Noong June 27 episode ng Showbiz Central ay napili ng entertainment columnist na si Ricky Lo si Rufa Mae Quinto among the hosts of the show upang umupo sa special edition ng segment na "Don't Lie To Me." Dito nga lumabas ang codename na "Mr. M" bilang pantukoy sa hanggang ngayon ay hindi pa rin mapangalanang fiancé raw ng sexy comedienne.
May lumabas na balitang hindi na raw matutuloy ang kasal ni Rufa Mae kay "Mr. M", pero itinanggi ito ng aktres at sinabing tuloy, pero hindi pa nga lang niya alam kung kailan.
MYSTERY BOYFRIEND. Kahapon, July 4, sa Showbiz Central pa rin, ang mga co-host niyang sina John "Sweet" Lapus, Raymond Gutierrez, at Pia Guanio ang nagtanong at umurirat kay Rufa Mae kung sino nga ba talaga ang Mr. M.
Hindi kaya Mr. M ang code name ni Rufa Mae sa kanyang mystery boyfriend dahil may letter M sa pangalan nito?
"E, siguro naman may M ang name niya, di ba? Ako nga, meron, Rufa Mae!" natatawang sagot ng komedyana.
Ayon naman kay Sweet, naiintindihan nila kung gusto ni Rufa Mae na maging private this time ang kanyang lovelife. Pero dahil hindi napapangalanan at napag-uusapan naman, nagsanga-sanga na ang isyu.
Sang-ayon naman ni Rufa Mae rito. Aniya, "Oo nga. Hindi na ako sensitive. Alam ko naman ang totoong nangyari. Kumbaga, bilang may kapartner, kung mawala man ang lahat, ayawan ako, wala na akong magagawa. Pero ang importante sa akin, solid ako, pamilya ko. Alam ng Diyos ang totoo. At kayong mga friends ko, alam n'yo ang totoo. Nirerespeto n'yo lang siguro ako."
Tinanong naman ni Pia si Rufa Mae kung nanggaling ba mismo sa guy at ito ang request na gawing private ang relationship nila.
"Actually, hindi naman," sagot ni Rufa Mae. "Huwag lang sigurong garapalan ang labas ko sa TV. Yung name-dropping pa. Pero parang naman nandito ako, usapang kasalan pa rin, di ba? Nandito ako nagpapa-interview. Sumasagot naman. Masaya naman ako palagi. Wala naman siyang kontra. Mukhang happy naman siya."
Raymond asked Rufa Mae kung kailan niya ipakikilala, lalo na sa mga fans niya, si Mr. M o ang mystery guy sa buhay niya. Bilang isang artista, Raymond believes that she owes it to her fans.
"Well, yun ang hindi ko pa naitatanong sa kanya. Kasi, ayoko naman nang puwersahan, di ba? Bahala na siya. Ngayon, kung nanonood siya, i-text na lang kayo at please lang, lahat ng tanong n'yo, sagutin na lang niya," sabi ni Rufa Mae.
Tuloy pa ba ang kasal?
"Alam n'yo, para wala na lang maraming sanga-sanga pa, isa na lang ang litanya ko na puwedeng sabihin—we will see when we get there. Or in Tagalog, sa tamang takdang panahon, malalaman nila. Time will reveal," pahayag ng sexy comedienne.
Saan ba ang magiging kasalan?
"Yun nga ang pinag-iisipan ko nga. If ever, out of town lang. Gusto ko sa Amanpulo or sa Paris. Depende nga kung saan. Alam n'yo po ang pagpapakasal, mahirap, a. Taon 'yan! At hindi parang kanin na isusubo lang, tapos luluwain mo, di ba?" paliwanag ni Rufa Mae.






A very influential man has a big problem: Getting back the wealth he entrusted to his girlfriend.
The wealth was fruit from a bad tree – from his wheeling and dealing and bribes.
The girlfriend will only give him back his wealth if he leaves his wife and children for her.
I think this refers to Mike Arroyo and Rufa Mae.
To Rufa Mae: Kung ikaw nga ito palagay ko nabola ka ni Mikey mouse na pakakasalan ka at naniwala ka naman. Well then, use your brain to the max this time even if it is located between your legs. Do a Lucio Tan, if you know what I mean para magbuhay ka na ng mariwasa at tigilan na ang pagsirko-sirko sa apat na sulok ng kama kung kani-kanino.
wala raw xiang ginagawang mali?...anong tawag sa pakikiapid rufa mae? alam mo hindi ka lang BEACH!!!!!...anay ka rin sa lipunan..ung pinagmamalaki mong bahay sa AMERIKA, pera yan ng taumbayan...KAPALLLLLL!!!!!!!
wala raw xiang ginagawang mali?...anong tawag sa pakikiapid rufa mae? alam mo hindi ka lang BEACH!!!!!...anay ka rin sa lipunan..ung pinagmamalaki mong bahay sa AMERIKA, pera yan ng taumbayan...KAPALLLLLL!!!!!!!
wala raw xiang ginagawang mali?...anong tawag sa pakikiapid rufa mae? alam mo hindi ka lang BEACH!!!!!...anay ka rin sa lipunan..ung pinagmamalaki mong bahay sa AMERIKA, pera yan ng taumbayan...KAPALLLLLL!!!!!!!
quot;A very influential man has a big problem: Getting back the wealth he entrusted to his girlfriend.
The wealth was fruit from a bad tree – from his wheeling and dealing and bribes.
The girlfriend will only give him back his wealth if he leaves his wife and children for her.quot;