PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Alcaraz says he holds no rancor towards former manager

Marco talks about how he courted Precious Lara Quigaman.
by Rommel R. Llanes
Published Jun 26, 2010
"Ako naman thankful rin naman ako sa ginawa niya sa akin, sa nangyari sa career ko, sa trabaho. Well, siguro it's time to move on, you know, a new chapter ng career natin," says Marco, whose breakup with talent manager Arnold Vegafria was less than ideal.

Isang masayang Marco Alcaraz ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Barrio Fiesta sa SM Megamall noong Miyerkules, June 23, pagkatapos ng pilot episode showing ng Endless Love sa Cinema 1.

Tuwang-tuwa si Marco dahil muntik nga siyang di makasama sa bagong soap opera ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. At the time na nagkaroon ng ganitong balita, si Arnold Vegafria pa ang manager niya, at isa raw ito sa mga rason kung bakit nagkalabuan sila.

"Siyempre happy ako na part ako ng Endless Love na isang magandang project sa 60th year ng GMA," unang sinabi ni Marco sa PEP. "At alam natin na yung Endless Love na patok na patok before sa Pilipinas, yung Koreanovela na iyon. 'Tsaka siyempre it's DongYan [Dingdong at Marian], and with an all-star cast, and being a part of the cast siyempre happy ako and I'm proud of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre ipinagdasal ko na lang na kung ano ang mangyari, na if it's really for me, you know, na kung para sa akin..."

Medyo philosophical nga ang pagtanggap ni Marco noong akala niyang mawawala sa kanya ang project.

"Kasi sa industriya naman natin, lalo na sa mga artista, kahit yung iba nga diyan, nag-presscon na, may kontrata na, minsan hindi natutuloy. Sabi nga nila kahit nag-taping ka na, hindi pa natutuloy, so iyon, expect lang ako na kung matuloy, matuloy, kung hindi, e, di hindi. Si Lord na ang bahala kung ano ba talaga," sabi ni Marco.

NOTHING AGAINST FORMER MANAGER. Ang bagong manager ngayon ni Marco ay si Noel Ferrer na manager rin nina Ryan Agoncillo, Joross Gamboa at Bayani Agbayani, among others.

Kumusta naman si Noel bilang manager?

"He's okay, he's not promising anything, pero sobrang bait lang. Alam mo yung pag may problema ako, puwede ko siyang matawagan, parang kuyang-kuya ang dating ni Sir Noel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay di pa rin nagkukrus ang landas nila ng dating manager na si Arnold. Kahit sa text man lang ay wala pa raw silang komunikasyon. Pero kung sakali mang magkita sila, babatiin naman daw niya ito ng "hi-hello, kumusta, iyon lang..."

Di naman daw kasi siya galit o nagtatampo sa dating manager.

"Hindi naman galit. Wala lang, wala lang. Maituturing ko siyang kaibigan pa rin pero alam mo yung kaibigan lang, ganun... Hahaha! Tampo? Well, ano naman, e, ako naman thankful rin naman ako sa ginawa niya sa akin, sa nangyari sa career ko, sa trabaho. Well, siguro it's time to move on, you know, a new chapter ng career natin."

At kung maibabalik ang panahon, magpapa-manage pa rin daw siya kay Arnold. "Oo naman, oo naman, why not?"

HOW IT ALL STARTED WITH LARA. Samantala, isa lang ang maisasagot ni Marco tungkol sa lovelife niya: "Happy!"

Ngayon ay very open na sila ni Precious Lara Quigaman tungkol sa kanilang relasyon. Medyo matagal din bago sila umamin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre, at first hesitant ako dahil hindi ko pa alam kung paano mag-handle ng isang relationship sa showbiz na maraming fears. Like for example, paano mo haharapin sa media, mga ganun. Siyempre maraming maninira, so iyon."

Anong nagustuhan niya kay Lara?

"Siyempre lahat! Like hindi ko ini-expect na ganoon pala siya kabait, ganoon siya ka-caring, understanding, and pareho kami na cowboy lang. Puwede mo siyang dalhin sa magandang restaurant, puwede mo siyang dalhin sa mga tabi-tabing mga restaurants."

Si Valerie Concepcion daw ng Wowowee ang naging tulay sa pagiging magkasintahan nila. Nang maging co-host sa show si Lara, nakahanap si Marco ng paraan kung paano siya makikilala.

"Actually, before pa talaga, crush ko na talaga siya, sa TV, ganun," kuwento ni Marco. "Then finally... si Valerie kasi close friend ko, so hiningi ko yung number ni Lara. Then yung una pa-text-text, hindi siya nagre-reply kasi may boyfriend siya.

"Nung break na sila nung boyfriend niya, dahan-dahan nagre-reply minsan. Then niyaya ko si Val, 'Tara, labas tayo, group date,' ganun. So hangang ayun, nabigyan ako ng chance na magkakilala kami, so nag-start na sa friendship na nag-blossom into a magandang relationship, iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TALKING ABOUT THE "M" WORD. Masarap ba na ang GF ay isang Miss International title-holder?

"Actually it's a plus na lang yun, e, yung beauty queen siya... pero totoong tao lang talaga si Lara talaga."

Ang pinakamagandang factor sa relasyon daw nila ay "yung nagtutulungan kami. I mean like she inspires me to work. Sabi naman niya, nai-inspire ko rin siya... She inspires me to work, na nung natengga ako for a while, nagwo-work out para magpaganda ng katawan. So iyon, suporta lang muna."

May mga one year na rin silang magkarelasyon. Napapag-usapan na ba nila ang kasal?

"Ah, sabi nga ni Dong, seryosong bagay 'yan, so one step at a time... Kaya hindi pa siguro, one step at a time muna. Nasa first year pa lang kami ng relationship namin so dahan-dahan lang muna, mas kinikilala muna namin ang isa't isa.

"Nagpa-pop up minsan kasi siyempre tumatanda na rin tayo so minsan-minsan napag-uusapan pero ngayon, nag-e-enjoy muna like yung first year ng relationship na sweet-sweet na kilig-kiligan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero si Lara na ang gusto niyang mapangasawa?

"Sana , sana..." sagot ng binata.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako naman thankful rin naman ako sa ginawa niya sa akin, sa nangyari sa career ko, sa trabaho. Well, siguro it's time to move on, you know, a new chapter ng career natin," says Marco, whose breakup with talent manager Arnold Vegafria was less than ideal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results