"Each Precious Hearts I've done, there's something. But like Direk Cathy Garcia said, ito ang pinaka-soap, pinaka-deep, pinaka-dark. So that alone already brings out something in me that is different from all the others," says Denise about PHR's latest series called Midnight Phantom, where her scenes with Rafael are said to be totally raw and passionate.

 

Photo: Noel Orsal

Kahit one year in the making ang Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom ng ABS-CBN, hindi raw nadismaya or sumama ang loob ng mga bida nito na sina Denise Laurel and Rafael Rosell.

Ayon kay Denise, "Yun ang iisipin ng mga tao, pero yung sa amin, the reason why hindi sumama ang loob namin kasi sobrang ganda talaga."

Dugtong pa ni Denise, "Ginamit namin ang oras para pagandahin."

Sa July 12 at 5:25 p.m. na ang pilot showing nito.

Nag-work out daw si Denise nang husto para maging sexy sa bagong afternoon series.

"Pero siyempre, each Precious Hearts I've done, there's something. But like Direk Cathy Garcia-Molina said, ito ang pinaka-soap, pinaka-deep, pinaka-dark. So that alone already brings out something in me that is different from all the others."

May eksenang naka-two-piece lang daw sila ni Charee Pineda.

"Opo... Yun pa ang panahon na may baby fat pa ko. Pero natiyempuhan na noong araw pa na-shoot ang swimsuit. So, it was also a challenge for Charee and I to be comfortable with each other."

ON RAFAEL ROSELL. Parang may ilangan ang dating nina Denise at Rafael sa amin. Hindi naman malayong ma-develop sila dahil pagkatapos ng Midnight Phantom, sila pa rin ang magkapareha sa Kristine series ng PHR na may pagka-sensual.

So, posible bang may mabuong relasyon sa kanila ni Rafael, lalo't ilang taon na ring walang boyfriend si Denise?

"Ah, only God knows the future," ang sagot ng aktres. "Yun lang ang masasabi ko, ha ha ha! But we definitely get along very well together. Pero hindi namin tinatatakan or something."

Kahit na sabihin pang may term of endearment siya para sa katrabaho.

Inamin naman ni Denise, "He's my Boogie. Basta yun lang, he's my Boogie...

"He's a great guy. My mom likes him. Pero, mahirap kasi we work together. He's so professional. I am professional.  We see each other every day. So far, so good naman. Pero I don't know if I can label or anything."