news

Maricel Soriano believes Inday remakes will be even better than originals

by Rose Garcia posted on July 10, 2010  STATS: 919 Views | 132 Comments

 

The original Super Inday is thrilled to have her hit franchise remade. "Ikinakatuwa ko yung mga ganoon na alam mo, nabibigyan nila ng halaga ang mga nagawa namin noon," says the Diamond Star who makes a rare guest appearance in Pilyang Kerubin. Photo shows her in character as Regina.

 

Photo By: Rose Garcia

In a very rare appearance, mapapanood ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang special guest sa primetime series na Pilyang Kerubin. Gagampanan niya rito ang papel ni Regina, isang inang nawalan ng dalawang anak na babae. Ang isa, sa kawalan ng magagawa, ay naibenta niya, at yung isa naman ay namatay sa sakit.

Sa sementeryo na siya tumira kunsaan nakalibing ang kanyang anak at doon na niya ginawa ang pagiging "ina" sa mga homeless children.  Sa Lunes, July 12, mauumpisahan nang mapanood si Maricel sa top-rating Kapuso series.

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ng pagkakataon na mabisita ang taping ng Pilyang Kerubin sa North Cemetery sa Maynila kagabi, July 9.  Ang eksena nina Maricel at  Barbie Forteza ang kinukuhanan ng bagong director ng series na si Maryo J. delos Reyes.

WORKING WITH KIDS. Nang makaharap na niya ang press, nakangiting sinabi ni Maria na enjoy siya sa paggi-guest sa PK.

"At saka siyempre, nagkagulatan kami ni Direk Maryo, di ba?  Sabi ko, 'Tayo na naman ang magkasama? Parang kailan lang, shooting natin.' 'Tapos yun, nauwi na kami sa kuwentuhan. Siyempre, ever since kami na ang magkakasama sa pelikula. So, ang sarap magtrabaho na gusto mo ang ginagawa mo."        

Ang huling movie na pinagsamahan nila ay ang A Love Story noong 2007.

Nang tanungin namin kung nahirapan ba ang network na kumbinsihin siyang mag-guest sa Pilyang Kerubin, natatawa niyang sinabi, "Kailangan bang mahirapan? Di ba, kapag type mo ang ginagawa mo at happy ka, yun ang importante."

Mga bagets ang kasama niya sa PK at natatawa niyang kuwento, "Sabi ko nga, 'Barbie, ilang taon ka na? Twelve! Sabi ko, hindi naman pala tayo nagkakalayo, 13 ako!  Yung size ng paa. Parang konti na lang, kasya ko na ang tsinelas."

Dagdag pa niya, "Ang ganda-ganda niya. Para talagang angel, di ba?"

Mga pelikula ni Maricel ang sinasabi ni Barbie na pinanood para i-peg ang character niya sa Pilyang Kerubin. Pero medyo naiilang daw siya sa Diamond Star especially during their first scene together.

"Hindi halata," ang sabi naman ni Maricel. "Kasi naïve. At saka ang mga bata, ganoon talaga.  Diyusko, lumaki naman sa akin ang mga bata, sina Angelica [Panganiban], Shaina [Magdayao], si Serena [Dalrymple], yung ka-height ko.  Nagugulat nga ako, may boyfriend na raw sila. May boyfriend na?!  Ako pa ang nasa-shock, kasi, nangako sa akin ang mga batang 'yan na hindi muna magbo-boyfriend. Feeling ko, ako ang nanay. Iba kasi kapag girls. I have two boys kasi."

Ang panganay niyang si Maron ay 23 at may ipinapakilala na sa kanyang girlfriend. Si Sebastien naman ay 17. "One of the boys" daw ang turing sa kanya ng mga ito.

FREE AGENT. May nagkomento na parang ang suwerte ng sitwasyon niya ngayon dahil puwede na siya kahit sa anong network.

"O, di ba?  Yun ang tinatawag na ang bilog ay umiikot."

Pero may plano ba na pagkatapos ng PK guesting ay may regular show na siyang gagawin para sa Kapuso network?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

132 Comments

  • 52  landstown

    07/10/2010 | 09:11 PM
    oo nga ano sana magkasama si maricel at marian sa smdm kakatuwa sigurado iyon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  TheRealKhikkai

    07/10/2010 | 08:52 PM
    oh my! sana kapuso na din si maricel tapos mgkaron ng sana sila ng teleserye ni MArian ERivera...ung heavy drama o comedy!!! patok yun!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  anonymouse

