Nag-react si Kris Aquino sa inilabas na artikulo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa napipintong paggawa niya ng game show sa ABS-CBN sa September this year. (CLICK HERE to read related story.)
Ang sabi ng host actress sa PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon, "No, there is no such thing. I have not accepted anything."
Hindi pa raw alam ni Kris kung anong show ang ibibigay sa kanya ng kanyang home network pagkatapos nitong mag-resign sa showbiz talk shows na The Buzz at SNN. Ngayong linggo ay matatapos na rin ang primetime series na kinabibilangan niya, Kung Tayo'y Magkakalayo.
Nakatakdang magbakasyon sa U.S. si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Baby James sa darating na Huwebes, July 8. At ang pag-uusap sa pagitan niya at ng ABS-CBN management ay magaganap bago ito umalis o pagdating niya next week.
Sa artikulo ng PEP na lumabas noong June 30, ay hindi naman binanggit doon na alam na ni Kris at ni Robin Padilla na magkakaroon sila ng back-to-back noontime shows. Maging ang host ng Wowowee na si Willie Revillame, na naka-indefinite leave pa rin hanggang ngayon, ay wala pa rin umanong alam na tatanggalin na sa ere ang kanyang programa.
Kaugnay nito, naglabas din ng statement ang ABS-CBN. "These are mere speculations. They are not official," sabi ng Corporate Communications head Bong Osorio tungkol sa lumabas na report ng PEP. (CLICK HERE to read related story.)






Maybe KC should be given a show where only she would do the talking. That tendency is very evident in her morning show. The guests just end up as one of the audience, only with special seats.
Her new show should be: 'Simply No Conversations with KC'.
kaya umalis si kris ng buzz at SNN dahil talk shows yun, at yung mga personal opinion daw niya ay namimisinterpret ng mga nega, binibigyan ng ibang kahulugan.
babalik pa rin siya sa tv pero baka game show nalang daw. boring ang showbiz pag walang kris aquino.
kung hindi xa, c alessandra de rossi nalang kaya?
CHARLENE G-sa bahay nalang xa at maging mabuting ina sa kanyang mga anak
GRETCHEN B-d cguro ppayag baka walk out lahat ng episodes hehe
i like kc pero hindi ko type ang hosting style niya. minsan parang mas excited pa siya sa iniinterview nya.
kawalang gana na ang the buzz. boring na.