"Si Usher, ang gusto ko sa kanya, kumanta siya ng kahit anong kanta ni Michael Jackson, happy na ako doon. Kumanta siya dati ng 'Gone Too Soon.' Parang si Usher yung sumunod sa yapak ni MJ, pero nasa R&B ang genre niya. Pero idol niya talaga si Michael Jackson at ang galing nitong sumayaw talaga," says concert producer Jomari Yllana (main photo) about international singer Usher (inset).

Photo: Noel Orsal (Jomari) & Internet photo (Usher)

"Yes, siya ang pinakamahal," pag-amin ni Jom. "Ito ang pinakamahal na nagawa namin and, so far, pinakamalaking artist na madadala namin dito, dahil may following ito, e. First time."

Since pinakamahal nilang concert itong kay Usher, sa palagay kaya niya ay makakabawi sila sa ticket sales?

"Oo naman," kampanteng sagot ni Jomari. "Sa company kasi namin, kung sino ang magde-decide tungkol sa artist, we talk about everything, e. If we want a certain artist, kung hindi naman available, we have to look for someone else.

"So far, sa entourage niya [Usher], mag-isa siya sa artists, ha. Tapos siyempre, may kasamang banda yun. Maliit lang ang band, it's not so big.  Pupunta sila rito, siguro nasa range ng 20 to 25 persons. It's not too big.

"Wala namang demands, wala namang hinihingi. After ng concert niya, lilipad siya ng Saturday or Sunday... Hindi na siya makakapag-Party Pilipinas dahil malayo ang araw, e. Friday ang concert."

Sa July 8 ang dating ni Usher para sa concert niya rito sa Pilipinas. Magiging front act sa concert niya si Nina at ang South Border.

USHER VS. TIMBERLAKE. Sabi-sabi, si Usher daw ang naka-discover sa teen sensation ngayon sa na si Justin Bieber. May kuwento si Jomari tungkol kina Usher at Justin.

"Si Usher, he is yung album producer [ni Justine]... At may controversy 'yan. Kasi, may konting friction si Justine Timberlake at si Usher. Kasi, si Timberlake, nahuli ng isang araw lang na tawag for Justin Bieber. Tapos, nagkaroon ng konting conflict. Parang ang sinasabi, kung bakit nag-aaway itong sina Usher at Timberlake as producers kasi naunahan ni Usher si Justin Bieber na makuha from Timberlake. Kaya ang tour, ang magkasama ay si Usher at Bieber."

Dagdag niya, "Isa lang ang hit niya sa album niyang bago, hindi ko gaanong type, e... Marami siyang hit songs, sobrang daming hit songs from the past."

NEXT TO USHER. After Usher, tila mahihirapang sundan ito ng kasing-level ng kasikatan nito. So, who's next? Si Madonna na kaya?

"Parang ano... Sana," sabi ni Jomari. "Sana... Kung si Madonna, lahat kasi ng equipment, galing sa kanila.

"Alam mo ba kung sino ang gusto ko? Si Celine Dion. Gusto ko siya, bago tuluyang tumanda. Hindi malaki, pero gusto ko siya. Tapos, ang mga nasa front row ay sina Imee [Marcos], Imelda [Marcos], sina GMA [Gloria Macapagal Arroyo]!" tawa niya.

Yung last concert nilang Music Fest, kumusta?

"Masaya, pero it didn't make money," pag-amin ni Jomari. "Pero gano'n yun, e. It's not Christmas every day. Bawi lang, di naman lugi."

Tungkol sa tickets ng Usher Live In Manila, hindi declared kung magkano ang VIP tickets, pero ang Gold tickets ay P6,236; ang Silver tickets ay P4,157; ang Bronze tickets ay P2,079; at ang General Admission tickets ay P624.