Contemplating her departure along with the outgoing administration, Ma. Consoliza P. Laguardia says her successor will be in for an interesting if bumpy ride: "Lahat mami-miss ko, lahat ng ginagawa ko from morning to evening.  Kasi yung work sa MTRCB from within and outside, talagang very exciting, although may tension na kasama. Kaya I will surely miss what will be my next day, ganyan.  Kasi no day is the same.  Parating iba nang iba ang tina-tackle natin sa MTRCB." 

 

Photo: Melo Balingit

Balitang malapit nang ibakante ng kasalukuyang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Ma. Consoliza P. Laguardia ang kanyang opisina, kahit wala pang opisyal na statement mula sa Malacañang kung sinu-sino ang magiging miyembro ni President Noynoy Aquino sa kanyang Gabinete.

"Depende 'yan sa incoming president, e, kung kailan siya maglalagay ng bago," sabi ni Chairperson Laguardia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang kanyang live interview sa Paparazzi nitong Linggo, June 20.

"Although ang term namin talaga is yearly appointment 'yan, September 30, 2010 dapat. Pero depende pa rin sa incoming President 'yan kung iiklian niya or whatever."

Anong pakiramdam niya na wala pa namang sinasabi ang Malacañang pero tila may mga gusto nang umalis siya sa puwesto?

"Pag ini-interview ako, kailangang sabihin ko naman yung totoo na coterminus, di ba?" Ang ibig niyang sabihin, dahil appointee siya, matatapos din ang paglilingkod niya pagkatapos ng term ni Pangulong Gloria Arroyo. Lahat ng presidential appointments ay coterminus sa administrasyong naglagay sa kanila sa katungkulan.

WHO WILL REPLACE HER? May nababalitaan na po ba kayo kung sino ang hahalili sa inyong puwesto?

"Sa diyaryo lang nababasa ko yung mga pangalan," ang sagot niya.

Kung kayo po ang papipiliin, sino po ang gusto ninyong pumalit na halos kapareho ninyo ng pananaw at paniniwala?

"Wala pa akong maisip. Ang tao kasi unique 'yan, e. Walang kapareho, parating iba 'yan."

Dalawa sa sinasabing kandidato para sa kanyang katungkulan ay sina Kris Aquino at Joey De Leon. 

Would Kris be a good replacement?

"Hehehehe..." mabilis na reaksyon ni Chairperson Laguardia.  Matapos ang impit na  tawa, saka siya nagbigay ng comment. "Ah, si Ms. Kris naman, nagpahayag naman siya na she's not interested.  I don't think na magugustuhan niya.  Ano naman din, anybody, anybody can have MTRCB so long as it's with the approval of the incoming President nga."

Mas lumakas ang tawa ni Laguardia nang mabanggit naman ang pangalan ni Joey.

"Dapat vice chair niya si Willie? Hahahahaha, di ba?" pabiro niyang sagot.