news

Kris Aquino says marriage with James Yap "is over"

by Glen P. Sibonga posted on June 27, 2010  STATS: 218336 Views | 584 Comments

 

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work. On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," says Kris Aquino about her marriage with James Yap.

Photo By: Noel Orsal

As far as Kris Aquino is concerned, her marriage with basketball player James Yap "is over."

Ito ang isiniwalat ni Kris, 39, sa kanyang pahayag sa The Buzz kaninang hapon, June 27, na siya ring huling araw niya bilang co-host ng programa.

Binasag ni Kris ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang linggong haka-haka tungkol sa totoong estado ng kanilang pagsasama ni James, 28. 

Sa kanyang Twitter entry noong June 16 ay inamin ni Kris na nakaapekto sa kanilang pagsasama ang nakaraang presidential elections, kung saan ay tumakbo at nanalo ang kuya ni Kris na si Noynoy Aquino bilang Presidente.

Sa isang panayam naman noong June 22 ay kinumpirma ng kaibigan at co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na umalis na ng kanilang tahanan si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Baby James. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos nito ay pinili ni Kris na manahimik muna tungkol sa pinagdadaanan nila ni James. Hanggang sa magsalita nga siya kanina sa The Buzz upang ipaalam na sumuko na siya sa pagsasama nila ni James bilang mag-asawa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pagsasama nina Kris at James, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang balikang mangyayari.

"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," sabi ni Kris.

Nilinaw ni Kris na hindi ito isang biglaang desisyon.

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work," pahayag niya.

Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Kris sa sinapit ng kanilang pagsasama ni James. Ang tanging may karapatan lamang daw na humingi ng pagpapaliwanag ay ang anak nila na si Baby James.

"Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son," saad ni Kris.

Dagdag niya, "The worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him."

Pinili raw ni Kris na manahimik muna tungkol sa isyu hindi dahil sa nalalapit na inauguration ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino sa June 30.

"My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today," saad niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

584 Comments

  • 584  thetruthhurts

    08/17/2010 | 10:12 PM
    Kris, di mo ba naisip na ikaw ang may problema kaya lagi kang nahihiwalay sa mga naging ka-relasyon mo? alam mo sayang, ok ka pa nung mga pido-dida days mo e, ewan ko ba kung anong nangyari sayo ngayon.

    unang-una, ikaw ang nagsimula nitong media frenzy na ito. quot;the marriage is over, atleast for mequot; ka pa nga diba? tapos nung nagsalita yung nanay ni james, wala ka ng sinabi bigla? nakaka-insulto kaya yung sinabi mo. bakit opinyon mo lang ang pwede sa tv?

    pangalawa, matalino ka sana e, may kayabangan ka nga lang. alam mo ng hindi lalaban sayo si james ng talastasan, binatan mo naman sa tv. ayan tuloy, pinatulan ka, kumuha pa ng abugado hehe

    pangatlo, anak ni james yan e bakit mo itatago sa kanya, porke't may batas na sayo mapupunta kapag below 7yrs old ang bata, ang lakas ng loob mo magsampa ng annulment? eh kung sa pagiging quot;parentquot; figure lang e, di hamak na mas ok na cguro si james kesa sayo. san ka nakakita ng babae na sinasabing nagkaroon siya n
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 583  lhairant

    07/17/2010 | 09:53 PM
    daming bakla dito.. kaya parang nasa palengke mga komento.. yay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 582  ChristieMarie

    07/12/2010 | 03:06 AM
    Awww, that's why she's leaving James because she's hitting on some guy? Hallaaaa!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 581  laquitaGuillen

    07/08/2010 | 08:25 AM
    Yeah I got it!!! The rumor is Kris is having an affair with Chiz Escudero... if it's true ... how sad naman.. maraming madamay na bata at asawa.. dahil silang dalawa ay may mga asawa and besides Chiz wife is very pretty and young, younger than Kris... hope it's not true... yes, pwedeng type ni Kris si Chiz dahil she's a talker at mas may kabuluhan if she spends her time with someone like Chiz rather than James, pero may karmang naghihintay if this is true... na gets ko lang ang ibig sabihin ni Lolit Solis at Alfie Lorenzo,sa kanilang write ups. hope hindi sana magkatotoo...tama na ang dalawang pagkakamali ni Kris sa lalaki.. stay put na lang sana siya kay James...let her enjoy just being friends with Chiz....a homewrecker.. parang nakakahiya sa isang anak ng bayani..at kapatid ng presidente.. yan ba ang sabi niyang ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang kapatid niya? this rumor is worst than ever!!!!

