Aga Muhlach teams up with Ai-Ai delas Alas for the first time in M3

Ruby dela Rosa
Thursday, June 24, 2010 @ 06:01PM  |  14312 views

 

During the press conference of ABS-CBN's upcoming comedy series M3, Aga Muhlach was teased about his young co-stars Megan Young and Niña Jose. Aga gamely answered the questions, however, he said it's just pure work on the set. "There's nothing wrong, parang its normal," says Aga on being paired with younger actresses.

Photo By: Noel Orsal













Makalipas ang dalawang taon, nagbabalik ang matinee idol na si Aga Muhlach sa telebisyon sa pamamagitan ng romantic-comedy TV series na M3 o Malay Mo Ma-develop. Ang kanyang huling TV project ay That's My Doc na nagtapos noong 2008.

Sa press conference ng M3 kahapon, June 23, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press kung naninibago ba siya ngayon dahil medyo natagalan bago nasundan ang kanyang huling proyekto.

"Yeah, ako, well, naninibago ako sa time. Sa una, yung taping hanggang umaga, kaya lang after a while maka-dalawa't tatlong puyat ako, parang naalala ko na yung mga ginagawa ko noon. Still the same, you know, it's still the same. Kung baga, mas mainit lang ngayon, mas mainit kasi sa studio walang pawis, e!" natatawang sagot ni Aga.

Patuloy niya, "E, ang taping kasi, ang location mainit talaga. Although ang bait naman nila kasi binibigyan nila ako ng trailer. Tapos yung aircon, tapos yung set, kunyari yung apartment na-dilapidate na, ganyan, nilalagyan nila ng aircon, kaya malamig."

Makakasama ni Aga sa M3 ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.  Gayundin sina Megan Young, Niña Jose, Mika dela Cruz, Jairus Aquino, Noel Trinidad, at Jojo Alejar. Ang kanilang direktor ay si Jeffrey Jeturian.

AGA'S LEADING LADIES. Ayon kay Aga, "nakaka-tense" si Ai-Ai kumpara sa ibang mga nakapareha niya.

"Ano siya, e, okay siya sa open, okay siya sa open relationship daw. So, ganon lang siya, tanggap niya kahit ano. Hindi naman daw niya sisirain ang pamilya ko, yun ang mga pangako niya. Pero 'wag daw akong padalus-dalos dahil basta open nga siya," nakangising sabi ni Aga.

"So, 'yon ang kaibahan dito," patuloy niya, "medyo nakaka-tense ng konti.  Kasi, malay mo nga, hindi mo masabi, Malay Mo Ma-develop, malay mo malaman n'yo magkamag-anak pala kami, di ba? E, di maganda naman. Basta masaya, maganda, masarap siyang kasama. Nagpapasalamat ako na ganun nga nangyari, yung nasa isip ko, tamang-tama, eksaktong-eksakto, mas sobra pa nga yata sa dalawa."

Madali rin daw kaeksena si Ai-Ai pagdating set. Sabi ni Aga, "She's great! Kumbaga, great actor. Kapag nagte-take nga kami, wala nga kaming rehearsal. Nagba-blocking lang kami, tapos rehearse. Sa unang take namin, lumalabas na kasi. Kasi, minsan sa taping inaabot na kayo ng umaga, kailangan n'yo matapos na. Susunod na eksena namin, kunwari five scenes, sunod-sunod na take namin. Nagagawa naman namin, kasi yung reaksiyon niya nang tama.

"Kapag nagkaeksena kayo, alam mo kung saan siya pumupunta, alam mo rin kung ano'ng sususnod mong sasabihin. Hindi ka mawawala sa linya mo dahil naiintindihan mo yung sinasabi, gano'n."

Handa na rin daw ang multi-awarded actor kung sakaling may gawing kapilyahan itong si Ai-Ai sa kanilang set, lalo na kung wala ito sa script.

"Okay lang, open lang kami diyan," sabi ni Aga. "Basta sa trabaho lang 'yon, gano'n lang 'yon. Ganun din naman ako. Malay mo rin sa mga pinaggagawa ko rin. At saka nagkakaintindihan naman kami kapag nag-eeksena kami. Alam namin kung paano mangyayari, kung anong dapat namin gawin at ano yung hindi dapat."

Bukod kay Ai-Ai, makakapareha rin ni Aga sa M3 ang young actress na si Megan Young. 

Para kay Aga, hindi naman problema kung maipares siya sa mga mas nakababatang aktres. 

Paliwanag ng 40-year-old actor, "People naman know that I'm a grownup, you know. But if I'm paired sa mga gano'n, parang okay lang. There's nothing wrong, parang it's normal. Ang hindi lang normal talaga is when you look at them at 4 in the morning, talaga sinasabi ko yung mga kutis talaga nila, parang...  Talagang hanep, talagang naka-ganon [stretches his face]. Tayo gumagano'n [stretches his facial skin downward], sila ganyan (stretches his facial skin horizontally]. Galing, nakakatawa. Parang iisipin mo, iba talaga ang youth."

1  2  Next »

Related Articles

26 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name