"Gusto ko lang pong sabihin sa inyong lahat na I'm gonna go happy. Kasi ang konti-konti ng nandito sa industriya namin na nabibigyan ng pagkakataon na magpaalam while their show is still on top. And they are still considered a prized possession of the network," says Kris Aquino about leaving The Buzz after 10 years.

Photo: Noel Orsal

Matapos ang sampung taon bilang regular host ng The Buzz ay tuluyan nang namaalam si Kris Aquino sa show na naging saksi sa pagyabong ng kanyang career gayundin sa mga pangyayari at problema sa kanyang personal na buhay. Kahapon, June 27, ang naging huling araw ni Kris sa Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN.

June 13, 1999 nang magsimulang mag-guest co-host si Kris sa The Buzz. Nang sumunod na taon, 2000, opisyal nang naging bahagi ng show si Kris bilang host. Hanggang kahapon nga nang siya'y magpaalam na sa programa nila nina Boy Abunda at KC Concepcion.

Nauna nang sinabi ni Kris na nagdesisyon siyang iwan ang pagho-host sa kanyang dalawang showbiz talk shows—The Buzz at SNN (Showbiz News Ngayon)—upang makaiwas sa mga matitinding intriga at nang hindi makaladkad ang pangalan ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino.

"I just don't want to be a burden," bungad ni Kris. "I didn't want na my stay here could have a negative effect on my brother. And I didn't feel na my personal life or my personal views should have an effect on him. On Wednesday [June 30] is the day na inaasahan nating lahat na may mga pagbabago, may mga magandang mangyayari, the day for the Philippines to hope again."

BIG SACRIFICE. Sa kanyang emosyonal na pamamaalam, inamin ni Kris na malaking sakripisyo para sa kanya na iwanan ang mga shows kung saan siya nakilala at sumikat.

"To my family...thank you, Ate [Ballsy], for acknowledging na it's really a sacrifice. Kasi ten years...ang tagal pala, ang dami palang nangyari talaga. But I was able to let go two things that I felt I was good at, na in-acknowledge din naman sa punto na itong genre na ito was ours. And readily, pinilit ko sa sarili ko na sabihin kong kaya with no assurances about what's next," saad niya.

May pag-aalinalangan din daw si Kris, pero mas pinili nga niyang gawin ito para sa kanyang pamilya kasabay ang pag-asam na sana anuman ang susunod niyang gawin sa career niya ay ma-appreciate pa rin ng mga tao.

"In the same way na sinabi ko sa ate ko, nasa-sad ako kasi natatakot ako, kasi ito talaga yung alam kong gawin," sabi niya. "Ito yung alam ko na magaling ako sa ginagawa kong ito. And paano kung 'yong next project na ibibigay nila sa akin, paano kung hindi na ako kasing galing doon. But, in the same way na siguro nagtiwala ang Pilipinas kay Noy... Kasi nakita nila na he was sincere in his desire to make a better country and not have personal gains from this. Ganoon din siguro ang naging decision ko na binigay mo na ang lahat, e, alangan naman may part pa na, 'Hindi, ibigay ninyo sa akin ito.' So, binigay na lang lahat."

Marami raw siyang natutunan at maraming nagbago sa kanyang buhay sa sampung taon niyang pananatili sa The Buzz.

"You know it's really been a learning experience. Siguro kung nakita n'yo yung VTR na 'yan, from 29 to 39 [Kris's age], di ba? Parang malaki na rin siguro ang nabago sa buhay ko. Malaking nabago sa mga pananaw ko. And malaki ang nabago sa core kasi tumibay."

IN GRATITUDE. Pinasalamatan ni Kris ang taumbayan sa pagbibigay ng tiwala hindi lang sa kanya kundi pati kay President Noynoy at sa buong pamilya nila.

"Gusto ko lang hong pasalamatan kayong lahat kasi alalang-alala ko pa nung nasabi ko kay Noy na, 'What if you lose?' Sabi ko, 'What happens to all of us?' And then sinabi niya, 'Nobody goes to a battle thinking they are going to lose.' And biniyayaan nga siya ng napakalaking tiwala.

"Ako naman po, nabiyayaan n'yo ako... For any television personality, you gave me the greatest gift. You gave me your time, you gave me your trust. You let me be my self and accepted me for me," pahayag ni Kris.

Sumunod niyang pinasalamatan ang kanyang network.