One sign of being a good actor is when you always crave for something new, something different. And that's what Piolo Pascual is always aiming for.
Sa kanyang bagong primetime series sa ABS-CBN, ang Noah, isang panibagong Piolo na naman ang mapapanood dito. Malayo sa karaniwan niyang ginagampanang roles sa TV man o pelikula.
"Siguro naman po sa dami ng nagawa ko, you want to do something na iba naman. And doing something with Zaijan [Jaranilla], this is something na masasabi ko na, it's not a typical love story. It's family drama na kasama rin siyempre, hindi naman puwedeng mawala ang romance sa istorya," sabi ni Piolo.
Humarap si Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa solo presscon niya para sa kanyang TV comeback kahapon, June 17, sa ABS-CBN compound.
MAY BUKAS PA GUESTING. Kasama ni Piolo sa Noah ang child sensation na si Zaijian Jaranilla, na sumikat dahil sa primetime series na May Bukas Pa. Kaugnay nito, nilinaw ni Piolo ang tungkol sa diumano'y pagtanggi niya noon na mag-guest sa May Bukas Pa.
Paliwanag niya, "To make it clear, of course, everybody was going to be part of May Bukas Pa. It was offered. Hindi tinanggihan. But Tita Linggit [Tan, ABS-CBN business unit head] decided not to preempt my tandem with Zaijan. So, they decided last year that I won't be guesting in the show para lang lumabas na fresh yung pagsasama namin dito [Noah]."
Ayon pa kay Piolo, umeere pa lang ang May Bukas Pa ay in the works na ang Noah.
"I wanted to be part of May Bukas Pa," sabi niya. "Every time I see an actor guesting, 'Sana ako yun.' But the management decided na huwag na nga lang para hindi ma-preempt. Magkasunod kasi, after May Bukas Pa, ako na ang makakasama niya."
Bago ang Noah, ang lumalabas sa balita noon ay isang pelikula sa Star Cinema ang pagsasamahan nina Piolo at Zaijian. Ayon kay Piolo, tuloy pa rin ang movie na pagsasamahan nila.
"Hopefully after the soap," sabi niya.
NOT INSPIRED BY AVATAR. Itinanggi naman ni Piolo ang obserbasyon ng ilang press na nakapanood ng trailer ng Noah na inspired ito ng Hollywood movie na Avatar.
"Nasa baul na po ito ng creative team ng ABS-CBN. But in a way, inspired by Avatar because it's about time that we come up with environmental issue," sabi ng environmentalist na si Piolo, who supports Kapit Bisig para sa Ilog Pasig.
Kasama pala si Piolo sa creative team ng Noah.
NOT COMPETING WITH OTHER ACTORS. Sinabi rin ni Piolo na wala na siya sa puntong nandito siya sa industriya just to compete with other actors. May nagtanong kasi sa kanya na bilang isa sa prime actors ng Kapamilya network, how come he seldom does TV or movie projects?
"I guess I'm at this point in my career that you wouldn't want to grab anything that comes your way," sagot niya. "There's also some sort of protection. Mas gusto ko rin po na nai-inspire ako sa ginagawa ko, not because of the quantity but because of quality.
"So, masaya ako, after Lovers in Paris, ngayon lang po ako gagawa muli. Kasi, I'd rather do something na worthwhile. Dumarating po siguro ako sa point ng buhay ko na gusto kong i-enjoy ang ginagawa ko, na hindi ko papagurin ang sarili ko.
"Wala naman din po akong issue regarding exposure," patuloy niya. "Napakalaki naman po ng industriya natin para magkaroon din tayo ng oras para sa ibang tao. I'm happy with the successes the way talents like Sam [Milby], John Llloyd [Cruz], Derek [Ramsay], Kim-Gerald because may mga bagay rin naman po na hindi ko nagagawa na kayang gawin ng iba."
Minsan na rin siyang binansagang "Ultimate Hunk." Ano ang masasabi niya sa title na yun?
"Ang mga title naman po, ibinibigay. Salamat naman po," sambit ni Piolo.
NO TO SEXY FASHION SHOWS. May nasulat na rarampa si Piolo sa Bench Uncut: A Bold Look at The Future sa Araneta Coliseum on July 2. Pero tulad ng mga nakaraang fashion show ng Bench, itinanggi ni Piolo ang balitang rarampa siya.
"Hindi po ako kasali sa fashion show. Ever since naman po, hindi naman po ako sumasali do'n. So, yun," sabi niya.
Hindi raw ang pagiging Christian niya ang dahilan kaya hindi siya sumasali sa mga fashion show gaya ng sa Bench.
"It's my personal choice," saad ni Piolo.
Pero sa totoo lang, isa si Piolo sa may pinakamagandang katawan among our male stars. Malaking bagay rin ang discipline niya na kahit nasa taping, he brings his own equipment at nakakapag-train siya in between takes.
Habang ang ibang aktor ay nagpapakahirap to achieve a good body, heto siya't umiiwas sa pagrampa at ipakita ang kanyang katawan.
"I guess, that's the Christian side of me that I don't want to turn people off just because you're in this business. I guess, it's the same as personal conviction. Hindi ko naman siguro kailangang i-prove kung ano ang meron ako, kung ano ang hitsura ko. I take off my shirt for the sake of endorsement purposes, but not to show off," paliwanag ni Piolo.
KC'S MOVIE. Nagpaliwanag din si Piolo kung bakit hindi siya nakarating sa premiere night ng I'll Be There, ang bagong pelikula ng nali-link sa kanyang si KC Concepcion. Nabasa raw niya ang ilang comments sa online sites talking about him being there for KC, pero wala nga naman siya sa premiere ng pelikula nito.
Idinipensa ni Piolo ang sarili sa hindi niya pagdating. Madaling-araw na raw kasi silang natapos sa taping ng Noah. Pero sinabi ng aktor na "we will watch it."
Inusisa namin kay Piolo kung ang "we" ba na tinutukoy niya ay siya at si KC.
"Secret!" sagot nito saka siya tumawa.
Nag-promise ba siya kay KC na sabay silang manonood ng I'll Be There?
"Yes, I promised her that we will watch it together," pag-amin niya. "Sabi ko, if not on premiere night, some other time. But I promised her, we will watch it together"
Matagal nang tapos ang Lovers In Paris pero patuloy pa rin ang pagli-link kina Piolo at KC. Pero ano nga ba ang status ng relationship nila?
"I guess, it's just the same. We want to stay the same thing about our relationship. She's very high profile and it's something that is so hard to deal with. I guess, bottomline, we just want to protect the kind of relationship that we have. So, para wala na rin misgivings and miscommunication, we are one in saying na yung sa amin, whatever we have, sa amin na lang muna," sagot niya.
Binanggit ng PEP kay Piolo na sa hiwalay na interview namin kay KC ay sinabi nitong sa pagiging busy niya, ngayon niya napapatunayan kung sino talaga ang nagpapakita ng effort para sa kanya. At isa raw si Piolo sa mga ito.
Ano ang reaksiyon dito ni Piolo?
"Yes, I think, yun nga... Kaya lang, we're out of Lovers already. There's nothing to promote. There's no need to be out, to be seen in a public because you're a love team. So, mas kumportable," sabi niya.
Yung effort, paano niya nagagawa?
"If there's a will, there's a way!" natatawa niyang sabi.
