Kim Chiu on being "The Most Beautiful": "Ang dami-daming artistang maganda...ako Intsik lang... Parang, 'Ako? Ako?!'"

Rose Garcia
Tuesday, June 22, 2010 @ 05:42PM  |  52485 views

 

Although grateful for the honor given to her by YES! Magazine, Kim Chiu still can't believe that she's hailed as "The Most Beautiful" in the 100 Most Beautiful Stars list of the magazine.

Photo By: Noel B. Orsal













Kahit na walang ranking sa YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars 2010, si Kim Chiu naman ang itinanghal na "The Most Beautiful Star" at siyang naging pang-apat na cover girl ng nabanggit na magazine.

Nauna nang naging cover sa taunang special issue na ito ng YES! ang mga tinanghal na rin noong "Most Beautiful" na sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Marian Rivera.

Late nang dumating sa press launching ng YES! si Kim kaya't di siya nakasali sa pag-a-unveil ng cover niya sa magazine sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City, kaninang tanghali. Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at mga imbitadong press ang pag-unveil sa cover ng ilang nakasamang celebrities sa list ng YES!.

CANNOT BELIEVE HER "MOST BEAUTIFUL" TAG. Hiyang-hiya si Kim at nagsabi pang di naman daw siya maganda para maging pang-apat na cover girl ng taunang special issue ng YES!. Kung ikukumpara raw kasi sa ibang stars, marami raw ang mas maganda pa sa kanya.

Pa-humble pang nasabi ni Kim, "Siyempre, sobrang nagpapasalamat. Sobrang thankful. And nakakailan na labas ng YES! na 100 Most Beautiful, na nandoon ako? Una, pang-twelve, 'tapos, naging pangalawa. 'Tapos ngayon, parang...totoo ba 'to?  Hindi naman ako kagandahan!

"Ang dami-daming artistang maganda. Yung iba, mestiza, ako Intsik lang.  Talagang, sabi ko, 'Di nga? Totoo?' 'Tapos sabi, 'Oo, ikaw. Ikaw ang cover. Ikaw ang Most Beautiful!' Parang, 'Ako? Ako?!'" di pa rin makapaniwalang pahayag ng natatawang si Kim.

May pressure ba siyang nararamdaman sa pagkakahirang sa kanya as Most Beautiful?

"Oo, 'no! Cover ka, 'tapos hindi ka maganda, hindi ka fresh? Sabi ko, paano ba maging maganda?" natatawa pa rin niyang sabi.

Hindi pa rin siya naniniwalang maganda siya, kahit na kahilera na niya sa Most Beautiful sina Juday, KC at Marian?

"Hindi nga!" natatawa pa niyang sabi. "Panloob na kagandahan? Hindi... Ewan ko! Siyempre, thankful ako sa YES! Nagpapasalamat ako dahil minsan lang akong mabigyan ng chance na ganito. So, dagdag-confidence ito para sa sarili ko. Parang, thank you dahil pinili nila 'ko sa dinami-rami. Bibili ako ng maraming kopya nito at itatago ko talaga!"

KIM-ALJUR, HOW ABOUT IT? Parang kinilig naman ang karamihan ng taong nasa press launch nang pag-upo sa presidential table ni Kim ay nagkausap agad sila ni Aljur Abrenica na kasama ang ka-love team na si Kris Bernal. Ni-request tuloy ng mga naroong press na kung puwede'y pagtabihin na sina Kim at Aljur dahil nag-uusap sila kahit na nakapagitan sa kanila ang Kapamilya star at model na si Ron Morales.

Natutuwa at kinikilig ang ibang press people na naroon sa pag-uusap at pagbibiruan nina Kim at Aljur. Batid ng lahat na bukod sa magkaibang network sila ay may sari-sarili rin silang ka-love team. Kasama pa nga ni Aljur si Kris nang sandaling iyon.

Flattered si Kim sa mga nalaman kina Aljur at Kris. "Okey naman. Sobrang okey silang kausap. Nanonood sila ng mga shows namin. At yun, nagko-congrats kami sa isa't isa. Walang rivalry."

Ano ang masasabi niya sa rebelasyon ni Kris na fan ito talaga ng love team nina Kim at Gerald at nanonood pa ito ng mga movies nilang dalawa?

"Masaya po, siyempre," nakangiting sabi niya. "Masaya po, siyempre, kasi ngayon lang kami nagkausap-usap ng matagal at yun, okey naman."

1  2  3  Next »

Related Articles

157 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name