news

Marco Alcaraz says he holds no rancor towards former manager

by Rommel Gonzales posted on June 26, 2010  STATS: 354 Views | 10 Comments

 

"Ako naman thankful rin naman ako sa ginawa niya sa akin, sa nangyari sa career ko, sa trabaho. Well, siguro it's time to move on, you know, a new chapter ng career natin," says Marco, whose breakup with talent manager Arnold Vegafria was less than ideal.

 

Photo By: Noel Orsal

Isang masayang Marco Alcaraz ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Barrio Fiesta sa SM Megamall noong Miyerkules, June 23, pagkatapos ng pilot episode showing ng Endless Love sa Cinema 1.

Tuwang-tuwa si Marco dahil muntik nga siyang di makasama sa bagong soap opera ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. At the time na nagkaroon ng ganitong balita, si Arnold Vegafria pa ang manager niya, at isa raw ito sa mga rason kung bakit nagkalabuan sila.

"Siyempre happy ako na part ako ng Endless Love na isang magandang project sa 60th year ng GMA," unang sinabi ni Marco sa PEP. "At alam natin na yung Endless Love na patok na patok before sa Pilipinas, yung Koreanovela na iyon. 'Tsaka siyempre it's DongYan [Dingdong at Marian], and with an all-star cast, and being a part of the cast siyempre happy ako and I'm proud of it.

"Siyempre ipinagdasal ko na lang na kung ano ang mangyari, na if it's really for me, you know, na kung para sa akin..."

Medyo philosophical nga ang pagtanggap ni Marco noong akala niyang mawawala sa kanya ang project.

"Kasi sa industriya naman natin, lalo na sa  mga artista, kahit yung iba nga diyan, nag-presscon na, may kontrata na, minsan hindi natutuloy. Sabi nga nila kahit nag-taping ka na, hindi pa natutuloy, so iyon, expect lang ako na kung matuloy, matuloy, kung hindi, e, di hindi. Si Lord na ang bahala kung ano ba talaga," sabi ni Marco.

NOTHING AGAINST FORMER MANAGER. Ang bagong manager ngayon ni Marco ay si Noel Ferrer na manager rin nina Ryan Agoncillo, Joross Gamboa at Bayani Agbayani, among others.

Kumusta naman si Noel bilang manager?

"He's okay, he's not promising anything, pero sobrang bait lang. Alam mo yung pag may problema ako, puwede ko siyang matawagan, parang kuyang-kuya ang dating ni Sir Noel."

Hanggang ngayon ay di pa rin nagkukrus ang landas nila ng dating manager na si Arnold. Kahit sa text man lang ay wala pa raw silang komunikasyon. Pero kung sakali mang magkita sila, babatiin naman daw niya ito ng "hi-hello, kumusta, iyon lang..."

Di naman daw kasi siya galit o nagtatampo sa dating manager.

"Hindi naman galit. Wala lang, wala lang. Maituturing ko siyang kaibigan pa rin pero alam mo yung kaibigan lang, ganun... Hahaha! Tampo? Well, ano naman, e, ako naman thankful rin naman ako sa ginawa niya sa akin, sa nangyari sa career ko, sa trabaho. Well, siguro it's time to move on, you know, a new chapter ng career natin."

At kung maibabalik ang panahon, magpapa-manage pa rin daw siya kay Arnold. "Oo naman, oo naman, why not?"

HOW IT ALL STARTED WITH LARA. Samantala, isa lang ang maisasagot ni Marco tungkol sa lovelife niya: "Happy!"

Ngayon ay very open na sila ni Precious Lara Quigaman tungkol sa kanilang relasyon. Medyo matagal din bago sila umamin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  spicy1029

    06/27/2010 | 12:59 PM
    endless bukas na! hihi excited!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • clairee

    06/27/2010 | 12:25 PM
    endless love bukas na...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rustanthony2186

    06/27/2010 | 04:28 AM
    ok yun lang. wala bago sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • nethmsi

    06/27/2010 | 12:02 AM
    cute sya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ak1nna

    06/26/2010 | 10:41 PM
    ang lakas talaga dating nya gwapo sya lalakeng lalake tingnan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • TrueColours

    06/26/2010 | 08:17 PM
    HAhahaa!! Hoy! Linggo pa lang Bukas!! masyado kang excited dyan sa Endless Love nyo!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cutestcharlz143

    06/26/2010 | 07:44 PM
    Marco ALcaraz.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cutestcharlz143

    06/26/2010 | 07:43 PM
    ENDLESS LOVE, BUKAS NA! FULL SUPPORT KAMI DITO!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • spicy1029

    06/26/2010 | 06:58 PM
    endless love, bukas na!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sapulasaputi

    06/26/2010 | 06:49 PM
    e
    n
    d
    l
    e
    s
    s
    love
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About