Kapag nababanggit kay Maxene Magalona ang pangalang Dominic Roco, may matamis itong ngiti at kislap sa mga mata. Hindi rin siya agad makasagot kapag ang kakambal ni Felix Roco ang tinatanong sa kanya.
Nitong nakaraang press launch para sa GMA Sine Novela Presents Trudis Liit sa 17th floor ng GMA Network Center, pinutakti ng tanong si Maxene tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ng anak ni Bembol Roco.
Marami nang nakakakita sa parating pagsasama nina Maxene at Dominic. Dahil daw part na si Dominic ng kanyang barkada na binubuo nina Glaiza de Castro at Rich Asuncion, paliwanag naman ni Maxene.
"Sila Felix and Dominic kasi, parati namin sila nakakasama nila Glaiza at Rich. Kaibigan kasi nila ang brother ni Glaiza na si Alchris [Galura] at may iba pa kaming mga kasama na friends din nila.
"So doon naman nag-start iyon and I admit na I get to talk to Dominic a lot. Mahiyain nga 'yang si Dominic kaya parati ko siyang kinakausap para maging at ease siya sa amin.
"Then I found out that Dominic is such a smart person pala. I discovered na we have the same interest in so many things. Kapag nagkakausap kami, marami kaming nagiging topics. He's really someone na masarap kausap."
ENJOYING THE SINGLE LIFE. Puwedeng kayang mauwi sa malalim na relasyon ang closeness nila?
"Grabe, relasyon kaagad?" tawa pa ni Maxene. "Nagsisimula pa lang ang friendship namin ni Dom. We're slowly getting to know one another pa, kaya wala pang relasyon. Barkada pa lang kami.
"The closeness I have for Dom is pure friendship muna. I enjoy his company and we're okey naman na ganito sa ngayon. Hindi naman kami nagmamadali."
Pero handa na bang magpaligaw ulit si Maxene, pagkatapos ng pinagdaanan niya with JC Tiuseco?
"Nasabi ko naman before na I've moved on from my last relationship. I want to meet new people in my life. Right now, I can say that I'm open to have a new relationship pero hindi pa dapat sobrang serious.
"My mom [Pia Magalona] told me nga na I have to be ready to enter into something new. She wants me to be happy. Mag-enjoy naman daw ako sa pagiging dalaga ko.
"She's okay naman if I go out on dates basta kilala niya yung guy. Hindi naman porke't may freedom na ako, hindi ko na ipapakilala ang mga taong nakakasama ko. So it's not a problem with my mom if I do meet other guys basta ang maging priority ko raw ay ang trabaho ko.
"I promised naman my mom that my work comes first. Ayoko rin naman na madi-distract ako lalo na't marami ang nagiging blessings ko this year. I want to be able reach a goal this year in terms of my work. Kaya doon ang tutok ko but, at the same time, I'm enjoying my single life."
So saan papasok si Dominic sa list ng priorities niya?






maxene - 1986
dominic - 1989
i don't think so, dominic roco is not on the cast of trudis liit
Galing talaga ng GMA7.