news

Kris Aquino says marriage with James Yap "is over"

by Glen P. Sibonga posted on June 27, 2010  STATS: 218328 Views | 584 Comments

 

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work. On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," says Kris Aquino about her marriage with James Yap.

Photo By: Noel Orsal

As far as Kris Aquino is concerned, her marriage with basketball player James Yap "is over."

Ito ang isiniwalat ni Kris, 39, sa kanyang pahayag sa The Buzz kaninang hapon, June 27, na siya ring huling araw niya bilang co-host ng programa.

Binasag ni Kris ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang linggong haka-haka tungkol sa totoong estado ng kanilang pagsasama ni James, 28. 

Sa kanyang Twitter entry noong June 16 ay inamin ni Kris na nakaapekto sa kanilang pagsasama ang nakaraang presidential elections, kung saan ay tumakbo at nanalo ang kuya ni Kris na si Noynoy Aquino bilang Presidente.

Sa isang panayam naman noong June 22 ay kinumpirma ng kaibigan at co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na umalis na ng kanilang tahanan si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Baby James. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos nito ay pinili ni Kris na manahimik muna tungkol sa pinagdadaanan nila ni James. Hanggang sa magsalita nga siya kanina sa The Buzz upang ipaalam na sumuko na siya sa pagsasama nila ni James bilang mag-asawa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pagsasama nina Kris at James, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang balikang mangyayari.

"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," sabi ni Kris.

Nilinaw ni Kris na hindi ito isang biglaang desisyon.

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work," pahayag niya.

Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Kris sa sinapit ng kanilang pagsasama ni James. Ang tanging may karapatan lamang daw na humingi ng pagpapaliwanag ay ang anak nila na si Baby James.

"Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son," saad ni Kris.

Dagdag niya, "The worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him."

Pinili raw ni Kris na manahimik muna tungkol sa isyu hindi dahil sa nalalapit na inauguration ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino sa June 30.

"My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today," saad niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

584 Comments

  • 364  globalpinay

    06/28/2010 | 12:52 PM
    What can I say, Kris did it again. What better way to exit than this.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 363  flawsfinder

    06/28/2010 | 12:46 PM
    kris u read a lots of books but i think u r not reading d bible
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 362  phillymom2010

    06/28/2010 | 12:37 PM
    Sayang naman, pero sa panahon ngayon kung stress lang palagi dala nang relasyon, after trying hard to make it work, segi na, let it go na, okay lang naman yan kasi kaya naman niya buhayin mga anak niya kahit walang asawa, just like Ai-Ai, ang masakit lang naman kung pagnaghiwalay sila tapos hahabol pa si Kris nang sustento... sad, pero Ms Kris, im praying that you become much better than what you are now, keep the faith.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 361  yyldramm

    06/28/2010 | 12:27 PM
    nsan na ung pinangakong quot;church weddingquot; nung bago nmatay c president cory?..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 360  imbestigador007

    06/28/2010 | 12:24 PM
    May TV Special na gagawin ang ABS-CBN sa Hiwalayan nina Kris at James,Ang Working title ay :

    WELCOME TO SINGLEHOOD : The Kris-James Annulment Special
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 359  imbestigador007

    06/28/2010 | 12:20 PM
    Karma lang ito kay James.

    May mga Balita kasi na may Nabuntis siyang babae bago pa niya pakasalan si Kris.

    Pasalamat siya,Hindi siya ginugulo ng babaeng yun
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 358  humm3rgirl

    06/28/2010 | 12:16 PM
    baka naman puro ka na lang trabaho Miss Kris at nakalimutan mo na ang papel bilang may asawa, nakakapanood pa ba kayo ng movie or TV together? I know super workaholic ka, kaya maybe pag-nasa bahay ka ay puro tulog ka lang, baka wala ka ng time gumising para samahan si James sa bfast or lunch, then maybe poor ang communication nyo dahil nga super busy at pagod ka, tignan mo si Miss sharon or at lalo na si Charlene - mas binigyan nila ng pabor ang pagiging may bahay at ina, para hindi masira ang marriage, I don't know kung naandoon ka para kay James sa paglalaro nya bilang isang inspirasyon nya esp, sa finals, u should be cheering him up, at kung sakaling may mga babaeng sumusira ng relasyon nyo, yun ay dahil siguro wala ka sa tabi ni James during his games dahil super dooper busy ka sa trabaho kaya nagkakaroon ng chance ang mga bababe na to to ruin your marriage, para sa akin di mo naman na kalaingang magtrabaho ng husto dahil super rich ka na at super famous ka na, sa mga famous celeb na nakilala ko, ikaw lan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 357  imbestigador007

    06/28/2010 | 12:14 PM
    Luma na ang issue na ito,Matagal nang hiwalay sina Kris at James.

