Ikatlong Box-Office King trophy na ni John Lloyd Cruz ang natanggap niya sa 41st Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. na ginanap kagabi, June 22, sa Carlos P. Romulo Auditorium sa 4th floor ng RCBC Plaza, Makati.
Ang panibagong tropeyo ni John Lloyd bilang Box-Office King ay para sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na You Changed My Life last year. Unang napanalunan ng aktor ang titulo noong 2008 para sa One More Chance nila ni Bea Alonzo at noong 2009 para sa A Very Special Love na unang pelikula nila ni Sarah.
Pero this year, bukod sa Box-Office King trophy ay pinarangalan din si John Lloyd bilang Movie Actor of the Year (kasama si Luis Manzano) para sa pelikulang In My Life.
Dahil sa tatlong magkakasunod na taon na ang pagiging Box-Office King niya, immune na ba si John Lloyd sa award na ito?
"Hindi," nakangiti niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kahit kailan talaga, basta aakyat ka sa ganyang stage, aakyat ka para tumanggap ng kahit na anong award, mapa-acting award man 'yan or box-office award, kahit na... Ako naman, would you believe, kahit sa stage sa ASAP, kapag lumalabas ako, kinakabahan pa rin ako. Lalo na kapag mga ganitong klase ng recognition."
Bibihira ang pagkakataon na makatanggap ang isang aktor ng Box-Office King trophy for three consecutive years. Ano ang masasabi niya rito?
"Yes, mapalad. Napakapalad natin. Talagang bihira ito," sambit niya. "Imagine, for three consecutive years, yung pelikula mo ang nagta-top sa box-office kaya napakaimportante, napaka-espesyal ng award."
THIRD MOVIE WITH SARAH. Nagpahayag naman ng excitement si John Lloyd para sa ikatlong pelikula na pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo. Ito ay ang third installment first movie together nila na A Very Special Love, na ididirek pa rin ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.
Aniya, "Alam n'yo, ako rin, after tonight, parang nabubuhay yung ano... Parang lahat kami, we can't wait to do the third installment. I'm sure maraming nag-aabang, ako rin. Personally, I'm looking forward to the new story kung saan man papunta. So, hayun."
Magkakaroon na kaya sila ng kissing scene ni Sarah since ito na ang third movie nila together?
"Ang alam ko kasi, up to this moment, tina-try pa nilang i-convince ang dad ko. Medyo mahirap kasing i-convince ang daddy ko, e!" biro niya.
Posible raw na sa November this year ipalabas ang pelikula nina John Lloyd at Sarah. Kung sa November naka-schedule i-release ang ikatlong movie nila ni Sarah, may malaking posibilidad na masungkit muli ni John Lloyd ang Box-Office King title next year.
"Hindi natin masasabi," sabi ng aktor nang hingan namin ng reaksiyon. "Kasi yung sa A Very Special Love noon, hindi lahat sang-ayon do'n sa idea na gagawa kami ng pelikula. Parang lahat kinukuwestiyon yung credibility ng project. Wala halos gustong maniwala, pagkatapos naging huge success. Napakaganda ng kinalabasan. After that, dumating yung You Changed My Life, lahat kami, kahit yung mga artista, pati si Direk, lahat kami, nagdadalawang-isip na rin. Parang, 'Kakagatin pa ba 'to?'"
Pero nabura ang mga pangamba nila nang tumabo nang husto sa takilya ang sequel ng pelikula nina John Lloyd at Sarah.






shalloyd
June 24, 2010
08:38 AM
Yeah we like the idea of SAM-SARAH too...WOHOO!!!
=D
hindi po natuturuan ang puso, nagkataon lang na tumibok ang puso niya kay shaina kaya wag na kayong makialam
baduy kaya manamit si JLC dati
i know lumang issue wala lang.
Pwedeng Sam Milby - Sarah na lang. Very interesting rin ito. These two persons are both grounded, parang walang insecurity sa katawan.
GO Johnlloyd - shaina movie.
Wag na si Sarah...wag ng isama sa mga pa-cute ni JLC.