PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz on admitting his relationship with Shaina Magdayao: "Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin."

The Box-Office King will celebrate his 27th birthday tomorrow, June 24.
by Rose Garcia
Published Jun 23, 2010
"At this point, I just want to be surrounded by people who would really appreciate what I can give. Yung hindi kukuwestiyunin or hindi ka hahanapan ng kakulangan. Hindi ka hahanapan ng butas or pagkakamali," says John Lloyd Cruz, who recently admitted his relationship with Shaina Magdayao (inset).

Tomorrow, June 24, John Lloyd Cruz is turning 27 years old. At his age, walang duda na he's at the peak of his career dahil sa sunud-sunod na magagandang projects at endorsements na ginagawa niya, pati na ang kaliwa't kanang awards na natatanggap niya. Masaya rin naman ang kanyang lovelife dahil inamin na niya ang relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Ngayong birthday niya, may mahihiling pa ba siya?

"Well, for me kasi, ang importante yung mas marami kang nagiging kaibigan or napapasaya, nata-touch na buhay. Parang kasi, at this point, I just want to be surrounded by people who would really appreciate what I can give. Yung hindi kukuwestiyunin or hindi ka hahanapan ng kakulangan. Hindi ka hahanapan ng butas or pagkakamali," saad ni John Lloyd nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Box-Office Entertainment Awards kagabi, June 22, sa RCBC Plaza, Makati.

May mga ganoong tao pa ba sa paligid niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangiti siya, sabay sabing, "Hindi naman, hindi ko naman sinasabi. Parang kapag nandito ka lang sa puntong ito, nandiyan sila, e. Parang ang gusto mo lang, mas dumami pa sila."

Ano ang plano niya sa birthday niya?

"On Thursday, baka mag-dinner lang kami sa bahay. Ang gusto ko sa bahay. I wanna be surrounded with my friends, my family. Ganoon lang, simple lang. Sabi ko nga sa daddy ko, gusto ko lang ng pancit."

COMING CLEAN. Pagkatapos ng pag-amin ni John Lloyd sa relasyon nila ni Shaina sa The Buzz noong Linggo, June 20, may nagpaabot ng balita sa kanya na positive naman ang naging feedback sa ginawa niya. Kahit daw sina Angel Locsin, na co-star niya sa Imortal, at Ruffa Gutierrez, na na-link sa kanya, said good words sa ginawa niyang pag-amin. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ako, masayang-masaya lang ako," sambit niya. "Kasi, parang nararamdaman ko at nakikita ko na yung mga taong naging involved or involved sa istoryang 'to, lahat okey na, masaya na. Lahat masaya at lahat positive. So, masaya rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talaga bang hindi niya sinabihan si Shaina sa plano niyang pag-amin?

"Actually, that night, may gusto akong sabihin," sabi niya sa PEP. "Of course, may gusto akong iparating. Pero hindi ko plinano na aminin na nang diretso. Actually, ang maganda pang na-realize ko that night, during the interview, or after the interview, parang gusto kong gawin yun na every year, gagawin namin ni Tito Boy [Abunda] yun, yung interview. Kasi, kilala n'yo naman ako na lumalabas lang tayo sa mga interview kapag may mga ganitong event, kapag may pino-promote kang pelikula. Ang ibig kong sabihin, bihira yung parang in-depth interview.

"Parang na-realize ko, it could be a good idea kung magagawa mo yun every year. Na parang nagsi-share ka. Parang a good time to give back sa mga nagsusuporta sa 'yo. Malaman nila kung ano ang nagiging progress mo every year na nagdadaan."

Ano ang naging reaction ni Shaina sa ginawa niyang pag-amin sa relasyon nila?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagpapasalamat," tugon ni John Lloyd. "Sabi ko nga, hindi naman kailangan. Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin. Talagang lahat ng bagay naghihintay lang ng tamang timing. At hiniling ko rin naman sa kanya yun dati. And when finally, dumating na yung tamang pagkakataon, nangyari na. Lahat, ang luwag-luwag. At lahat, masaya."

Never pa silang naging magkapareha ni Shaina sa anumang proyekto. If ever, okey ba kay John Lloyd na magtambal din sila in the future?

"Ideally...," bitin niyang sagot.

Ibig bang sabihin ay ayaw niya hangga't maaari?

"Sana," nakangiting sagot ng aktor.

Ayon kay John Lloyd, okay naman daw sila ni Shaina sa kani-kanilang pamilya. Pero hindi pa raw nagkakaroon ng chance na magkakilala ang pamilya nila.

SHAINA & BEA. Sa pagkakabuo ng relasyon nila ni Shaina, tila nawawala naman ang pagiging matalik na magkaibigan ni Shaina at ni Bea Alonzo, na isa sa paboritong leading ladies ni John Lloyd. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That's not true, magkaibigan pa rin sila ngayon," paglilinaw ng aktor. "Hindi naman nawala yun, e. It's normal para sa magkakaibigan na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung anuman yung naging hindi pagkakaunawaan nila at kung anuman ang dahilan nila, alam nila yun at kailangan nating irespeto yun. And wala tayo sa lugar or posisyon para mag-comment sa isang bagay na napakaimportante sa kanila."

Nakausap na ba niya si Bea tungkol sa bagay na ito?

"Actually, I wanted them to be okay first. And then, sabi ko, saka ko siya kakausapin. Pero okey na sila kasi. Tapos, naging okey sila, alam na rin. So, parang hindi nagkaroon ng chance. Kumbaga, parang hindi na kinailangan," sabi ni John Lloyd.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"At this point, I just want to be surrounded by people who would really appreciate what I can give. Yung hindi kukuwestiyunin or hindi ka hahanapan ng kakulangan. Hindi ka hahanapan ng butas or pagkakamali," says John Lloyd Cruz, who recently admitted his relationship with Shaina Magdayao (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results