news

Kris Aquino says marriage with James Yap "is over"

by Glen P. Sibonga posted on June 27, 2010  STATS: 218190 Views | 584 Comments

 

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work. On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," says Kris Aquino about her marriage with James Yap.

Photo By: Noel Orsal

As far as Kris Aquino is concerned, her marriage with basketball player James Yap "is over."

Ito ang isiniwalat ni Kris, 39, sa kanyang pahayag sa The Buzz kaninang hapon, June 27, na siya ring huling araw niya bilang co-host ng programa.

Binasag ni Kris ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang linggong haka-haka tungkol sa totoong estado ng kanilang pagsasama ni James, 28. 

Sa kanyang Twitter entry noong June 16 ay inamin ni Kris na nakaapekto sa kanilang pagsasama ang nakaraang presidential elections, kung saan ay tumakbo at nanalo ang kuya ni Kris na si Noynoy Aquino bilang Presidente.

Sa isang panayam naman noong June 22 ay kinumpirma ng kaibigan at co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na umalis na ng kanilang tahanan si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Baby James. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos nito ay pinili ni Kris na manahimik muna tungkol sa pinagdadaanan nila ni James. Hanggang sa magsalita nga siya kanina sa The Buzz upang ipaalam na sumuko na siya sa pagsasama nila ni James bilang mag-asawa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pagsasama nina Kris at James, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang balikang mangyayari.

"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," sabi ni Kris.

Nilinaw ni Kris na hindi ito isang biglaang desisyon.

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work," pahayag niya.

Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Kris sa sinapit ng kanilang pagsasama ni James. Ang tanging may karapatan lamang daw na humingi ng pagpapaliwanag ay ang anak nila na si Baby James.

"Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son," saad ni Kris.

Dagdag niya, "The worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him."

Pinili raw ni Kris na manahimik muna tungkol sa isyu hindi dahil sa nalalapit na inauguration ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino sa June 30.

"My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today," saad niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

584 Comments

  • 564  Scentedgarden123

    07/01/2010 | 09:14 AM
    Wala nang lalakeng pupulot kay kris, kung meron man, tikman lang siya, tapos iwan siya.Sa ugali niya, wala talagang makatagal na lalake sa kanya. nagtaka nga ako bakit siya pinakasalan ni James. Ang dapat sana sa kanya, maging old maid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 563  atkinson

    07/01/2010 | 05:28 AM
    Tinapos na ni Kris ang chapter ng buhay niya kay James. Siya na ang nag desisyon na iwan na si James at tapusin na ang relationship nila. Huwag na tayong lumihis sa issue. Yung mga taong ayaw kay Kris, hahanap at hahanap ng dahilan para siraan at pintasan si Kris. Kahit na pumasok pa si Kris sa kumbento at magmadre, sisiraan pa rin siya ng mga taong ayaw sa kanya. At yung mga taong nagmamahal kay Kris, kahit na ano pa ang pagkakamali niya, maiintindihan siya at patuloy na mamahalin. Nakikita sa mga comments dito kung sino ang mga Kris Haters.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 562  kainiskana

    07/01/2010 | 05:04 AM
    seasons, kaya nga siya toplister sa product endorsements, kasi nga gusto niya lagi siya ang headline. Di ba iyon ang gusto ng mga may ari ng produkto. Hindi siya magsu-survive pag walang publicities. Sa showbiz, the more visible you are kahit ano pa ang sama mo, ang mahalaga sikat ka. Being honest or transparent does not necessarily mean you are a good person. Pag may ulterior motive hindi na maganda. Doon siya kumikita. Well, at least nag-eenjoy tayong pag-usapan sila kasi we want to escape our own problems. Meaning, sila din palang mayayaman madaming problema.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 561  kainiskana

    07/01/2010 | 04:57 AM
    Second reason why she announced her break-up with James maybe to spite the latter para hindi maka-attend sa inauguration ni Pres. Noynoy.

