Pagkatapos ng ilang araw na pananahimik ay nagsalita na rin sa wakas ang basketball player na si James Yap tungkol sa naging pahayag ng kanyang misis na si Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo, June 27. Ayon kay Kris, ay sumusuko na siya at sa kanyang parte ay tapos na ang kanilang pagsasama ni James. (CLICK HERE to read related story.)
Pero sa statement na ipinadala ni James sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sinabi nitong ipaglalaban niya na "mapanatiling buo" ang pamilya nila ni Kris "anuman ang mangyari."
Ayon pa kay James, "Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don't think na ngayon pa kami susuko."
Nilinaw rin ni James na "walang third party" sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Kris, bagamat hindi sinabi ng PBA player ang dahilan ng panibagong gusot na ito sa pagsasama nila ng female TV host.
Umaasa rin daw si James na "darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat" sa pagitan nila ng asawa.
Ipinaliwanag din ni James na pinili niyang manahimik muna bilang paggalang sa kanyang bayaw at bagong Presidente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino.
"Ever since naman, never n'yo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil, siyempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama," sabi ng 28-year-old shooting guard ng Derby Ace.
Tungkol naman sa hindi niya pagdalo sa inauguration ni President Noynoy, sinabi niyang nagkausap at nag-text siya rito at naiintindihan naman daw siya nito.
Dagdag ni James, "Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong Presidente ng ating bansa."
Isa pa raw dahilan kung bakit ipaglalaban ni James ang pagsasama nila ni Kris ay dahil sa pangako niya sa ina nito na si dating Pangulong Cory Aquino na hindi niya pababayaan ang kanilang pamilya.
"Na aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay," sabi niya.
Alam din daw ni James na mahirap para sa anak nila ni Kris na si Baby James ang pangyayaring ito, "pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang sitwasyon."
Sa huli ay nagbigay ng mensahe si James para sa anak na si Baby James at kay Kris.
Aniya, "Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin. Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na parang tunay na anak na ang turing ko. Inuulit ko, it's final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!"
JAMES YAP'S STATEMENT. Narito ang kabuuan ng statement ni James Yap, na ipinadala ng co-manager niyang si Edgar Tan sa PEP through e-mail:






Anyways, James and Kris, puh-leese, bago kayo umapak sa divorce-stage, let yourselves have space muna, wait for the right time bago kayo mag-usap ng mahinahon, then saka na kayo mag-desisyon. Hindi pa huli ang lahat. Kawawa naman ang mga kiddies nyo. :
well, kung may karapatan -- ipaglaban!
ang cute ni baby james!
Eventhough Kris makes more money than James, he is not low wage earner either.
PBA basketball players make millions of money, some earn billions, and most of them invest that money on business like rental houses.
and settle things in a nice way, mas maganda if still mapanatiling buo ang pamilya
It's great that people are quick to throw stones at others. You all need to get over yourselves and stop thinking that you are all so high and mighty that you can judge others. Let's see what's in your closets. I think 'we' as in 'we' the gawker and tourist sa buhay ng mga celeb, fixate on the Kris, Gretchen, Vina, etc. type stories because they are easy. They are simple. The morality is quick, clear and easy for some. We should spent more time, energy and brain power trying to do something about the real culprits in our society. Leave Kris alone. She's worked hard and she is a good mother to her children. Forgive and Love Love Love because what you put out into the world ALWAYS comes back home to roost. Count on it.
wag ka maniwala dyan! gusto lang nyan pera! please let him go na. now na!
I dont know, his starting statement that IT'S FINAL is kinda weird or like a sarcasm. This statement might be another reasons THAT WILL BREAK THE CAMEL'S BACK!!!
hehehe what is this???
true to life SOAP OPERA???
i wonder how the story will end...
right now, JAMES is singing to the tune of KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO...
sadly, the girl started to keep mum and now the guy's turn to talk...OUCH!!!