If you've been missing some of the Streetboys, our vacationing contributor found out where they are.

 

Photo: Arnel Quiambao

Kaya wala sa sirkulasyon sa ngayon ang ibang members ng Streetboys ay dahil nasa Singapore ang mga ito!

Galing kami sa naturang bansa,  from June 18 to 21, para magbakasyon at sa pagpunta namin sa Universal Studios Theme Park, isa sa mga sikat na tourist attractions doon, nakita namin at personal na napanood ang ilan sa mga miyembro ng sikat na dance group.

Super-applauded ng mga Singaporean at turista ang dance numbers nila. Ang leader yata nila doon ay si Meynard Marcellana dahil siya ang may hawak ng mikropono at nakikipagtsikahan sa audience.

At siyempre pa, hindi nagpatalo ang mga Pilipino na nanonood sa Streetboys dahil pinakamalakas ang sigawan at palakpakan ng ating mga kababayan sa bawat performance nina Meynard.

Kasama naming tumungo sa Universal Studios Theme Park ang aktres na si Sylvia Sanchez, ang mister nitong si Art Atayde at ang buong pamilya nila, at ang manager ni Sylvia na si Cornelia Lee na mas kilala bilang si Tita Angge.

During their performace, in-acknowledge nina Meynard sina Tita Angge at Sylvia.

Ang ibang miyembro ng Streetboys ay may aktibong career pa dito sa Pilipinas, tulad nina Jhong Hilario at Vhong Navarro.