"It happened to her at around the same age na nangyari sa akin yung Miss Saigon. I was 18 and now she's 18, and she's exploding all over the world, which is fantastic for her. I kind of see myself a little bit, pero siyempre, sa ibang larangan naman ng showbiz. Now, hers is really with music, me naman is on music/theater," says Lea Salonga about Charice Pempengco.

Photo: Noel Orsal

"Momentous occasion" ang description ni John "Sweet" Lapus sa pagkakasalang ng world-class artist na si Lea Salonga sa kanyang "Don't Lie To Me" segment sa Showbiz Central last Sunday, July 4. Sa bihirang pagkakataon nga ay napapayag si Lea na maupo sa lie-detector test at sagutin ng mga kontrobersiyal na isyu.

Dagdag pa ni Sweet, na halatang masayang-masaya noong hapong yun, magandang advance birthday gift para sa kanya ang pagge-guest  ng international singer. Bukas, July 9, ang birthday ni Sweet.

CHARICE. Ang unang tanong ni Sweet kay Lea ay may kaugnayan sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Charice Pempengco sa international music scene. Tipong "reflection" daw ng naging tagumpay ni Lea ang nangyayari ngayon sa career ni Charice. Okey lang ba kay Lea na ikinukumpara si Charice sa kanya?

"Yes" ang sagot ni Lea at sumang-ayon naman sa kanya ang lie detector at "Truth" ang lumabas.

Sweet asked Lea kung nagkaroon na ba sila ng chance na mag-meet ni Charice?

"Yes, we've worked a couple of times. Oo, magaling na magaling talaga siya," sagot naman ng Tony Award-winning actress-singer.

Naaalala ba ni Lea ang sarili niya kay Charice ngayon?

"Yes, when I was a little girl," sagot niya. "It happened to her at around the same age na nangyari sa akin yung Miss Saigon. I was 18 and now she's 18, and she's exploding all over the world which is fantastic for her. I kind of see myself a little bit, pero siyempre, sa ibang larangan naman ng showbiz. Now, hers is really with music, me naman is on music/theater."

Ayon kay Sweet, nananawagan ang mga fans na sana ay magkaroon sila ng concert ni Charice sa Pilipinas.

"That would be awesome," sabi ni Lea. "Hindi nga lang ako marunong magbirit. Pero sige, pipilitin ko ang sarili ko."

HERBERT BAUTISTA. Alam naman ng marami na isa si Lea sa original members ng That's Entertainment, kung saan kabilang siya sa Thursday group. Noong mga panahong 'yon ay usung-uso ang mga loveteams. Totoo ba na during those times, naging sila ng ngayon ay Mayor na ng Quezon City na si Herbert Bautista?

"No" ang sagot ni Lea at "Truth" na naman ang naging resulta.

Ayon kay Lea, magka-love team lang daw talaga sila ni Mayor Bistek noong panahong 'yon, pero inamin niyang nanligaw ito sa kanya. "But I'm not interested at that time with anybody," dagdag niya.

Hindi kaya natakot noon si Herbert sa mommy ni Lea na si Mrs. Ligaya Salonga?

Umiling ng ilang beses si Lea sabay sabing, "Walang takot yun sa nanay ko. What I'm saying is, he was never intimidated with my mom or anything like that. But it just never happened."