    In fact,24 Hours matapos nilang magpakasal,Hiwalay na sila,Ngayon lang sinabi ni Kris para Magpapansin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 356  dulcinea

    06/28/2010 | 12:11 PM
    291
    gata_salvaje
    June 28, 2010
    09:59 AM

    just read sa philstar ngayn, sa showbiz portion ... by salve asis ... browse mo na lang ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 355  kainistalaga

    06/28/2010 | 12:07 PM
    Parang ang hirap kasing mag-worked ng marriage like them eh. Gusto ni James ang asawa niya yong sinisilbihan siya. Sana yong kapitbahay na lang namin ang napangasawa niya. Yong tipong walang magawa sa buhay. It's good that it's over. Kris deserves someone na mas malawak ang pang-unawa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 354  prettyasian

    06/28/2010 | 12:05 PM
    yes we cant have everything in life..and kris is just a good example that someone cant be perfectly happy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 353  cokey123

    06/28/2010 | 12:04 PM
    buti nga kris hiniwalayan mo si james...babaero kc... sooner or later malalaos na rin yan sa basketball wala na rin pwedeng maipagmalaki yan...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 352  akopinayski

    06/28/2010 | 12:01 PM
    gosh! gusto raw niyang maging quiet, pero ang daming sinabi. ano kaya ang nagawa ni James this time at ganito na lang ang pinagsasabi niya - subtle pero grabeng mga statement, inapakan na talaga si James. remember Kris na James is still the father of your son. sana nga, nag-quiet ka na lang at hindi mo na ginamit na paulit-ulit si Baby James. Just say na it's over!!! period!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 351  peach_n_plum

    06/28/2010 | 12:00 PM
    I symphatize with Kris. Sana lang she changes her mind sa pagsuko sa kanyang marriage. Habaan sana niya ang pisi niya. Kawawa naman ang anak nila. I don't like Kris but when we talk about marriage, we cannot rejoice when one falls out. She can have a million reason why she is surrendering her marriage. Pero I think, forgiveness is the best answer in everything.

    Sana lang Kris, don't give up! This is my prayer for you....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 350  mironmiron

    06/28/2010 | 12:00 PM
    Eh bakit c Kris lang ba ang iba-iba ang tatay ng anak? Ganun din c Sharon, Vilma, Aiko, Janice, Melanie Marquez.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 349  indiahenretta

    06/28/2010 | 11:51 AM
    That's okay lang Kris, lahat naman tayo may pagkaka mali sa buhay, basta ba hindi ka nag aagaw ng asawa and besides sa mga tao na galit kay Kris kahit 10 pa ang maging asawa ni Kris, wala na tayong paki alam doon. Hindi naman kayo iniistorbo ni Kris, kung hindi ninyo type si Kris, sorry na lang kayo, basta Kris LOVE KA PA RIN NG MGA SCHOLARS MO. Hindi importante ang mga pag kakamali sa buhay, iyan ay mga pag subok lamang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 348  humm3rgirl

    06/28/2010 | 11:47 AM
    KRIS sana maisip nyo ni JAMES na ang pagmamahalan ay maramingnpinagdadaanan at naniniwala ako na ang isang dahilan para magtagal ang inyong pagsasama ay ang mahalin nyo at matutunang tanggapin nyo ang mga bagay na ayaw nyo sa isat isa. Sana maayos nyo pa, ang sinumpaan nyo sa isat isa ay for better or for worst, for rich or for poorer and for sickness and health, sana maayos nyo pa dahil pag-subok laang yan, isipin nyo rin si baby James - nakakaawa, parehas kayong buhay pa para ipagkait nyo anf isang bagay na mahalaga sa kanyang buhay, ang magkaroon ng amat ina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 347  tearhere

    06/28/2010 | 11:46 AM
    Its a marriage bound 2 fail from the start.Ang layo ng mundo nila,kinalakihan nila pati hilig nila.I remember Kris say,when she just turned 18,she wud prefer 2 marry a man whos more intelligent than her,kse gus2 nya may matutunan pa sya from her partner,un tipo mkkausap nya tlga..I dont thnk James is that man,maliban dun mas bata pa c James and papa-sikat pa lng xa sa PBA when he married Kris.Tpos may mga lumamapit pang babae kay James who are younger and prettier than Kris,its always been obvious na hndi pa ngssawa c James sa pgka-binata nya.Xempre lyk all other marriages,malungkot ang hiwalayan pero if it can bring peace of mind 2 both pipol involved eh mas mabauti na un kse ipilit pa sarili s isat isa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 346  showbizdak

    06/28/2010 | 11:45 AM
    ilan ba naghihiwalay sa showbiz but they don't magnify and exploit kundi they settle things privately? but no way, not krizzy. every single event pinipiga at elevated para maging headliner. you crave drama, krizzy kasi gusto mong mag-marinate sa sympathy of the naive masses and eat whatever you serve. the same zombies and fanatics who voted for the likes of erap, bong and jinggoy.

    charity begins at home. kahit gaano mo ka-giving sa iba, i-try mo ring maging compassionate sa asawa mo at mga anak kung anong destruction at instability ang maidudulot sa paghihiwalay.well, joey marquez is unattached so we can expect more controversies ahead.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 345  likelove

    06/28/2010 | 11:42 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About