James Yap to wife Kris Aquino: "It's final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin."

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, July 01, 2010 @ 06:55PM  |  526 views

 

"Kris, marami na tayong pinagdaanan  na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na parang tunay na anak na ang turing ko," says James Yap to wife Kris Aquino, following the latter's announcement that they are already separated.

Photo By: Emerson Sy













"It's final. Ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don't think na ngayon pa kami susuko. Gusto kong linawin na walang third party na dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin pero umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

"Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna dahil bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino. Ever since naman, never nyo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama.

"Mi nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inaguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

"At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

"Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon, may tamang oras at panahon ang lahat.

"Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin. Kris, marami na tayong pinagdaanan  na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na parang tunay na anak na ang turing ko. Inuulit ko, it's final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!"

« Prev  1  2  

Related Articles

329 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name