    07/10/2010 | 08:47 PM
    GMA should consider putting up a quality show with these amazing stars. yung tipong kahit hindi nag re-rate, OK LANG KASE KITA NAMAN ANG QUALITY AT DE KALIBRE ANG ACTING. di ba Claudine? nag iimprove na ang ratings ng show niya ngayon. i'm sure consistently pataas ang trend nito. :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  djrw76

    07/10/2010 | 08:47 PM
    Looking forward to watchher in PK, I hope she'll also do a 1-month stint in Marian's SMDM. That would be such a riot. Knock knock GMA 7...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  anonymouse

    07/10/2010 | 08:45 PM
    Panu kung pagsama-samahin sina Maricel Soriano, Jean Garcia, Eula Valdez, Claudine Barreto at Jolina Magdangal sa iisang GMA soap, hay naku for sure bonggang bongga ito! tututukan tlaga to ng lahat noh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  TFC_AlZour

    07/10/2010 | 08:33 PM
    bata pa si maricel soriano nung ginawa nya ang Super Inday..

    bakit sa remake today matanda na ang gaganap?

    why ? why ?

    dapat Super Lola or Super Tandarna...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 46  sojourner_70

    07/10/2010 | 08:27 PM
    Glad to see inay with an article sa pep.

    Looking forward to seeing her sa PK at may movie na rin pala na nakaline-up.

    HAIL TO THE QUEEN!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  lawrenzo

    07/10/2010 | 08:25 PM
    Kung ako sa GMA, take na nila ang opportunity na ito na kumbinsihin sina Maricel at Malou na gumawa ng TELESERYE sila with Claudine Baretto. That would be a casting coup. Two former Queens of ABS CBN.. magagaling, may sariling hukbo ng mga tagahanga.. isang maganda at kakaibang teleserye sigurado akong papatok. Laban kung laban sa aktingan. Chance na nila ito na magkaron ng CERTIFIED BIG STARS More Senior sa kanilang TELEBABAD.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  lawrenzo

    07/10/2010 | 08:23 PM
    bakit naman yan ang pic na nilagay..minsanan na nga lang makikita cya d2 sa pep..

    ----

    dahil iyan nga ang pic niya sa taping ng pk. pero may mga bagong pics din si maricel sa fb ni mel martinez, sa pex.. ang ganda ganda at sexy pa rin niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  palengkera

    07/10/2010 | 08:11 PM
    I would love to see Marya and Marian in a comedy together.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 42  agusanonko

    07/10/2010 | 07:57 PM
    bakit naman yan ang pic na nilagay..minsanan na nga lang makikita cya d2 sa pep..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 41  red_radiance

    07/10/2010 | 07:56 PM
    balik ka na sa abscbn ms. maricel!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 40  vegveg03

    07/10/2010 | 07:37 PM
    remakes deserve Marian, because she is the Queen of Remake.

    -------------------------
    pero kahit remake ang ginagawa nya nabibigyan nya ng justice yun mga yun!!accept it di sya mamahalin ng mga tao at di nya mararating ang kung anong meron sya kung di sya magaling!!at di sya mahal ng tao!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 39  7heaven

    07/10/2010 | 07:24 PM
    Typical kapams rants!! Galing tlg mag mind condition ng abs. Napaniwala nila mga viewers nila na original lahat ng srye nila. Wewe nemen.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 38  littlebubu

    07/10/2010 | 07:10 PM
    talagang di bagay kay angge ang mga inday series, bagay sa kanya yung wag mong buhayin ang bangkay! at parang tuod umarte yun no!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 37  shuttle_69

    07/10/2010 | 07:09 PM
    33
    skyward
    July 10, 2010
    18:34 PM Ang Noah nmn ay hango sa GEORGE IN THE JUNGLE at TARZAN, sanggol na napadpad at lumaki sa mundo ng mga unggoy!! hahaha...
    __

    hindi man lang nag-paalam...wala kasing pambili ng rights dahil lubog na sa utang kaya mag-nanakaw na lang ng ideas.- - - tatak abs cbn...noon hanggang ngayon at magpakailan man. ha ha ha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  lessur143

    07/10/2010 | 07:07 PM
    Wow, excited na ko to watch Ms. Soriano in PK!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  kingbrown77

    07/10/2010 | 06:57 PM
    being mataray is not negative, it means being smart...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 34  brattinela

    07/10/2010 | 06:37 PM
    maricel believe kay marian na kaya niyang higitan ang galing niya sa super inday

    marian rules sa mmff
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  skyward

    07/10/2010 | 06:34 PM
    Ang Noah nmn ay hango sa GEORGE IN THE JUNGLE at TARZAN, sanggol na napadpad at lumaki sa mundo ng mga unggoy!! hahaha...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About