"Alam mo, I just wish people see her the same way we see her pagka ini-interview siya o kaya no'ng taong hindi nakakakilala sa kanya. Kasi sa totoo lang she's a very interesting person, she's very loving, at saka mabait si Gretchen," says Bea Alonzo about her co-star, who seems to have taken her under her fashionista wing.
Bea Alonzo gets a glimpse of Gretchen Barretto's vulnerable side while making Magkaribal
Saturday, June 19, 2010
06:15 PM
Rating
Kung ang pagbabasehan ay ang masayang samahan nina Bea Alonzo at Gretchen Baretto sa presscon ng serye nilang Magkaribal for ABS-CBN, sasabihing may nabuo nang magandang working relationship ang dalawa na puwedeng humantong sa pagiging magkaibigan.
Nagkakatawanan, nagkakabiruan at nagbibigayan sila habang sinasagot ang mga tanong sa presscon, at wala sa mga kilos ni Bea na naiilang siya sa katabing si Gretchen.
Napalagay na raw kasi ang loob niya sa co-star, ang sabi ni Bea sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
"Hindi mahirap, e," sabi niya. "Hindi ako nag-exert ng too much effort."
Dugtong niya, "Siguro nakatulong yung nag-workshop kami agad. Nakita ko yung vulnerable side of her. So, parang nagkaroon agad siya ng tiwala sa akin, kasi meron siyang bagay na personal na nai-share sa akin at ganundin din ako sa kanya."
BEHIND THE IMAGE. Bilib si Bea sa pagiging accommodating ni Gretchen, na malayo sa image nitong mahirap abutin, mahirap pakisamahan at pikon.
"Alam mo, I just wish people see her the same way we see her pagka ini-interview siya o kaya n'ong taong hindi nakakakilala sa kanya," pagtatanggol ni Bea sa co-star. "Kasi sa totoo lang she's a very interesting person, she's very loving at saka mabait si Gretchen."
Kilala naman talaga si Gretchen sa pagiging mapagbigay sa mga taong kinaaaliwan niya at nakaranas na rin daw si Bea ng generosity nito.
"Oo, binigyan nga niya ako ng flip-flops... mga mamahaling lipstick at kung anu-ano pa. Basta, maliliit na bagay. 'Saka, mahilig siyang magdala ng food sa set at lahat pinapakain niya."
Malaki raw ang impluwensya ni Gretchen sa fashion taste ni Bea ngayon. Kung noong bata pa siya'y mahilig siyang magterno ng mga damit dahil nanay niya ang nag-aayos sa kanya, ngayon raw ay tinuturuan siya ni Gretchen na mag-mix and match ng mga clothes, shoes, bags, accessories at pati na ng makeup.
Kapag binabalikan raw niya ang kanyang younger days, napapangiti na lang raw siya dahil malayo na ang itsura niya noon kaysa ngayon. Feeling raw niya ay isa na siyang ganap na babae at fashionista dahil kay Gretchen, at lalong bumabagay sa serye nila dahil ang tema nga naman nito ay tungkol sa fashion.
HEAD TURNER. Pero kahit papano ay nai-intimidate pa rin daw si Bea kay Gretchen.
"Nakaka-intimidate talaga. Sabi ko nga, sobrang head turner ni Ate Gretch, kasi when she walks inside the room, kahit saan man 'yan at kahit hindi niya kilala ang nandoon, you cannot help but turn your head to see her. Kasi iba talaga yung level of confidence. Iba yung level ng pananamit, napakaganda. Kaya ako, talagang nag-e-effort para hindi man kayaning lagpasan, mapantayan man lamang nang konti yung level niya."
Hindi raw sa may feeling of inferiority or insecurity si Bea. "More on gusto kong maging kagaya niya. Siya yung parang goal. Parang siya ang pangarap ko. Alam mo, hindi rin naman gano'n kalaking effort na ini-exert naming dalawa para to get to know each other well, kasi sa workshop, parang effortless na nangyari yung nagsi-share siya ng stories sa akin and ako rin nagsi-share rin ako ng stories about myself sa kanya. So, pag gano'n kasi, kapag nakikita ng tao yung vulnerable side of you, mas madali sa iyong magtiwala. Kasi alam mong pakakaingatan niya kung anuman yung ipinagkatiwala mo sa kanya."
KEEP OFF ISSUES. Samantala, pahapyaw na pinasinungalingan ni Bea ang balitang nasira na ang friendship nila ni Shaina Magdayao dahil kay John Lloyd Cruz na rumored boyfriend ngayon ng huli.
Close pa rin daw sila, ani Bea. Pero hindi na niya nagawang dagdagan pa ang sinabi niya para patunayang matatag pa ang friendship nila dahil hinila na siya ng isang staff ng ABS-CBN, na parang tila iniiwas si Bea sa iba pang isyung puwede naming itanong sa kanya.
Sa umpisa pa lang kasi ng presscon, pinaalalahanan na ang press na huwag magtanong ng mga bagay na walang kaugnayan sa serye. Tumangging magsalita si Gretchen tungkol sa isyu sa kanila ni Angelika Panganiban at agad niyang tinapos ang interview sa kanya nang subukang kumustahin siya tungkol sa kapatid na si Claudine Baretto na nakasamaan niya ng loob.
- Bea Alonzo doesn't feel pressured to outgross No Other Woman
- Bea Alonzo finally admits six-month relationship with Zanjoe Marudo
- Bea Alonzo says Zanjoe Marudo is "the perfect guy"; reveals plans to vacation together in Korea
- Bea Alonzo squashes rumor she'll move to TV5; says boyfriend Zanjoe Marudo makes her "happy"
- Bea Alonzo denies avoiding Gerald Anderson at Star Magic Ball; not transferring to TV5
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
-
Society Watch
Divine Lee supports gender equality and gay rights.
-
Big Shot
Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
Anne will bring Annebisyosa to different countries in the next few months.
-
Starbiz
Marvin Agustin on producing music concert: "We work hard to get the artist."
Marvin Agustin sees no problem about the regulation of foreign acts in the country.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

