(From left) Diva Montelaba, Sarah Lahbati, Steven Silva, and Enzo Pineda star in the "Exchange of Heart" episode of Lovebug, the weekly drama anthology of GMA-7.

Photo: Noel Orsal

Umalis kahapon ng madaling-araw (4:30 a.m.), July 6, papuntang Camiguin Island ang StarStruck V finalists na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, at Diva Montelaba para sa taping ng "Exchange of Hearts" episode ng Lovebug.

Hindi kasama sa cast ang isa pang Final 5 ng StarStruck V na si Rocco Nacino dahil ibang episode ang gagawin nito sa Lovebug, kung saan si Lovi Poe ang katambal niya at kukunan ito sa Cambodia.

Si Andoy Ranay ang direktor ng "Exchange of Heart" episode, pagkatapos mag-beg off muna ni Direk Mark Reyes dahil siya ang magdidirek ng "Back to the Movies" episode ng Party Pilipinas sa Sunday, July 11, at kailangan niyang paghandaan ito.

A day before their flight, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang select members of the press sina Steven, Sarah, Enzo, at Diva sa pictorial nila for Lovebug last Monday, July 5, sa 4th floor ng GMA Annex Building.

SARAH LAHBATI. Aminado ni Sarah na may pressure sa kanya ang first acting project niya sa GMA-7. Although last Saturday, July 3, siya ang tampok sa episode na "Dangerous Charade" sa Maynila, katambal si Enrique Gil na talent ng Star Magic.

Inilarawan din ni Sarah ang role niya sa "Exchange of Heart."

"Ako po rito si Rachel at mommy ko si Rio Locsin. Napanood ko na po siya at nakita ko kung gaano siya kahusay umarte," umpisa ni Sarah. "Simple girl lang po ako rito, in love kay Emil [Enzo], pero gusto ni Mommy para sa akin si Tim [Steven], isang tour guide sa Camiguin."

Puyat pa si Sarah nang makausap namin dahil umaga na raw silang natapos ng shooting para sa unang movie niya, ang White House ng Regal Films, sa Tanay, Rizal.

Dagdag niya, "Halos wala pa po akong tulog dahil nag-shoot din kami ng trailblazer ng Lovebug bago kami pumunta rito for pictorial."

Napansin namin na parang hindi sila nagkikibuan ni Enzo, magkagalit ba sila?

"Hindi naman po," sabi ni Sarah. "Medyo may tampo lang po ako dahil hindi siya sumama sa aming manood ng premiere night ng Eclipse. Dapat po kasi, kaming taga-StarStruck V ang manonood. Pero okey na po, valid po naman ang reason niya, may taping po kasi siya ng Diva noon."

Naikuwento rin ni Sarah sa PEP na umuwi muna sa Switzerland ang mommy niya para dalawin ang daddy niya. Tulad ni Sarah, nami-miss na rin nito ang kanyang ama. Iuuwi na rin daw ng mommy niya ang iba pa niyang gamit doon. Every day naman daw ay nakakapag-usap sila ng ama dahil bumili na rin ito ng Blackberry phone.

Masaya rin si Sarah na bilang endorser ng Bench, tumatanggap siya ng P15,000 worth of gift certificates kaya ibinibili raw niya ito ng products ng Bench na maitatago niya o puwede niyang ipanregalo sa family and friends niya.

Dream pa rin ni Sarah na makatambal si Richard Gutierrez at makasama sa isang soap si Christopher de Leon.

STEVEN SILVA. "Isa po akong tour guide sa story, ako si Tim. Si Diva po ang talagang love ko rito, pero si Sarah ang childhood friend ko at siya lagi ang kasama ko dahil ako ang gusto ng mommy niya para sa kanya," paglalarawan naman ni Steven sa kanyang role.