    Syempre dapat kasama ang family or relatives, e ayaw niyang isama ang family ni James kasi mahirap lang sila.
    Seguro better off na rin si James without Kris para naman ma-feel niya na siya ang head of the family and hindi sunod-sunuran sa lahat ng kapricho ni Kris, na matalino nga pero hindi ginagamit ang isip bago ibuka ang bibig.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 560  kainiskana

    07/01/2010 | 04:54 AM
    Possible reasons of Kris' announcement about her marriage on the Buzz:
    1 Upon advice ni Boy Abunda or silang
    2 ni Kris, para gawing bongga ang
    last day niya sa The Buzz. Alam mo
    naman iyon gusto niya lagi siya ang
    first sa balita or gusto niyang
    ipaalam sa madlang people na alam
    niya lahat. Like iyong text ni
    Jinky sa kanya about Pacquiao, iyong
    mga kuwentuhan nila ni Kim Chiu
    na i-broadcast daw ba sa lahat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 559  kainiskana

    07/01/2010 | 04:50 AM
    sabagay, hindi naman attention-hungry ang family ni James, lalo na seguro na hindi sila naghangad ng yaman ni Kris.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 558  allyouloosers

    07/01/2010 | 04:40 AM
    kawawa naman family ni james yap. pati sila nadadamay. mga simpleng tao lang naman yun. di naman naghahangad ng kayamanan. marangal na pamumuhay lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 557  atkinson

    07/01/2010 | 03:21 AM
    Comment 547 - seasons

    You are so right.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 556  seasons

    07/01/2010 | 12:23 AM

    Being a huge-toplister sa product endorsements of the phils., an actress, talkmaster/showhosts with peak ratings in the past untill now, youngest daughter of Ninoy and Cory Aquino......needless to say: She doesnt need more publicities or attention at all. Being honest means to be transparent. The pinoys are not used to honest and transparent woman figure. Women and Men are hiding inside a hypocritic cloaks to pretend what they are not.
    We dont progress as people because of Hypocrisy and negative attitude against each other. THats it!

    Kris earned her money and fame quite hard. SHE must be free to decide how she would want to live
    and... with whom. Mr. Yap was not capable to trade his bals to gold!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 555  tweetsy_mnm

    06/30/2010 | 10:34 PM
    yun na nga! sa sobrang transparent nya, nakikita yung mga pangit niyang pag uugali!oo mukha silang magsasaka, pero alam mo ba na ang mga taong ito ang mas malapit sa diyos? yan ang mga totoong tao! hindi itinatago yung kadukhaan nila! hindi katulad ng mga mayayaman, ang pinipili nilang pakisalamuhan yung mga may kwarta rin. these attitudes are not pleasing to the Lord!mawawala tayong sa mundo at hindi natin madadala ang anumang yaman natin dito sa mundo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 554  IMaPeper2

    06/30/2010 | 08:54 PM
    Kris is right--there are 2 sides to every story. And it wouldn't be fair if we only got her side of the story.
    Pero WHY announce it before President Noynoy's inauguration? Why steal Noynoy's thunder?
    Dapat talaga may prenuptial agreement kung nakapag-ipon ka na ng pera and to secure your hard earned money bago ka ikasal. Don't fall for that drama that nakaka-insulto. Dapat ang paghatian lang ay yung properties acquired during
    the marriage. Since walang divorce sa Pilipinas at annulment lang ang meron, kung Null and Void ang marriage, like
    it never have happened, bakit may 50/50 division of properties pa rin no? It isn't fair talaga, pag walang prenuptial agreement, Kahit ikaw ang bumili ng property 100, with your own hard earned money, pagkatapos maghiwalay ka, the spouse
    owns half of that regardless. May kakilala akong babae bought a piece of land and paid 90 of the amount, while the spouse invested only 10. Once naipagbili ang land, 50/50 ang share by law.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 553  atkinson

    06/30/2010 | 06:27 PM
    Kasalanan ba ni Kris kung mukhang magsasaka ang pamilya ni James.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 552  atkinson

    06/30/2010 | 06:17 PM
    Hindi si Kris ang plastic...sa lahat ng tao, si Kris na yata ang pinaka transparent.

    Si James ang plastic....akala mo kung sinong maamong tupa sa harap, sa loob pala ang kulo.

