Maraming tinatapos na projects si Richard Gutierrez ngayon dahil malapit na siyang umalis para maging host ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown. Kabilang sa tinatapos niya ay ang pelikulang In Your Eyes kasama sina Claudine Barretto at Anne Curtis.
"We're finishing the movie now. We have two days left before I leave for Survivor. I'm finishing everything before I leave. Medyo hectic ang schedule natin ngayon," pahayag ni Richard nang ma-interview siya ng entertainment press sa grand opening ng Beauty & Butter one-stop-shop sa 5th Level SM Megamall last Monday, June 28, kung saan siya naging special guest.
Handang-handa na ba siya for the reality show of GMA-7?
"Yes, oo, naka-mindset na ako. I can say na I'm ready to go. I'm really focused and nakahanda na rin yung survival gear ko," sabi ng 26-year-old actor.
Ano ang mga inihanda niyang gagamitin?
"Of course, inihanda ko yung survival gear. And nag-prepare ako ng back-up, you know, just in case, emergency stuff, ganun, basic necessities. Mahirap na kung ano mangyari, dapat handa ka. First aid kit, flashlight, ganun."
Lagi rin daw nakikipag-meeting si Richard sa GMA-7, patunay lang na excited siya sa bagong hosting experience na ito.
"Oo, it's going to be my first time to host a reality show this big. And talagang it's an honor for me to be hosting Survivor Philippines. So, I will give my best to have a great, great show."
Alam na rin daw ni Richard ang lineup ng celebrities na kasama niyang mananatili sa isang isla for 39 days.
"Alam ko na yung mga kasali sa Survivor, alam ko na yung mga castaways. Kasi a few weeks back, tinanong ako kung gusto kong malaman kung sinu-sino. Sabi ko, huwag muna kasi hindi pa ako naka-mindset. Pero ngayong naka-mindset na ako, alam ko na kung sino yung castaways. Very exciting lineup, maganda yung mix ng people. It's going to be very, very interesting," banggit niya.
Meron bang castaway na close sa kanya?
"Nung makita ko yung lineup, nakita ko merong nakatrabaho ko na. May mga castaways din na kaibigan ko. Pero number one rule din kasi sa Survivor bilang host, hindi ako puwedeng makipagkuwentuhan sa kanila, hindi ko sila puwedeng kausapin. We're very strict, and I will play my role. Wala namang personalan iyan, e. Kung seryoso ako sa island, hindi nila ako puwedeng kausapin. Ganun talaga. Pero pagkatapos ng Survivor, puwede ulit kaming magkuwentuhan," saad ni Richard.
JEWEL MISCHE. Sa more than a month niyang mawawala sa Pilipinas, sino ang mami-miss niya sa kanyang pag-alis?
"Maraming makaka-miss sa akin," biro ni Richard. "Alam mo kasi honestly, hindi ko pa alam, e. Ang mindset ko kasi nasa isla, e. Iniisip ko muna yung kailangan kong gawin. Kumbaga, napakabigat ng responsibility ko as a host, taking care of Survivor Philippines: Celebrity Showdown, na ang mindset ko nasa isla. Pagdating ko dun, at saka ko maiisip kung sino yung mga taong mami-miss ko. Pero, of course, you know, we're only human. Kaya marami tayong mami-miss."
Siyempre kasama sa mami-miss niya ang taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ngayon—na alam naman ng halos lahat ay walang iba kundi ang StarStruck 4 winner na si Jewel Mische. Nagpaalaman na ba sila?

Kailan daw ba Ang alis ng grupo ng spce...
RG well what can I say, he's Richard Gutz..
I like this couple.
They are not denying, ayaw Lang Nila pag usapan on national tv, it's very clear what Richard has been trying to say. Kahit Alam na ng lahat, he still wants to keep the details private, ung details ng lovestory Nila. That makes it more intriguing and special what this two have in their relationship.
Nakakatuwa nga dahil Ang strong ng relationship Nila. Ang dami dyan lantaran mag share ng relationship Nila tapos naghihiwalay, etong dalawa na to silent Baka malalaman na Lang ng public magpapakasal na sila. Yun ay if they keep the love burning, who knows. But I
mean, this couple is not the type na kwento ng kwento. Lalo na si Jewel parang napaka quiet at simpleng Tao.
Kung Hindi sila bagay un ay dahil parang napaka buti at inosenteng babae ni Jewel para mahalubilo sa pamilya gutierrez.

kahit nanay/mamager mo ang babaeng talipapa na si anavel, hindi ka dapat laging nakikinig sa kanya. tanda mo na, may sarili kang isip noh.