Sa pilot episode pa lang ng Endless Love sa Lunes, June 28, ay mapapanood na si Janice de Belen bilang si Suzy, ang tunay na ina ni Marian Rivera.
Sa tingin namin, hindi ito ang mga karaniwang roles na na-stereotype na kay Janice. May pagkabungangera kasi ang character niya dito. Pero ipinaliwanag ng aktres sa press conference ng Endless Love sa Barrio Fiesta last Wednesday, June 23, hindi naman daw masasabing kontrabida siya, lalo na sa buhay ni Marian sa serye.
Sabi niya, "Kasi, konti lang ang nakita niyo. Yun ang tingin niyo, masama ako, pero hindi naman ako masama. Given the situation na economic. Isipan mo ng back story, yun ang buhay namin, e. Kung ano lang ang alam mo na pagbibigay na pagmamahal. Hindi naman ako masama and in the weeks to come, maiintindihan niyo ang sinasabi ko. Pero kung ito lang talaga ang alam mong ways na magmahal sa tao, e, yun lang ang ibibigay ko. Pero sabi nga nila, kung ano ang kinalakihan mo, yun ka. Totoo yun."
BACK TO ACTING. Mukhang dirediretso na ang pagbabalik niya sa pag-arte, unlike before na parang ayaw pa niya.
"Ina-avoid ko naman siya dati kasi natatakot ako baka hindi ko na kayang magpuyat. Nakakatakot ang schedule. Noon nga, yung Darna, patapos pa lang kami, kakagising ko lang, Darna na naman bukas," natatawa niyang kuwento.
"Siyempre, medyo takot ako sa oras. At saka, hindi ko alam kung marunong pa akong umarte or kung marunong pa akong mag-memorize ng line. Totoo yun, ha! Totoo for me ang fear na yun. Hindi ko alam kung marunong pa akong mag-blocking, yung mga ganoong worries."
Pero nang subukan daw niya uli, "okey naman pala. Na-miss ko."
Sumikat nang husto si Janice noong bata pa siya dahil sa Flordeluna, ang soap operang pinagbidahan niya na nagtagal sa telebisyon ng mga siyam na taon. Kapag nakakapanood siya o gumagawa ng serye ngayon, may nakikita bang siyang pagkakaiba?
"Iba yung soap opera namin dati at iba na rin ngayon... mas daring, mas mabilis ang pacing kapag pinapanood mo. Dati kasi, yung isang problema puwedeng patagalin nang matagal na matagal. Ngayon, feeling ko, in one week, dapat may ma-resolve na."
FIRST-TIME GRANDMA. Isang bagong kabanata sa buhay ni Janice ngayon ay ang pagiging first-time grandma niya nang manganak noong May 16 si Patricia Petil, ang asawa ng panganay na anak na si Angelo Luigi Miguel Muhlach, better known as Igi Boy, ang lovechild nila ni Aga Muhlach.
May mga tips ba siyang ini-impart sa mga bagong magulang?
Natatawa lang siyang sumagot, "Well, as much as possible, I tried to minimize the giving of my tips. Kasi, alam mo, ayokong maging stereotype na pakialamerang lola or pakialamerang mother-in-law because when I was in that situation, I wanted a little freedom... kasi, paano mo malalaman kung ang dami-rami mong naririnig. So, I give yung konti lang kapag nagtanong... ayokong maging pakialamera, promise!" Kahit na raw, dugtong niya, "effort yung hindi ka masyadong magsalita."
Madalas naririnig na iba raw kapag apo na. Mas iba raw ang excitement at kasiyahan sa isang lola. Ganoon din ba ang pakiramdam niya?
"Iba kapag lola. Pero, it's the same thing. The same anticipation you have for your children. It's just the same thing. I think, yung sinasabi nilang double anticipation is because, partly, there's worry kung sinuman doon yung anak mo. Kung lalaki or kung babae ang anak mo. Partly, there's worry. There's always this, gusto mong makita ang reaction ng anak mo."
Nandoon daw sila noong gabing nag-umpisa na ang contractions ni Patricia, pero dahil nagtagal daw ang labor, umuwi muna sina Janice. Pagbalik nila, nakapanganak na ang manugang niya.
Tinanong namin si Janice kung ano ang nakikita niyang difference kay Igi Boy ngayong ama na ito, at noong binata pa, lalo na't may mga lumabas noong balita na hindi ito masyadong nagseseryoso, tulad sa pag-aaral niya?
"Alam mo, nagulat ako... nagulat ako. Hands-on siya. He tried to be as hands-on. In fact, noong umpisa, parang feeling ko, nakikipag-unahan pa siya sa asawa niya na lumapit sa anak nila. Tipong, 'Baka gusto mo namang iabot sa nanay 'yang anak mo.' Nae-excite siya, e," natatawang sabi ng bagong lola.
May sariling bahay daw sina Igi at Patricia at ang kanilang baby boy na si Alejandro Miguel Muhlach.
NO COMMENT ON EX-HUSBAND. Kapansin-pansin naman na kung gaano katsika si Janice sa kahit anong itanong sa kanya, biglang nag-iba ang timpla nang tanungin naman siya tungkol sa ex-husband na si John Estrada. Nang kamustahin namin kung okey na ba ang relationship nila, parang naging automatic na ang mga sagot niya.
"Huwag na natin siyang pag-usapan," mabilis niyang sabi. "Wala naman siya, kaya huwag na natin siyang pag-usapan."
Ikakasal na raw ito sa Brazilian girlfriend na si Priscilla Meirelles.
"Huwag na natin siyang pag-usapan. Ganito lang yun, whatever he has chosen to do with his life and whatever I have chosen to do with my life, e, okey na yun."
Pero when it comes to their children, open ba ang communication nila ni John?
"Huwag na nating pag-usapan ang feelings ng mga anak ko dahil okey naman kaming lahat. Okey kami ng mga anak ko," natatawa niyang sabi.
HAPPINESS FROM WITHIN. Kumusta naman ang lovelife niya?
"Nagpapa-audition pa. Hindi pa nag-i-start ang audition. Magpapa-audition pa lang," biro niya.
Marami na bang nakapila for audition?
"Hindi ko tsinek," natatawa niyang sabi.
Happy ba siya being single ngayon?
"Alam niyo, my happiness should not depend on a person. I think, my happiness should come from within. At yung happiness ng tao, walang kinalaman kung may boyfriend siya ngayon, kung may pag-ibig siya ngayon. Dapat yung happiness, bago pa mangyari ang lahat ng mga ganito ay may happiness ka na sa sarili mo. Dapat happy ka sa sarili mo para maging happy ka sa kung anuman."
Di ba siya umaasa na one day, makikita rin niya ang lalaking makakasama niya for the rest of her life?
"Sino ba naman ang gustong tumandang mag-isa, siyempre wala. Kaya lang, ano ba gagawin ko, alangan namang makipagpilitan ako. Sabi ko nga, I think, it's the time that I'm starting to realize part of the dream na hindi ko nagawa noon.
"Mas marami kasi akong gustong gawin ngayon. Mas maraming, first, I want to really further pa my cooking." May popular cooking show si Janice sa NET 25 na pinangalang Spoon.
"I want to be able to travel more now, ngayong medyo malalaki na ang mga anak ko. Gusto kong i-enjoy yung mga ganoon at gusto kong mag-aral ng cooking pa if I can. So, yun na lang muna."
