In a very rare appearance, mapapanood ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang special guest sa primetime series na Pilyang Kerubin. Gagampanan niya rito ang papel ni Regina, isang inang nawalan ng dalawang anak na babae. Ang isa, sa kawalan ng magagawa, ay naibenta niya, at yung isa naman ay namatay sa sakit.
Sa sementeryo na siya tumira kunsaan nakalibing ang kanyang anak at doon na niya ginawa ang pagiging "ina" sa mga homeless children. Sa Lunes, July 12, mauumpisahan nang mapanood si Maricel sa top-rating Kapuso series.
Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ng pagkakataon na mabisita ang taping ng Pilyang Kerubin sa North Cemetery sa Maynila kagabi, July 9. Ang eksena nina Maricel at Barbie Forteza ang kinukuhanan ng bagong director ng series na si Maryo J. delos Reyes.
WORKING WITH KIDS. Nang makaharap na niya ang press, nakangiting sinabi ni Maria na enjoy siya sa paggi-guest sa PK.
"At saka siyempre, nagkagulatan kami ni Direk Maryo, di ba? Sabi ko, 'Tayo na naman ang magkasama? Parang kailan lang, shooting natin.' 'Tapos yun, nauwi na kami sa kuwentuhan. Siyempre, ever since kami na ang magkakasama sa pelikula. So, ang sarap magtrabaho na gusto mo ang ginagawa mo."
Ang huling movie na pinagsamahan nila ay ang A Love Story noong 2007.
Nang tanungin namin kung nahirapan ba ang network na kumbinsihin siyang mag-guest sa Pilyang Kerubin, natatawa niyang sinabi, "Kailangan bang mahirapan? Di ba, kapag type mo ang ginagawa mo at happy ka, yun ang importante."
Mga bagets ang kasama niya sa PK at natatawa niyang kuwento, "Sabi ko nga, 'Barbie, ilang taon ka na? Twelve! Sabi ko, hindi naman pala tayo nagkakalayo, 13 ako! Yung size ng paa. Parang konti na lang, kasya ko na ang tsinelas."
Dagdag pa niya, "Ang ganda-ganda niya. Para talagang angel, di ba?"
Mga pelikula ni Maricel ang sinasabi ni Barbie na pinanood para i-peg ang character niya sa Pilyang Kerubin. Pero medyo naiilang daw siya sa Diamond Star especially during their first scene together.
"Hindi halata," ang sabi naman ni Maricel. "Kasi naïve. At saka ang mga bata, ganoon talaga. Diyusko, lumaki naman sa akin ang mga bata, sina Angelica [Panganiban], Shaina [Magdayao], si Serena [Dalrymple], yung ka-height ko. Nagugulat nga ako, may boyfriend na raw sila. May boyfriend na?! Ako pa ang nasa-shock, kasi, nangako sa akin ang mga batang 'yan na hindi muna magbo-boyfriend. Feeling ko, ako ang nanay. Iba kasi kapag girls. I have two boys kasi."
Ang panganay niyang si Maron ay 23 at may ipinapakilala na sa kanyang girlfriend. Si Sebastien naman ay 17. "One of the boys" daw ang turing sa kanya ng mga ito.
FREE AGENT. May nagkomento na parang ang suwerte ng sitwasyon niya ngayon dahil puwede na siya kahit sa anong network.
"O, di ba? Yun ang tinatawag na ang bilog ay umiikot."
Pero may plano ba na pagkatapos ng PK guesting ay may regular show na siyang gagawin para sa Kapuso network?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
132 lolalu
131 lolalu
130 lolalu
Kapag naman may lumipat na taga GMA sa ABS, apat na taon na hindi pa rin tantanan na tawaging walang utang na loob. Ganyan lang naman ang showbiz, kung saan may project or kung saan sila maligaya lilipat at lilipat ang mga artista. There is no permanence in this industry.
129 pusotisipmo
128 pusotisipmo
127 mozart2010
126 lawrenzo
===Sana with Maricel Soriano na agad lol! Sitcom with Maricel Soriano. Susko.. now na lol!
125 swiss
GMA, bigyan niyo ng dekalidad na trabaho si Marya. I think siya ang papalit sa Claudine kasi hanggang August na lang yun and Clau will do a telebabad show.
124 lawrenzo
I believe, ALL WITH MARICEL SORIANO ITO lol!
Pero Maricel, wag kang magpa EXCLUSIVE. Dapat freelancer ka lang ha..
123 idontknowmuch
122 yarika
121 ganda
120 janelle_lorenzo
119 janser8
Nilun0d na c Agua!!!hahaha...
118 janser8
117 certified_orig1
then Marian at Maricel sa isang sitcom.
Marian could be the next Maricel Soriano dahil she could act drama and comedy.
116 7heaven
Oh ayaw lang niya kasi in denial siya. LOL!!!!
115 shuttle_69
114 lawrenzo
113 lawrenzo
more comments