Bea Alonzo gets a glimpse of Gretchen Barretto's vulnerable side while making Magkaribal

Rey Pumaloy
Saturday, June 19, 2010 @ 06:15PM  |  15990 views

 

"Alam mo, I just wish people see her the same way we see her pagka ini-interview siya o kaya no'ng taong hindi nakakakilala sa kanya. Kasi sa totoo lang she's a very interesting person, she's very loving, at saka mabait si Gretchen," says Bea Alonzo about her co-star, who seems to have taken her under her fashionista wing.

Photo By: Noel Orsal













Kung ang pagbabasehan ay ang masayang samahan nina Bea Alonzo at Gretchen Baretto sa presscon ng serye nilang Magkaribal for ABS-CBN, sasabihing may nabuo nang magandang working relationship ang dalawa na puwedeng humantong sa pagiging magkaibigan.

Nagkakatawanan, nagkakabiruan at nagbibigayan sila habang sinasagot ang mga tanong sa presscon, at wala sa mga kilos ni Bea na naiilang siya sa katabing si Gretchen.

Napalagay na raw kasi ang loob niya sa co-star, ang sabi ni Bea sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi mahirap, e," sabi niya.  "Hindi ako nag-exert ng too much effort."

Dugtong niya, "Siguro nakatulong yung nag-workshop kami agad.  Nakita ko yung vulnerable side of her.  So, parang nagkaroon agad siya ng tiwala sa akin, kasi meron siyang bagay na personal na nai-share sa akin at ganundin din ako sa kanya."

BEHIND THE IMAGE. Bilib si Bea sa pagiging accommodating ni Gretchen, na malayo sa image nitong mahirap abutin, mahirap pakisamahan at pikon.

"Alam mo, I just wish people see her the same way we see her pagka ini-interview siya o kaya n'ong taong hindi nakakakilala sa kanya," pagtatanggol ni Bea sa co-star.  "Kasi sa totoo lang she's a very interesting person, she's very loving at saka mabait si Gretchen."

Kilala naman talaga si Gretchen sa pagiging mapagbigay sa mga taong kinaaaliwan niya at nakaranas na rin daw si Bea ng generosity nito.

"Oo, binigyan nga niya ako ng flip-flops... mga mamahaling lipstick at kung anu-ano pa. Basta, maliliit na bagay. 'Saka, mahilig siyang magdala ng food sa set at lahat pinapakain niya."

Malaki raw ang impluwensya ni Gretchen sa fashion taste ni Bea ngayon.  Kung noong bata pa siya'y mahilig siyang magterno ng mga damit dahil nanay niya ang nag-aayos sa kanya, ngayon raw ay tinuturuan siya ni Gretchen na mag-mix and match ng mga clothes, shoes, bags, accessories at pati na ng makeup.

Kapag binabalikan raw niya ang kanyang younger days, napapangiti na lang raw siya dahil malayo na ang itsura niya noon kaysa ngayon.  Feeling raw niya ay isa na siyang ganap na babae at fashionista dahil kay Gretchen, at lalong bumabagay sa serye nila dahil ang tema nga naman nito ay tungkol sa fashion.

HEAD TURNER. Pero kahit papano ay nai-intimidate pa rin daw si Bea kay Gretchen.

"Nakaka-intimidate talaga.  Sabi ko nga, sobrang head turner ni Ate Gretch, kasi when she walks inside the room, kahit saan man 'yan at kahit hindi niya kilala ang nandoon, you cannot help but turn your head to see her.  Kasi iba talaga yung level of confidence.  Iba yung level ng pananamit, napakaganda. Kaya ako, talagang nag-e-effort para hindi man kayaning lagpasan, mapantayan man lamang nang konti yung level niya."

Hindi raw sa may feeling of inferiority or insecurity si Bea. "More on gusto kong maging kagaya niya.  Siya yung parang goal.  Parang siya ang pangarap ko.  Alam mo, hindi rin naman gano'n kalaking effort na ini-exert naming dalawa para to get to know each other well, kasi sa workshop, parang effortless na nangyari yung nagsi-share siya ng stories sa akin and ako rin nagsi-share rin ako ng stories about myself sa kanya.  So, pag gano'n kasi, kapag nakikita ng tao yung vulnerable side of you, mas madali sa iyong magtiwala.  Kasi alam mong pakakaingatan niya kung anuman yung ipinagkatiwala mo sa kanya."

KEEP OFF ISSUES. Samantala, pahapyaw na pinasinungalingan ni Bea ang balitang nasira na ang friendship nila ni Shaina Magdayao dahil kay John Lloyd Cruz na rumored boyfriend ngayon ng huli.

1  2  Next »

Related Articles

34 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name