[x]

Jillian Ward knows that the original Trudis Liit is "Vilma Santos," who won a FAMAS Best Child Actress award for playing the lovable character in 1963.

Photo: Noel Orsal

Nasaksihan namin mismo ang pagiging hyper at ang pagkakaroon ng pure energy ni Jillian Ward. Hindi malayong maging child sensation ang limang taong gulang na bata through afternoon series, ang Trudis Liit.

Noong kausapin si Jillian ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng upcoming sinenobela ng GMA-7 kahapon, June 17, halos hindi ito mapirmi sa isang lugar at talaga namang feeling princess sa kanyang gown at tiara na suot-suot.

No wonder, nang tanungin namin siya tungkol sa pagiging bida nito at the age of five, ang kanyang sagot ay tungkol pa rin sa pagiging princess.

"Feeling ko po, princess ako. Na prinsesa ako..." nakangiti niyang sabi.

Unang nakitang umarte si Jillian sa The Last Prince bilang si Daldakina at isa rin siya sa regular kids na mainstay sa Wachamakulit, na napapanood tuwing Friday sa Kapuso network.

At sa mga nagtatanong, Jillian's mother is half-American and half-Filipino. Surname ng mommy niya ang kanyang ginagamit. She now lives with her mom and stepdad. Bata pa lang ito nang mamatay sa motor accident ang tunay na ama.

E, prinsesa ba si Trudis Liit?

"Ang role ko po, inaapi ako. Kapag good girl po, yun ang magiging princess. Kung hindi good girl, yun ang walang gown."

Type niya ba palaging nakasuot ng gown?

"Yeah! Kasi, gusto kong maging prinsesa!"

Paano ba niya nagagawang umarte na api-apihan? Ang sabi, magaling daw siyang umiyak?

"Ano po, inaaway po ako ng mommy ko kunwari para po makaiyak ako," at saka nito ini-arte pa kung paano ang facial expression ng mommy daw niya.

Pero may isang Hollywood movie na siyang pang-motivate pala ni Jillian.

"Iniisip ko po ang Titanic. Nakakaiyak, e. Si Rose kasi, na-miss si Jack. (Ang tinutukoy na Rose at Jack ni Jillian ay ang mga characters na ginampanan nina Kate Winslet at Leonardo Di Caprio sa naturang movie.)