PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid: "Tulong para sa OPM ang hihilingin ko sa ating Presidente."

Hole in the Wall game show on GMA-7 returns this July.
by Ruel J. Mendoza
Published Jun 19, 2010
Ogie will be at the presidential inauguration on June 30, singing "Bagong Pilipinas," which he composed together with Ryan Cayabyab and Noel Cabangon. "It's a song about unity and facing a new tomorrow," said the singer-songwriter. "Ang mensahe ng song ay tapos na ang iba't ibang kulay ng Pinoy. Tapos na ang mga kulay dilaw, orange, berde at kung anu-ano pang naging kulay noong nakaraang eleksyon. It's time that we all focus on being a Filipino at magtulu

Magsisimula uli sa July ang hit game show na Hole In The Wall sa GMA-7. Sina Ogie Alcasid at Michael V pa rin ang mga host nito at muling magbabalik ang characters nilang Yaya at Angelina.

At hindi lang daw sina Yaya at Angelina ang magiging characters nila sa game show. May mga bago silang characters na ipakikilala para sa mas ikatutuwa ng mga contestants at manonood.

"Kailangan kasi may bago," sabi ni Ogie noong makapanayam namin siya sa pictorial ng Hole In The Wall sa GMA Network Annex. "We're experimenting on new characters para may ibang pagkainteresan ang mga nag-aabangan sa pagbabalik ng Hole In The Wall.

"Dalawa nga sa magiging characters namin ni Bitoy ay si Cat-Trina at Ballman. Basta hintayin na lang nila ang mga characters na ito at makikita n'yo ang relevance nila sa Hole In The Wall."

"PRESIDENT OGIE"? Noong Wednesday, June 16, ay naganap ang eleksyon para sa mga bagong officers ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon muna ng election para sa top 5 members na pagbobotohan ulit para sa iba't ibang posisyon as new officers ng OPM. Pero naging top 6 dahil nagka-tie para sa ikalimang posisyon. Ang mga masuwerteng nakapasok sa top 6 ay sina Ogie Alcasid, Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Noel Cabangon, Dingdong Avanzado at Christian Bautista.

Si Ogie ang nag-number one sa unang botohan. Tinanong namin siya, handa na ba siyang maging president ng OPM kung sakaling ihalal ng grupo? Oo naman, ang sagot ni Ogie.

"I have to be ready. Kailangang mabuhay ulit namin ang OPM dahil sa marami nang mga bagong singers ngayon at gusto rin namin silang maging part ng organization na ito na nagbibigay ng halaga sa ating sariling musika.

"May mga proyekto na silang hinanda for the coming of the new batch of officers. Pag-uusapan na lang namin lahat ang mga proposed projects na magiging malaking tulong hindi lang sa members ng OPM, kundi sa maraming tao na rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula raw na magkaisa ulit ang OPM nang mai-stage ang Kaya Natin 'To sa Araneta Coliseum kunsaan nagsama-sama lahat ng mga OPM artists sa fund-raising event para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy.

"I guess it all started there again. Nagsama-sama kaming lahat ulit na matagal nang hindi nangyayari. So one thing led to another hanggang sa maayos na namin itong election. Matagal na naming pinaplano ang meeting na ito pero dahil nga sa naging busy ang lahat, ngayon lang talaga natupad ang pagsasamang ito.

"Whoever will be the new OPM president, ang tanging hangarin naman namin lahat ay mapaganda at mapalaki pa ang organisasyon na ito para makatulong pa kami sa maraming tao."

ALL FOR OPM. May participation si Ogie sa magaganap na presidential inauguration ni President-elect Noynoy Aquino sa Quirino Grandstand sa June 30. Aawitin ni Ogie ang komposisyong pinagtulungan nila nina Ryan Cayabyab at Noel Cabangon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It's a song about unity and facing a new tomorrow," diin ni Ogie. "Ang mensahe ng song ay tapos na ang iba't ibang kulay ng Pinoy. Tapos na ang mga kulay dilaw, orange, berde at kung anu-ano pang naging kulay noong nakaraang eleksyon. It's time that we all focus on being a Filipino at magtulungan tayong lahat."

Galing na rin kay Ogie na hindi raw niya inambisyon na magkaroon ng anumang puwesto sa gobyerno. Kung sakaling alukin siya, hindi raw niya ito tatanggapin.

"Siguro ay tulong at suporta para sa OPM na lang ang hihilingin ko sa ating Presidente. Mas gusto ko na marami ang makikinabang kesa sa iisang tao lamang.

"I will concentrate more on the things and the work that I know best, which is being a performer and an artist in the entertainment industry. Hindi natin kailangan ang anumang government position dahil wala tayong alam diyan.

"Mas gugustuhin ko na matulungan ng ating Presidente ang mga grupo ng mga artist sa ating bansa. It's time kasi na maipagmalaki natin ang talento natin sa buong mundo. And malaking boost kung ang suporta ay galing mismo sa ating gobyerno," pagtatapos ni Ogie Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid, OPM
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie will be at the presidential inauguration on June 30, singing "Bagong Pilipinas," which he composed together with Ryan Cayabyab and Noel Cabangon. "It's a song about unity and facing a new tomorrow," said the singer-songwriter. "Ang mensahe ng song ay tapos na ang iba't ibang kulay ng Pinoy. Tapos na ang mga kulay dilaw, orange, berde at kung anu-ano pang naging kulay noong nakaraang eleksyon. It's time that we all focus on being a Filipino at magtulu
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results