As far as Kris Aquino is concerned, her marriage with basketball player James Yap "is over."
Ito ang isiniwalat ni Kris, 39, sa kanyang pahayag sa The Buzz kaninang hapon, June 27, na siya ring huling araw niya bilang co-host ng programa.
Binasag ni Kris ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang linggong haka-haka tungkol sa totoong estado ng kanilang pagsasama ni James, 28.
Sa kanyang Twitter entry noong June 16 ay inamin ni Kris na nakaapekto sa kanilang pagsasama ang nakaraang presidential elections, kung saan ay tumakbo at nanalo ang kuya ni Kris na si Noynoy Aquino bilang Presidente.
Sa isang panayam naman noong June 22 ay kinumpirma ng kaibigan at co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na umalis na ng kanilang tahanan si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Baby James. (CLICK HERE to read related story.)
Pagkatapos nito ay pinili ni Kris na manahimik muna tungkol sa pinagdadaanan nila ni James. Hanggang sa magsalita nga siya kanina sa The Buzz upang ipaalam na sumuko na siya sa pagsasama nila ni James bilang mag-asawa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pagsasama nina Kris at James, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang balikang mangyayari.
"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," sabi ni Kris.
Nilinaw ni Kris na hindi ito isang biglaang desisyon.
"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work," pahayag niya.
Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Kris sa sinapit ng kanilang pagsasama ni James. Ang tanging may karapatan lamang daw na humingi ng pagpapaliwanag ay ang anak nila na si Baby James.
"Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son," saad ni Kris.
Dagdag niya, "The worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him."
Pinili raw ni Kris na manahimik muna tungkol sa isyu hindi dahil sa nalalapit na inauguration ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino sa June 30.
"My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today," saad niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
404 ike
403 ak1nna
402 lheeza_sj
401 zama_jap
glen_nedz
June 28, 2010
16:58 PM
------------
Agree!..ke mahal mahal ng annulment aty ang tagal tagal ng proseso..sana naman magkaroon na ng divorce sa pilipinas..wag na sanang tumanggi ang simbahan about this kc karamihan ang babae ang nagdurusa sa nga ganitong bagay..
400 atkinson
What the Philippines need is a DIVORCE. Let the men pay for child support, alimony and when needed, spousal support. Tignan niyo ang mauunlad na bansa, may divorce.
399 atkinson
What the Philippines need is a DIVORCE. Let the men pay for child support, alimony and when needed, spousal support. Tignan niyo ang mauunlad na bansa, may divorce.
398 aypakawanem
397 glen_nedz
396 beca3677
395 glen_nedz
394 imnotu
393 flyingcarpet
392 jacko143
391 Migsybabe
SHOW-MY Ni Salve Asis Pilipino Star Ngayon Updated June 28, 2010 12:00 AM
Tatlo ang rason na ibinigay ng super reliable source na insider ng Dos kung bakit lumala ang away ng mag-asawang Kris Aquino and James Yap.
No. 1 – Nanghingi ng favor si James na kung puwede raw sanang tulungan ni Kris ang kapatid niyang nurse para makakuha ng US visa at makapagtrabaho sa abroad. Pero parang na-misinterpret daw ni Kris at nagalit.
Sagot daw nito sa asawang basketbolista, hindi sila ganun na parang gumagamit ng connection.
Nurse ang nasabing kapatid ni James na sa bahay nilang mag-asawa nakatira habang nag-aaral.
No. 2 – Nagalit si Kris kay James dahil nagpaalam ito na dadalaw sa kamag-anak sa Negros na hindi kakampi ni P-Noy nang kumandidato.
Ayaw daw ni Kris at hindi pinayagan.
No. 3 – Nawala na rin ang closeness nina James at Joshua kaya talagang mainit na raw an
390 atkinson
389 purongpilipinoako
388 timito
387 kukukiko
386 dimple28
385 ordinaryblue
more comments