May panghihinayang si Carlene Aguilar na hindi pa siya nakapag-register at nakapag-compete sa 6th Annual Perpetual Cup wakeboarding competition sa Lago de Oro, Calatagan, Batangas last Saturday, June 26.
Hindi man siya nag-compete, maghapon din siyang nanood ng halos lahat ng competitions ng wakeboarding. Ang kanyang mister na si Yo Ocampo ay isa kasi sa mga nakipag-compete kahit sabay lang daw sila na nagsimulang matutong mag-wakeboarding.
Kuwento ni Carlene nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Lago de Oro, "Three months pa lang since I started in wakeboarding. Bale si Shey [Sherilyn Reyes] ang nag-introduce ng sports na ito sa amin."
Admittedly, Carlene is a a water person dahil nagsu-swimming siya noon. Sa isang buwan, nakakapag-wakeboarding siya ng three times at umaabot pa raw sila minsan sa Camarines Sur at Davao.
"Okey kasi yung adrenaline, speed, pagiging active, gusto ko yun."
Bakit hindi siya sumali sa competition, samantalang si Yo ay nakipag-compete?
"Siguro ninerbiyos pa. Pero sayang. Sana sumali ako kasi konti lang yung sumali sa beginner's level ng women. Pero okey lang, siguro next year. Si Yo naman kasi, okey siya, kasi napapasukan niya ang iba. Siyempre, lalake siya. Ako naman, nag-iingat pa ako. Dapat yung sigurado ako," paliwanang ng dating Bb. Pilipinas-World.
DENNIS & JENNYLYN. Bagamat kasal na si Carlene ngayon, meron na siyang anak sa aktor at dati niyang boyfriend na si Dennis Trillo, si Calix Andreas. Meron na silang kani-kanilang buhay ngayon ni Dennis; siya ay kasal na kay Yo samantalang si Dennis ay nali-link ngayong sa actress-singer na si Jennylyn Mercado.
Tinanong ng PEP si Carlene tungkol sa naging pahayag niya na gusto niya si Jennylyn para kay Dennis.
"Hindi naman sa pagkakagusto. Ang sa akin, para matahimik na. Parang wala rin naman akong say kung sino ang maging girlfriend niya. Basta ang importante, maging responsible si Dennis na dad kay Calix," paliwanag ni Carlene.
Nagkakausap ba sila ni Jennylyn?
"Okey lang, okey lang," sagot ng beauty queen turned actress. "Hindi sobrang friends, pero siyempre binibigyan niya ng mga gifts si Calix. Kasi, may baby rin siya. So siguro nakaka-relate siya. And I think, nagka-debelopan din sila ni Dennis do'n."
We asked Carlene kung bakit sa lahat ng babaeng na-link kay Dennis, tila kay Jennylyn lang siya umokey. Pero nilinaw niya ang bagay na ito.
"Si Pauleen [Luna], friends din kami. Si Heart [Evangelista] noong nililigawan niya, okey rin. Siyempre, yung kay Cristine [Reyes] naman, siyempre nagkaroon lang ng something dati. Pero feeling ko, kung hindi kami nagsabay, okey lang naman, e," saad ni Carlene.
Playmates na raw ang anak nina Carlene at Dennis na si Calix at ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz.. Okey lang ba ito kay Carlene?






they have learned and grown for the better and have gone past their past mistakes. wishing better lives and lovelife for dennis and carlene.
pero minsan nakikita ko siya sa Channel2. dun sa Showtime nagjudge siya dun.
oo nga bakit siya magkakasay sa lovelife ng EX niya eh si Dennis kaya may say din sa lovelife niya eh kasal na pala siya.
hahaha. di rin madaldal itong EX ni Dennis at inisa isa pa ang mga babae ni DT. hahaha.
atleast, both of them are happy!