As far as Kris Aquino is concerned, her marriage with basketball player James Yap "is over."
Ito ang isiniwalat ni Kris, 39, sa kanyang pahayag sa The Buzz kaninang hapon, June 27, na siya ring huling araw niya bilang co-host ng programa.
Binasag ni Kris ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang linggong haka-haka tungkol sa totoong estado ng kanilang pagsasama ni James, 28.
Sa kanyang Twitter entry noong June 16 ay inamin ni Kris na nakaapekto sa kanilang pagsasama ang nakaraang presidential elections, kung saan ay tumakbo at nanalo ang kuya ni Kris na si Noynoy Aquino bilang Presidente.
Sa isang panayam naman noong June 22 ay kinumpirma ng kaibigan at co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na umalis na ng kanilang tahanan si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Baby James. (CLICK HERE to read related story.)
Pagkatapos nito ay pinili ni Kris na manahimik muna tungkol sa pinagdadaanan nila ni James. Hanggang sa magsalita nga siya kanina sa The Buzz upang ipaalam na sumuko na siya sa pagsasama nila ni James bilang mag-asawa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pagsasama nina Kris at James, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang balikang mangyayari.
"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," sabi ni Kris.
Nilinaw ni Kris na hindi ito isang biglaang desisyon.
"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work," pahayag niya.
Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Kris sa sinapit ng kanilang pagsasama ni James. Ang tanging may karapatan lamang daw na humingi ng pagpapaliwanag ay ang anak nila na si Baby James.
"Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son," saad ni Kris.
Dagdag niya, "The worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him."
Pinili raw ni Kris na manahimik muna tungkol sa isyu hindi dahil sa nalalapit na inauguration ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino sa June 30.
"My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today," saad niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
44 June_Sunday
43 timito
I just wish na mahanap din ni Kris ang tunay na katapat nya..yung di magpapaander sa kanya...pero mamahalin sya ng tapat...Un lang..opinyun ko lang toh...hehehe!
42 black_bacarra
I'm sure nambababae si James but since when did that be a hindrance to you? Kung dead na dead ka? Nagsawa ka na rin kay James. In a way lucky James kasi kung siya umiwan sa iyo malamang ipakulong or ipa-torture mo now that your bro is president.
41 imate
40 celebrity_tsika
39 gutsykg
38 chotto_matte
37 sepiroth
36 thebest1
35 gott4L3nt
34 gloriat
33 June_Sunday
32 gott4L3nt
31 ShuttleEndeavor
alam ko walang prenup agreement nung ikasal sila so 50/50 sila sa hatian kaso halos lahat ng naipundar nila na-idonate na sa kampanya ni Noynoy, lol
30 hellokittyhawaii
29 greatballsofchina
28 jemei
27 merlion_25
Taray talaga ni Kris.. ayaw talaga palamang sa kuya nya sa 'eksena' sa bayan. LOL.
26 sepiroth
25 Jeon202
I know labas tayong lahat dun pero she promise us na walang magiging sakit ng ulo coming from her.
Ewan ko ke kris kasawa na talaga cya promise baka nman mega drama n nman ito kahit walang camera Owver ang reaction niya...Eh kung owver eh mas maganda na cguro magowver na kasawa na kasi........
more comments