The leader of the eponymous Mocha Girls felt slighted after Marian Rivera allegedly didn't return her greeting at a corporate show. But Marian's manager Popoy Caritativo attests: "I was there. I was standing beside Marian. Marian said hello to her."

Photo: Noel Orsal

Kabilang ang Mocha Girls sa mga panauhin sa regular Celebrity Night na isinasagawa ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ng pangulo nitong si Mr. Jerry Yap.  

Matapos ang performance ng grupo sa tanggapan ng NPC sa Intamuros, Manila, kinapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mocha Uson, upang klaruhin ang balitang nagkaroon siya kamakailan ng hindi magandang experience with GMA-7 star Marian Rivera.

Pero bago 'yon, kinumusta muna ng PEP ang kari-revamp na Mocha Girls.

"Happy ako sa bagong Mocha Girls ngayon. Kasama na namin ang dating EB Babe na si Mae dela Cerna at si Jhane Santaguiel. Ang bagong grupo namin ay very promising, mas matindi, mas fresh, mas magaganda, mas talented. Sobrang galing nila at sobrang bait din nila," panimula ng seksi singer-actress.

Totoo bang kaya nawala ang apat na dating Mocha Girls ay dahil sa kanya lang daw lagi naka-focus ang grupo?

"Ako po, basta ako, no hard feelings. Ako kasi, mahal ko sila, e. So kung hindi nila ako mahal ay okay lang iyon, hindi ko naman sila puwedeng pilitin. Basta ako ay nagmamahal ako ng katrabaho," aniya.

SHE KISSED A GIRL. Kilala si Mocha bilang bisexual at marami siyang aktres na nakahalikan na, kabilang dito sina Krista Ranillo at Jaycee Parker. Pero, meron ba siyang ibang aktres na nakahalikan na na hindi pa alam ng publiko?

"Dati kasi, may blog ako sa Maxim magazine na nagsarado na ngayon. So, naglalagay po ako ng mga experiences ko roon sa Maxim blog at isa yun sa mga experience ko... Iyong iba roon, ibini-video, depende po sa kahalikan ko kung papayag silang ilabas ko."

Matapos magsara ang Maxim ay tinuloy pa rin ni Mocha ang blog niya. Sinulyap namin ito at isa sa mga naka-feature doon ay ang Chika Minute interview niya last year kung paano niya napapayag si Krista na halikan siya. Nandoon din ang video nila ni Jaycee Parker, na in-upload niya raw with Jaycee's permission. Nakabanggit sa blog niya ang ilan pang kilalang artistang nakahalikan na niya, pero dagdag niya sa amin sa NPC, "iyong iba, hindi na puwedeng banggitin, kasi wholesome ang image nila sa showbiz, e," nakangiting sabi niya.

Fantasy naman daw niya si Rhian Ramos, kasi "sobrang ganda niya, makinis, mestisa, at saka ang bait ni Rhian. Noong nalaman niyang crush ko siya, natuwa pa siya, e. Hindi katulad ng ibang babae na nagtataray, di ba?

"Sabi pa raw niya, 'Talaga, crush ako ni Mocha? Wow, astig!'"

HURT. Si Marian Rivera, crush din ba niya?

"Dati, pero noong tinarayan niya ako, hindi ko na siya crush.

"Kasi, nagkasabay kami sa isang corporate show for a product launch. E, pareho naman kaming Kapuso noon, di ba? Naging GMA-7 artist naman ako, nagkasabay kami sa SOP at Show Me Da Manny. So noong binati ko po, inirapan niya ako. Nangyari ito bale last week lang," seryosong kuwento ni Mocha.