    Laree
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 580  jjjohn

    07/05/2010 | 04:38 AM
    kris .... kapwa lumuluha, kapwa nasasaktan bakit tinitiis pa rin ang isat isa .lagi NALANG BANG ganito ang buhay natin. hindi ko hinahahangad ang yaman sa mundo pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko maari bang sanay patawarin mo pagkat tayong dalawa ay para sa isat isa........JAMES YAP
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 579  shidax

    07/04/2010 | 01:17 AM
    Buti at nagising ka na JAMES YAP!!!umaarte ka kasi habang busy sa pangangampanya si kris para sa kapatid nya.Gusto mo kasi nandyan palagi si kris sa tabi mo sana nag-isip ka ng mabuti bago ka nag umarte.Bago ka mag-isip para sa sarili mo isipin mo kung ano ang nararamdaman ng asawa,anak at sa pamilya mo OBOB....MAKASARILI....hindi biro ang obligasyon noynoy sa taong bayan.sana in full support ka.nakakahiya ang ginawa mo Mr.Yap.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 578  jjjohn

    07/03/2010 | 10:29 PM
    James and Kris let Sherwin Bagiuon sings his finale song sa pgt tayong dalawa live in front to both of you sure ako pagkatapos love love na naman kayo......
    the song is excellently addressed to you. I knew you were mesmerized when sherwin sung it in the pgt final.. god bless you kris
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 577  jjjohn

    07/03/2010 | 12:16 PM


    Kris masarap ang may asawa. masarap ang may kasama. masarap na may tatay na nagkakkarga sa anak niya habang namimili, na paparlor ang mommy. mga maliliit na bagay masarap talaga ang may tatay sa familya.masarap talaga may kalarong tatay ang anak. Hindi kayang ibigay ng nanay ang pangangailangan ng anak lalot nat lalaki ang anak mo. you know what I mean kris..... Wag kang sumuko kris at tama lang si James hindi siya sumuko, ngayon pa malaki na ang anak nyo. At kay Bishop oscar cruz puede ba tumahimik nalang siya masyado siyang madaldal at pakialamero. Ayosin nalang nya yong mga pari na may anak sa labas at kinuha ang sustento sa simbahan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 576  ellajane

    07/03/2010 | 06:14 AM
    Only you two know what happened in your marriage, family and home.

    Thank you both for issuing your statements. It is best to hear from the horse's mouth than be dubject to blind items and speculations.

    We will all now leave you in peace so you can do what you both need to do.

    May God bless and guide you.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 575  volleyballbaby

    07/02/2010 | 10:08 AM
    545
    IMaPeper2

    there sa story hindi two sides. it's THREE. the side of truth! bear that in mind!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 574  sanam

    07/02/2010 | 09:03 AM
    kainiskana,

    puro ka speculations... wala namang totoo sa sinasabi mo. pathetic... LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 573  kainiskana

    07/02/2010 | 12:20 AM
    If I were Kris, I will give it another try. Pag naging busy na silang lahat, at the end of the day, masarap din ang may kausap ka sa gabi. Ang away, spice of life iyan. Masarap tumanda na may kasama ka. Kris should know. Dapat nakita niya eto sa sariling Mom niya. Seguro, because she grows up with her Mom as the anchor of their family, naging matigas si Kris knowing that iyon ang role ng mga babae. Pero iba pa rin pag may hingahan ka na sa asawa mo lang masasabi pero hindi mo masabi sa mga kapatid mo dahil ayaw mo silang mag-problema pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 572  kainiskana

    07/02/2010 | 12:14 AM
    Kris should remember how it feels growing up without a father and she should look around her to see how happy it is to have a complete family. Now that her brother who is the man with whom her kids go to is President and will be very busy, and I am sure her sisters will be too, who is the best man to be there for her kids but the father. Although your sisters will be there for you, they will be very busy as well considering that Pres. Noy is a bachelor. Maawa ka sa kapatid mo, wala siyang sounding board na asawa lalo na at mahirap ang mamuno ng isang bansa na iba iba ang ugali ng tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 571  rhovic23

    07/01/2010 | 06:49 PM
    secret!!!!!! bsta close sa family aquino ung source ko!!!!!! that's all!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 570  wattebayo

    07/01/2010 | 05:28 PM
    how credible is this?


    according to my source kaya nkipag hiwalay n c kris kay james yap dahil may nabunis n ibang girl si james... hindi masabi ni kris s public bcoz makakasira sa reputasyon ng mga aquino... tsl tsk tsk...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 569  bulaklak_2009

    07/01/2010 | 02:58 PM
    ok lang. bata pa si james. si kris going to 40 na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 568  rhovic23

    07/01/2010 | 01:42 PM
    according to my source kaya nkipag hiwalay n c kris kay james yap dahil may nabunis n ibang girl si james... hindi masabi ni kris s public bcoz makakasira sa reputasyon ng mga aquino... tsl tsk tsk...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 567  iammine

    07/01/2010 | 11:32 AM
    oopps.. typo error.. well LALO ka na rin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 566  iammine

    07/01/2010 | 11:07 AM
    ang nakakaloka dito sa Pinas ang mga tao ang gagaling on telling how others should live their lives. at kapag hindi umayon sa gusto nila ang ginagawa ng iba sa sarili nilang mga buhay ay kung anu-anung judgments ang naaabot. kalurkey! pwede tingnan nyo rin muna mga buhay nyo bago kayo manghusga ng iba. kay Kris and everybody else. if siya ay maraming kapalpakan, well ka na rin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 565  LadyOfCebu2

    07/01/2010 | 10:43 AM
    Good for you Kris!! good luck!!and god bless you and your children. and always be yourself.amp;9829;amp;9829;
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About