC ang maaalala ko lagi ay 'pambura' o 'eraser.' Kahit tuloy di ko gusto si Rhian eh napunta simpatya ko sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  puckerlips143

    06/17/2010 | 04:50 AM
    bakit biglang nawala yung bagong article ni JC dahil ba madami ang nagwapuhan sa kanya doon sa gagawin nyang tv special sa tv5??? nakaktuwa ka talaga pep..hahahayyyy kahit saan ka pumunta dyan sa pinas laging me pulitika haiisst.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  prettylady

    06/17/2010 | 03:21 AM
    Kawawa naman si JC, napaglaruan ni rhian. Gusto ko sana si Rhian kasi she's pretty and classy ang dating, kaya lang flirt nga. Nung una pa lang na teleserye nya with Richard very vocal na sya na inlove sya kay Richard e, kaso hindi naman sya pinansin. Tapos nung sila naman ni papa Dingdong ang magpartner, fini-flirt nya rin si Dingdong kahit may Marian na. Kaya ang ate Marian galit kay Rhian eh. One time naman nung maging co-host sya sa Pinoy Records obvious na nagpapa-cute naman sya kay Chris Tiu. Sobrang flirt mo Rhian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  kingbrown77

    06/17/2010 | 01:47 AM
    rhian at jc - magpinsan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  magandaako11

    06/17/2010 | 12:57 AM
    nasayng tlga ang career nito sa 7 , isa pa nmn sya noon sa gusto ko na leading man ang pagkkamali kc nya masyado syang madaldal kaya ayn naudlot tuloy ang pagsikat nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About