PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador keeps her distance from guys with girlfriends

Maja said her friendship with Impostor co-star Sam Milby is not affected by the Marie Digby-Sam link.
by Melba R. Llanera
Published Jun 22, 2010
"Pag trabaho, trabaho lang, yun lang ang gagawin ko. Di naman kayo nagsasama sa trabaho para maging kayo. Pinagsama kayo para maging maganda ang isang proyekto na ibinibigay sa inyo, na pinagkatiwala sa inyo. At siyempre, pag may girlfriend na ang isang lalake, didistansiya na ako. Respeto na lang sa kapwa ko babae," says Maja Salvador about her working relationship with Sam Milby. Sam is being linked to YouTube sensation and international singer Marie Digby.

Sa taas ng ratings ng Precious Hearts Romances Presents Impostor, pinatunayan lang nito na tanggap at may followers na ang tambalang Maja Salvador at Sam Milby.

Dati nang na-link ang dalawa at may mga tsismis pang nagde-date daw ang mga ito pero hindi nga lang nauwi sa mas malalim na relasyon. Nakikita raw kasi ang sweetness sa isa't isa nina Maja at Sam sa set ng Impostor. Mula sa simpleng papapahiram daw ni Maja ng reclining chair nito sa aktor para makatulog sa set ng Impostor, hanggang sa diumano'y pag-ako raw ni Sam ng pagbayad ng supposed-to-be ay treat ni Maja para sa staff ng nasabing show.

SWEET MAJA. Nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maja nitong nakaraang Linggo sa backstage ng ASAP XV, hindi naman itinanggi ng young actress ang mga lumabas na balita.

"Kahit naman kaninong ka-love team ko, o kahit sinuman ang ka-love team ko, siyempre kailangan naming mag-alagaan sa isa't isa. Di ka naman pupunta sa set na ang paki mo lang ay ang sarili mo," simula muna ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatotohanan niya ang balitang pagpapahiram daw ng sarili niyang higaan sa aktor para makatulog ito.

"Parang sira ang higaan niya nung araw na yun, 'tapos ako, puro ako ang may kukunan ng eksena, 'tapos segue siya. Pinagamit ko na lang yung higaan ko, kasi di ko rin naman magagamit that day," kuwento ng dalaga.

"Kung nakikita man kaming sweet-sweet-an, wala yun. Siguro masyado lang naming inaano ang pagiging mag-asawa namin sa story. Pero ganun lang."

GENTLEMAN SAM. Ikininuwento rin sa PEP ni Maja ang katotohanan sa likod ng sinasabing pagbabayad daw ni Sam ng lahat ng bills nang i-treat niya ang staff ng Impostor sa isang restaurant.

"Nag-invite kasi ako ng dinner, parang pa-thank you lang sa kanila. Kasi grabe, ang babait ng mga staff ng Impostor. Ang nangyari pagdating ko dun, nabayaran na pala ni Sam. Ang nangyari parang inaaway ko siya sa resto na parang, ako ang nag-invite, bakit siya ang nagbayad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napaka-gentleman ni Sam. Siya raw ang lalake, so siya dapat ang magbayad. Sabi ko naman sa kanya, 'e di sana ikaw ang nag-invite, di yung nang-aagaw ka ng dinner!' Nag-thank you na lang ako, kasi umabot pa sa nagbabayaran na kami...kumbaga, nagsosolian ng pera pagdating ng gabi, makikita ko na yung pera nasa bag ko uli."

Kung all praises si Maja sa kapareha, puro papuri rin naman si Sam sa aktres na para sa kanya raw ay isa sa pinakamabait at generous na nakapareha niya.

"Siya rin naman. In fairness naman kay Sam, napakamaalagain niya sa kapareha. Wala akong masasabi sa kanya," sabi pa ni Maja tungkol kay Sam.

NOT AFFECTED BY MARIE DIGBY-SAM LINK. Pero nitong mga nakaraang araw na na-link si Sam sa YouTube sensation at international singer na si Marie Digby, nilinaw ni Maja na wala siyang sama ng loob kay Sam. Wala raw selos at di rin naapektuhan ang friendship nila ng half-Filipino, half-American na binata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala, wala kaming ilangan ni Sam. May issue ngang lumabas na parang sumama raw ang loob ko? That's not true, masaya ako sa friendship namin ni Sam.

Diin lang ni Maja na out of respect sa kapwa babae, kung alam niyang boyfriend na nito ang lalaking kakilala ay kusa na siyang dumidistansiya doon sa lalaki.

"Pag trabaho, trabaho lang, yun lang ang gagawin ko. Di naman kayo nagsasama sa trabaho para maging kayo. Pinagsama kayo para maging maganda ang isang proyekto na ibinibigay sa inyo, na pinagkatiwala sa inyo. At siyempre, pag may girlfriend na ang isang lalake, didistansiya na ako. Respeto na lang sa kapwa ko babae," pahayag pa ni Maja.

THANKFUL FOR HIGH RATINGS. Lubos naman ang pasasalamat ni Maja sa consistent high ratings ng Impostor.

"Sobrang di namin ine-expect na ganito siya kainit na tatanggapin ng publiko. Grabe yung kaba na naramdaman namin nung nagsisimula ang Impostor. At ngayon, grabe ang pasasalamat namin. Over-over ang pasasalamat namin sa inyong lahat dahil sa taas ng ratings na binibigay ninyo sa amin. Maraming-maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda naman daw kasi talaga ang istorya ng Impostor. Palagay ni Maja, ito talaga ang nagustuhan ng mga manonood.

"May pagka-romantic-comedy kasi yung story, 'tapos yung mga eksena, grabe. Siguro nadadala ang mga tao sa eksena.

"Ang kukulit ng mga eksena, may mga pakilig talaga. Pag pini-preview ko siya, nangingiti ako kasi sa character ni Devin [Maja's character]. Yung gagawin niya ang lahat para kay Anthony [character ni Sam]. Ibubuhos niya ang lahat para maging masaya ang taong minamahal niya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pag trabaho, trabaho lang, yun lang ang gagawin ko. Di naman kayo nagsasama sa trabaho para maging kayo. Pinagsama kayo para maging maganda ang isang proyekto na ibinibigay sa inyo, na pinagkatiwala sa inyo. At siyempre, pag may girlfriend na ang isang lalake, didistansiya na ako. Respeto na lang sa kapwa ko babae," says Maja Salvador about her working relationship with Sam Milby. Sam is being linked to YouTube sensation and international singer Marie Digby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results