    James....go away.....humanap ka ng pareho mong makitid ang utak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 551  ak1nna

    06/30/2010 | 06:09 PM
    korek pansin ko ni minsan ni nagpakita si kris ng pagmamahal sa pamilya ni james mas okay pa si shalani close na sila bakit kasi mayaman si shalani?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 550  Scentedgarden123

    06/30/2010 | 04:43 PM
    Talaga namang ang sama ng ugali ni kris .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 549  tweetsy_mnm

    06/30/2010 | 04:25 PM
    kaya kris, kung may lalaki man na susunod kay james magpakita ka ng respeto sa mga inlaws mo. siguro kung mayaman yung mga magiging inlaws mo ulibaka nga palagi mong babatiin sa tv. kris, please lang wag ka ng masyadong mag inarte sa harap ng camera. saka yung mga style mong tumatalikod ka sa harap ng camera at ipinapakita mo yung likod mo, SOBRANG KAARTEHAN MO!tapos nagbe beautiful eyes ka pa sa harap ng camera, ANO KA BA? DI NA BAGAY SAU NOH!matanda ka na, kay baby james lang bagay yan.now, that your brother is already proclaimed as pres. maghinay hinay ka na sa pagiging taklesa mo yung pagiging madaldal mo, yung pagiging maarte mo. all your sisters are well behave, unlike you! show your generosity, compassionate, educated without being so exaggerated infront of the camera. hinay hinay ang pag arte pag sa harap ka ng camera. wag matakaw sa nakaw eksena.dapat new kris na ang makikita sau but not plastic huh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 548  tweetsy_mnm

    06/30/2010 | 04:13 PM
    kung may kasalanan man si james siguro mas malaki ang kasalanan ni kris.everyone knows that she is a good mother but as a wife, i dont think so. yun lang wala kang respeto sa mga inlaws mo eh, malaking factor na yan para mapintasan ka. nuon sabi ng nanay ko, quot;no problem if you respect us less but show more respect and love to your inlawsquot;. that's why my inlaws love me so much. kung kayo ang nasa lagay ng magulang ni james, ano kaya ang mararamdaman nyo, na nakikita nyo si james na parang alalay na susunod sunod kay kris, tapos nakikita mo sa tv si kris, naalalang batiin lahat ng tao, pasalamatan or ibroadcast nya sa tv yung pagbibigay nya ng regalo kay ganito o kay ganyan tapos pagdating sa mga inlaws wala kahit kapiranggot na salita? nakakadismaya yun saka nakakasakit yun sa mga magulang ni james. kris is indeed generous and compassionate BUT, that is to other people but not in james' family!nakakasakit ng loob yun sa part ni james.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 547  Tyler11

    06/30/2010 | 01:37 PM
    Ay sus!!! Bakit walang pre-nup? Mas malaki naman ang kita ni Kris! Hala! Kaya pala binenta na lang nya ang bahay nila para hindi na mahabol ni James ang half! Tuso din pala ito si James.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 546  pinayntracy

    06/30/2010 | 01:37 PM
    It's really bad to wash your dirty linen in public like this wife I know, talk bad about her husband, that she is not contented with him she is high financed wife btw got a boyfriend who she thought is mucho dinero shame on her even though they are not yet separated or divorced. Then when she divorced and the boyfriend who is also a very much married guy obvious na binola bola lang sya, cannot provide for her economically and a roof over her head kasi foreclose na ang mga bahay nya bumalik din sa asawa even after divorce kasi ex-husband ay may bahay at sya wala. Kinain nya rin mga sinabi nya. Ngayon, she shut up talking about their married life. So low life! Wag akong subukin, pero when I turn my back on someone that's it kahit gumapang ako sa lupa di na ako babalik like her. No palabra de honor. You should use your head over your heart that's why it's positioned higher than the heart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 545  totallyfab

    06/30/2010 | 09:12 AM
    tweetsy mnm 486

    I totally agree with you! Hindi man nga lang mabangit-bangit ni Kris ang family ni James eh kahit nung pumunta sila sa Bacolod at Ilo-ilo nung kampanya. At kung mukhang pera si James sana ang ganda ng bahay nila sa Bacolod. Pero hindi ganun pa rin. Simple. Tingnan mo nga yung interview ng parents ni James sa Tv Patrol mahirap lang sila tingnan hindi nga naka damit ng bongang-bonga eh. Ganun pa rin!

    Kahit nga nung Hope issue sabi ng mga wives ng Purefoods players at kahit mismo coaches nila eh sinabihan si James na hiwalayan na si Kris kasi kung magssalita sa Tv akala mo pag-aari ang mundo at na-awa sila ke James na mabait na tao.

    I like Kris pero talagang bratty ito. At kung hindi man sila magkasundo at hiwalay na talaga di mabuti. But James Yap will always remained the man with a million moves!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About